"...ang may-ari ng Token of Death na ito ay nagmumula sa isa sa mga Eight Great Gode Eyes…"
Bago pa man matapos ang kanyang sinasabi, natapos na ang buhay ni Grandmaster Yin Kong.
Plop!
Ang kanyang katawan ay nahulog sa lupa, wala ng buhay, pero may pakiramdam pa rin ng panganib na tanging tumataas laang.
Weng~~
Ang "Death" na nakasulat sa token ay nakatuon kay Zhao Feng at nagbuga ito ng aura of death.
Ang kamalayan ni Zhao Feng ay tila nagyelo. Sa pagkakataong iyon, naramdaman niyang ang buhay na mayroon siya ay hindi na niya kontroladom
"Ang token na iyan…!!!!!"
Ang tatlong Void God Realms ay napabulalas habang nakatitig sa Token of Death. Kahit sila ay nagulat ditonat napahinga nang malamig.
"Iyan ang Token of Death! Iyan nga talaga iyon!"
Ang ginintuang kalansay ay napabulalas sa takot at taranta. Ang mga mata nito ay puno ng pagkabahala at respeto nang tignan nito ang Token of Death.
"Token of Death!"
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com