webnovel

Ang Tunay na Tulisan ay Nandito!

Editor: LiberReverieGroup

Sa puntong ito, may mga kaaway sa paligid ni Zhao Feng, at wala sa kanila ang mahina.

Sa itaas niya ay ang Mystic Ice Queen, na kasama ang Three Eyed Saint at si Goddess Bing Wei sa kaniyang kaliwa at kanan.

Sa kaniyang harapan ay ang Grand Elder ng Heavenly Yuan Clan, si Dao Sovereign Baiyun.

Sa kaniyang likuran ay si Yu Tianhao, na naghihintay lang na makipaglaban.

Ang kahit sino sa mga taong ito ay maaaring makapagdala ng kaguluhan sa lugar ng Cloud. Si Dao Sovereign Baiyun at Mystic Ice Queen ay parehong nasa tuktok ng kontinente.

"Zhao Feng, Zhao Feng... anong klaseng mga tao ang iyong ginalit?"

Si Patriarch Hong at Tiemo ay pinagpapawisan na para kay Zhao Feng at mababakas ang pag-aalala sa kanilang mga mata.

Ang hindi inaasahang pagpunta ng mga taong ito nang sabay ay ginulat si Zhao Feng.

"Zhao Feng, ang pagkamatay ba ng aking ama ay may kahit anong kaugnayan sa iyo…?"

Ang tanong ng Three Eyed Saint ay labis na biglaan, at naglalaman ito ng poot at killing intent. Ang kaniyang ikatlong mata ay tila nagliliyab at may gintong liwanag.

Hindi maiwasang magulat ni Zhao Feng. Mula sa tono ng Three Eyed Saint, tila may isang bagay na kaniyang pinagdududaham, ay kung hindi ay hindi naman niya tatanungin sa ganitong paraan si Zhao Feng.

"Three Eyed Saint, huwag kang basta mang-akusa ng mga tao nang walang patunay."

Sigaw ni Jiang Sanfeng.

Si Tiemo ay ngumit, "Three Eyed Saint, ang Canopy Great Country ay hindi pa nakakatanggap ng ulat tungkol sa pagkamatay ng iyong ama. Paano ito magkakaroon ng kaugnayan kay Zhao Feng?

Nang marinig ito, maraming mga tao ng sumang-ayon sa Iron Blood Religion.

Karamihan sa kanila ay nagtataka. Ang pamilyang Golden Sun ay base sa Middle Continent, at ang Head ng pamilyang Golden Sun ay isang eksperto ng matandang henerasyon habang si Zhao Feng ay isang junior at ni hindi pa dalawampung taong gulang.

Wala namang hidwaan ang dalawa para pag-usapan.

"Patunay? Maraming tao ang nakita ang aking ama at si First Elder na sinundan si Zhao Feng. Pagkatapos nito, ang aking ama at si First Elder ay hindi na bumalik.

Ang ikatlong mata ng Three Eyed Saint ay nanatili kay Zhao Feng.

"Three Eyed Saint, paano mo nabalitaan ang pagkamatay ng iyong ama?"

Tanong ni Patriarch Hong.

Ang mata ng lahat ay nagliwanag. Ito ay isang kritikal na katanungan.

"Sa oras na ito, ang aking eye bloodline ay hindi makapali. Ayon sa mga tala ng pamilyang Golden Sun, tanging isang taong konektado ang bloodline sa bang may Sacred Eye bloodline ang nakaranas ng kamalasan ang makakaramdam nito."

Ang tono ng Three Eyed Saint ay naging malungkot at tumahimik ang lahat.

Si Dao Sovereign Baiyun, Patriarch Hong, at mga kasama ay labis na maraming alam at kayang maramdaman ang pakiramdam ng bloodline ng Three Eyed Saint.

Bilang ang dating pamilyang may pinakamalakas na eye bloodline, ang pamilyang Golden Sun ay labis na kilala, at ang "pakiramdam" na ito ay lumitaw na nang isa o dalawang beses noon.

Hindi nagduda si Zhao Feng sa Three Eyed Saint. Ang kaniyang God's Spiritual Eye ay may sariling mga kakayahan at labis itong sensitibo sa panganib.

Dagdag pa rito, ang Head ng pamilyang Golden Sun at ang Sacred Eye bloodline ng Three Eyed Saint ay direktang magkaugnay.

"Noon, ako ay napinsala ni Zhao Feng at hindi na nakapag-usisa sa pakiramdam. Ngunit makalipas ang isang buwan matapos ang pagkawala ng aking ama at sa paghahanap kahit saan, sa wakas ay nakita ko na ang huling natitirang aura ng kaniyang bloodline sa gitna ng kagubatan. Tanging isang taong mula sa pamilyang Golden Sun ay makakaramdam nito."

Huminga nang malalim ang Three Eyed Saint pagkatapos ito sabihin.

Ang kaniyang mga mata ay naging mapula nang tumingin kay Zhao Feng na tila siguradong siya ang tulisan.

