webnovel

Ligtas na Pagbabalik

Editor: LiberReverieGroup

Nang makitang hindi siya makakakuha ng sagot, nilisan na ni Yu Tianhao ang Sun Sacred City.

Tumalikod lang siya at umalis na. Ang mga tao sa siyudad ay nagulat.

Mukhang si Yu Tianhao ay hindi interesado sa Tea Party o kahit kay Three Eyed Saint.

"Hpmh, nais mong iwan kami nang ganoon lang?"

Mababakas ang galit sa mga mata ng Three Eyed Saint. Ang pakiramdam na minamaliit ang nagpaigting ng kaniyang galit.

Sou!

Hinabol niya si Yu Tianhao nang nagrereklam habang may liwanag na nanggaling sa kaniyang katawan.

"Anong ginagawa mo?"

Tumigil si Yu Tianhao sa hangin at tumingin nang walang ekspresyon sa Three Eyed Saint.

"Yu Tianhao, hindi pa tayo naglalaban, ikaw at ako."

Isang gintong liwanag ang nanggaling sa katawan ng Three Eyed Saint nang dumilat ang kaniyang ikatlong mata.

Dumaloy ang malinaw na aura sa hangin.

Bab Terkunci

Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com

Bab berikutnya