Dahan-dahang pumalaot ang barko sa Eight Desolate Mountain.
Papasok na sana sila sa inland area, kaya nagsimulang magpokus si Zhao Feng; hindi niya pa naramdaman ang pagbabagong ito dati.
Sunod nito ay nalagpasan ng barko ang isang malabong asul na ilaw.
Weng~~~
May mga kidlap na tumalsik sa katawan ng barko.
"Hmm? Dagdag pang bigat… mas mabigat…"
Hindi mapakali ang katawan ni Zhao Feng, at habang lumalayo pa sila, mas malakas pa ang panlalabang nararamdaman nila.
Ang walang hanggang karagatan at ang kalupaan ay dalawang magka-ibang mundo.
Kung ang cultivation ng isang tao ay hindi pa umaabot sa isang lebel na kinakailangan, hindi nila kakayaning pumasok sa walang hanggang karagatan sa kanilang pisikal na anyo. Ito ang dahilan kung bakit marami sa taga-lower levels ang nakaisip na ang lugar na tinitirahan nila ay isang kontinente.
Ang gravity, resistance, at pati na rin ang Heaven Earth Yuan Qi ay nagbabago.
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com