Ang lahat ay nagtinginan sa kawalang paniniwala.

"Una, si Zhao Feng ay wala roon at umalis na walang kasama."

Malamig na sinuri ni Goddess Bing Wei si Jiang Sanfeng at Die Ye, at nagulat ang mga ito.

Tama, labis na nakapagtatakang nilisan ni Zhao Feng ang siyudad.

"Ikalawa, may mga saksing nakita ang Head ng pamilyang Golden Sun na sunindan si Zhao Feng."

Itinaas ni Goddess Bing Wei ang kaniyang kamay.

Shua! Shua!

Tatlong anyo ang tumalon mula sa gilid. May dalawang lalaki at isang babae. Ang isa sa kanila ay nasa True Mytic Rank at ang dalawa pa ay nasa True Human Rank.

"Tama, nakita namin ang Head ng pamilya at isang grass-hat-wearing elder na sinundan si Zhao Feng.

Kinumpirma ng tatlo.

Sa isang sandali, nakatanggap si Zhao Feng ng mapaghinalang mga tingin.

Ang lahat ng mga palatandaan at patunay ay nagsasabing ang pagkamatay ng Golden Sun family Head ay may kaugnayan kay Zhao Feng.

"Zhao Feng, kung ikaw ay inosente, bakit umalis ka nang kahina-hinala? Anong ginawa mo nang mag-isa? Anong nangyari pagkatapos ka sundan ng dalawa?

Pagpipilit ni Goddess Bing Wei.

Nanatiling walang ekspresyon at tahimik si Zhao Feng.

"Dao Sovereign Baiyun, maaari kang maging saksi namin. Ang Zhao Feng na ito ay labis na kahina-hinala. Kung ang Iron Blood Religion ay hindi nagbigay ng nakakatuwang sagot, maaari natin siyang hulihin at tanungin siya."

Ang Mystic Ice Queen ay ngumiti kay Dao Sovereign Baiyun.

Si Patriarch Hong at Tiemo ay lihim na nagmura. Ang Mystic Ice Queen ay labis na tuso. Ang isang Sovereign ay hindi sapat para matakot si Zhao Feng, ngunit nanghingi siya ng tulong kay Dao Sovereign Baiyun.

Kapag nagsama sila, kahit si Patriarch Hong ay hindi kayang iligtas si Zhao Feng.

"Patriarch Hong, ang pagkamatay ng Golden Sun family Head at ang kinaroroonan ng aking disciple ay kahina-hinala. Sa tingin ko ay dapat mong ipaliwanag ang lahat sa amin."

Hindi kaagad pumili ng panig si Dao Sovereign Baiyun, at sa halip ay tumingin kay Patriarch Hong.

Nayanig ang puso ni Zhao Feng. Si Dao Sovereign Baiyun ay hindi rin mabait. Kahit na hindi siya kaagad na kumampi kay Mystic Ice Queen, ginagamit naman niya ang momentum para puwersahin ang Iron Blood Religion.

Sa puntong ito, si Patriarch Hong at Tiemo ay nakaramdam ng puwersa mula sa dalawang Sovereign.

Kakapanumbalik lang ng lakas ng Iron Blood Religion at ngayon ay may hinaharap kaagad itong problema.

Kailangang malamang ang Mystic Ice Palace at Heavenly Yuan Clan ay parehong mga miyembro ng Ten Great Forces.

"Zhao Feng, naniniwala akong hind I ikaw ang tulisan at wala itong kaugnayan sa iyo. Kung mabigo sila sa pag-aabala sa atin, hindi yuyuko ang Iron Blood Religion sa kahit na sino."

Napunta ang tingin ni Patriarch Hong kay Zhao Feng.

Halata naman, dagdag pa sa dalawang Sovereign na gusto ng paliwanag, nais ding malaman ni Patriarch Hong ang katotohanan.

"Tama, naniniwala kaming hindi si Deputy Patriarch Zhao Feng ang tulisan."

Ang lahat sa Iron Blood Religion ay malaki ang suporta. Lahat ay naniniwalang ang kanilang Deputy Patriarch.

Ang mga boses na ito ang nagpatuwa kay Zhao Feng.

Gayunman, sa halip ay ngumiti siya, "Paano niyo nalamang hindi ako ang tulisan?"

Nang marinig ito, tumahimik ang lahat.

Si Patriarch Hong, Tiemo, Jiang Sanfeng at mga kasama ay napatigil.

Hindi ito itinanggi ni Zhao Feng.

"Hindi ninyo ako kailangang protektahan. Ang pagkamatay ng Golden Sun family Head ay mayroong ngang kaugnayan sa akin."

Si Zhao Feng ay tumawa.

Inamin niya ito!

Nakangangang tumingin ang lahat. Ang Mystic Ice Queen, ang Three Eyed Saint, at si Goddess Bing Wei ay nagulat.

