Sabay na napahinto ang dalawang grupo nang makita nilang ninanakaw ni Zhao Feng ang barko.
"Walang hiyang magnanakaw!"
"Tigilan niyo siya! Hindi natin siya pwedeng hayaan lang kuhanin ang Blue Lightning Sea Sky Ship."
Nagsimulang magmura ang mga pirata.
Sa kabilang dulo, gulat na gulat ang grupo ni Loulan Zhishui sa pinaggagagawa ni Zhao Feng.
"Sobrang tapang ng batang iyon. Ninanakaw niya pati ang Blue Lightning Pirates' Ship."
Isa sa pinakamalaking grupo ng mga grupo ng pirata sa paligid ng Eight Desolate Mountain ang Blue Lightning Pirates, at maraming negosyante ang takot sa kanila.
Kahit pa hindi ganoon kataas ang battle-power nila ay sobra namang nalagpasan ng kanilang agility at stealth ang ganito ng karamihan, na siya namang pinakamalaking puhunan nila.
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com