Pinilit nila ito upang guluhin si Zhao Feng at makakita ng iba pang mga butas para malaman ang katotohanan.

Ngunit inamin lang ito ni Zhao Feng.

"Zhao Feng, ikaw…"

Nataranta si Tiemo. Takot ba si Zhao Feng na madamay ang Iron Blood Religion?

"Anong nangyayari?"

Biglang hindi maintindihan ni Patriarch Hong si Zhao Feng.

"Zhao Feng, paano namatay ang aking ama? Sinong tumulong sa iyo!?"

Ang mga mata ng Three Eyed Saint ay namula nang siya ay sumigaw.

Sa sandaling ito, ang lahat ay tumingin kay Zhao Feng.

"Tumulong?"

Si Zhao Feng ay ngumisi, "Higit pa ako sa sapat para sa dalawang iyon. Bakit ko kakailanganin ng katulong?"

Ano!?

Nagulat ang lahat nang tumingin kay Zhao Feng nang sa kawalang paniniwala.

"Imposible!"

Umiling ang Mystic Ice Queen at tumawa.

"Imposible! Kahit ang normal na half-step Origin Core Realm expert ay hindi katapat ng aking ama, at si First Elder ay walang katapat na nasa ilalim ng Origin Core Realm.

Umiling ang Thee Eyed Saint.

Alam ng lahat ng mga eksperto rito kung gaano kalakas ang Head ng pamilyang Golden Sun at si First Elder.

Kahit ang Three Eyed Saint ay hindi naniniwalang kayang talunin ni Zhao Feng ang dalawa. Hinulaan nilang si Zhao Feng ay may kauganayan dito, ngunit siguradong mayroong mga tumulong sa kaniya.

"Zhao Feng, anong dahilan kung bakit kailangan mong patayin ang Head ng pamilyang Golden Sun?"

Si Patriarch Hong ay nagbuntong hininga.

Zhao Feng. Zhao Feng. Kahit na ikaw talaga ang tulisan, hindi mo ito kailangang aminin. Kung walang patunay, walang gaanong magagawa ang Mystic Ice Queen.

"Simple lang ito. Gusto nila akong patayin ngunit sa halip ay sila ang aking napatay. Sila lang ang inyong masisisi dahil hindi sapat ang kanilang lakas."

Sagot ni Zhao Feng.

"Ang ibig sabihin nito ay… pinatay mo sila bilang pagprotekta sa iyong sarili."

Sigaw ni Tiemo.

Pagprotekta sa sarili!

Tila tumalon ang puso ng lahat habang ang mga ekspresyon ni Mystic Ice Queen at mga kasama ay nagbago.

Kung ito ay totoo, ito ay katanggap-tanggap; kung hindi niya sila pinatay, siya naman ang mamamatay.

Walang masasabing malakas ang pamilyang Golden Sun dahil una nilang binalak patayin si Zhao Feng.

"Zhao Feng, bakit ka naman papatayin ng aking ama!?"

Nagalit ang Three Eyed Saint.

"Hehe, kailangan mo pa bang isipin ang tungkol doon?"

Si Zhao Feng ay tumawa, at naintindihan ng lahat.

Natalo ni Zhao Feng ang Three Eyed Saint at kinuha ang titulo ng pinakamalakas na eye bloodline sa kontinente.

Ito ang katotohanan.

Ang Head ng pamilyang Golden Sun ay umatake dahil sa inggit at galit.

"Tama, si Zhao Feng at tama. Walang dahilan para patayin ni Zhao Feng ang

head ng pamilyang Golden Sun, ngunit ang gusto ng pamilyang Golden Sun na mamatay si Zhao Feng."

Sumigaw si Patriarch Hong sa tawa at napayanig ang hangin.

"Katawa-tawa! Anong patunay ang mayroon ka?"

Halos dumura na ng dugo ang Three Eyed Saint.

Kung pinatay sila ni Zhao Feng sa pagprotekta sa kaniyang sarili, ang lahat ay magiging katanggap-tanggap. Magiging problema ito sa pagitan ni Zhao Feng at ng Three Eyed Saint, na nangangahulugang ang Mystic Ice Queen at Dao Sovereign Baiyun ay hindi makakatulong sa kaniyang paghihiganti.

Hindi sasama sa kanilang panig si Dap Sovereign Baiyun.

"Patunay? Aye, mayroong tatlong mga saksi. Hingi ba nakita nila ang Head ng pamilyang Golden Sun na sinundan ako?"

Pinagtawanan at tinuro ni Zhao Feng ang tatlong saksi.

Ang kulay sa mga mukha ng tatlong saksi ay naging grey. Kanina lang, sinabi nila kung paano sinundan ng Head ng pamilyang Golden Sun at ng First Elder si Zhao Feng.

"Kekeke, Three Eyed Saint… kung gusto mong maghiganti, huwag kang magdalawang isip na sugurin ako."

Bab berikutnya