webnovel

Mga Hamon ng Tea Party

Editor: LiberReverieGroup

Nabawasan na ang galit ng mga henyo ng True Dragon dahil sa diit ng Goddess Bing Wei na siyang sinuportahan nila.

"Anong desisyon mo, Zhao Feng?"

Para bang nakalimutan na ni Goddess Bing Wei ang kasaysayan nila ni Zhao Feng matapos niyang magtanong.

"Sige."

Alam ni Zhao Fena ang pinaplano ng Goddess Bing Wei at wala siyang magawa dahil dito.

Matapos umalis ng mga tao, magkabalikat na umalis ang Three Eyed Saint at ang Goddess Bing Wei.

"Patawad, Kapatid na Wei."

Bumuhos ang emosyon sa mukha ng Three Eyed Saint kahit pa iniisip niyang nilulubhaan lamang ng Goddess Bing Wei ang asal nito.

Laking pasasalamat niya sa ginawa ng babaeng mahal niya kahit pa hindi niya nailagay si Zhao Feng sa mata niya.

"Kapatid na Sheng, kailangan mo nang maghanda para sa labang darating at ipaghiganti mo ako."

Inalala ng Goddess Bing Wei ang panahon kung kailan pinahiya siya ni Zhao Feng sa Sacred True Dragon Gathering, at dahil dito ay hindi niya makontrol ang kaniyang sarili.

Kinailangann niyang magplano nang mabuti kung paano ipapahiya si Zhao Feng, Walang lugar para sa pagkakamali dito.

Sa isang iglap, tatlong araw na ang nakalipas. Nanghingi ng payo ang Three Eyed Saint sa Head of the Golden Sun family at First Elder sa tatlong araw na nakalipas.

Matapos ang lahat, marami sa eye aura ni Zhao Fen ang lumabas nang makipaglaban siya.a

Sa gabing iyon, sa isang kapatagan malapit sa Golden Sun Sacred City.

Ang bagay na nakapagpahinayang kay Zhao Feng ay ang hindi pagdating nina Xin Wunheng ay Yu Tianhao.

Maaaring namatay na si Xin Wuheng sa Heaven's Legacy Inheritance, samantalang si Yu Tianhao ay hindi sumipot sa kalahati ng nakaraang taon.

Wala na masyadong pag-asa si Zhao Feng.

Ang Tea Party ay katulad halos ng Genius Summit ng Sun Feather City. Ang tanging pagkakaiba lamang ay ang mga pinakamatataas na henyo lamang ng True Dragon ng kontinente ang inimbitahan.

Nahati sa grupo ang mga henyo ng True Dragon, si Zhao Feng ang kumakatawan ng Canopy Great Country at ng Northern Continent.

Lahat ng malapit na tao sa kaniya ay galing sa Northern Continent. Hindi na kabilang doon ang mga taong galing sa Canopy Great Country, pero naririyan rin sina Mo Tianyi, Cang Yuyue, Prinsesa Linyue, at iba pa.

Umupo sa magkabilang lugar si Shi Chengtian at Tantai Luyue.

Nagsimulang mag-usap-usap ang mga tao tungkol sa mga techniques, at ang iba naman ay sa inheritance.

Nakinig nang interesado si Zhao Feng.

Halatang isa sa mga bida ang Three Eyed Saint. Marami siyang kaalaman nang dahil nasa panlabas na mundo siya nang higit pa sa sampung taon.

Kahit pa ano ang itanong ng mga henyong ito ay madali niyang masasagot.

Hindi mapigilan ni Zhao Feng na humanga sa Three Eyed Saint. Madali niyang nalagpasan ang talino ng mga batang iyon.

Sa isang tingin, wala na siya sa nakababatang henerasyon, kung hindi, siya ay nasa matandang henerasyon na.

Nagsimula na ang mga labanan. Lahat ng naroroon ay mga henyo ng True Dragon – mga elitistang nakaligtas sa mga inheritances na sila ngayong nakaasinta sa mga Napakahusay na Prodigies.

Ilan sa mga sumubok ay natalo, ngunit ang mga sumunod ay mas malalakas pa kaysa sa mga nauna.

"Tantai Lanyue, ipakita mo sa akin kung gaano ka gumaling."

Lumapit sa kapatagan si Mo Tianyi.

Umabot na ang cultivation niya sa Peak True Mystic Rank matapos pumasok sa inheritance, at ang skills at strength niya ay isang taon nang nalipasan ang sa Napakahusay na Prodigies.

Sa kabilang banda, nasa Half-Step True Lord Rank pa lamang si Tantai Lanyue. Sa limang Napakahusay na Prodigies, siya lang ang laging nahuhuli sa cultivation dahil isa siyang beast tamer.

"Hehehe, lapit. 'Di ako takot sa kahit anong hamon."

Abot sa tuhod ni Tantai Lanyue ang suot niyang makulay na damit, at para bang galing sa panaginip ang pinapakita niyang ganda.

Boom!

Tinawag ni Tantai Lanyue ang Horned Earth Dragon sa isang kaway.

Umabot na sa True Lord Rank ang Earth Dragon matapos ang inheritance, at ang katawan at kapangyarihan nito ay higit pa sa mga taong ka-lebel nito.

Nginitian lamang ito ni Mo Tianyi nang walang takot. Gamit ang palm attacks, naglabas siya ng mga dilaw na tore ng ilaw na siyang dumurog kay Tantai Lanyue.

Hindi ganoon kalayo si Mo Tianyi sa True Lord Rank kung naka-base ito sa battle-power. Ngunit bilang isang beast tamer, hindi naging dalubhasa si Tantai Lanyue sa malapitang labanan o close combat.

Kaya lamang ay mas malakas na ang Horned Earth Dragon kumpara sa nakaraan, sa puntong kaya nitong magpayanig ng mga bundok.

Malamang sa malamang ay may tinatago si Mo Tianyi dahil kaya niyang kaharapin ang Horned Earth Dragon nang mag-isa, ang dragon na kahit ang mga normal na True Lord Ranks ay hindi kayang pantayan.

Shua! Shua!

Umiglap ang anyo ni Mo Tianyi sa himpapawid na nag-iwan ng mga anino sa katawan ng Horned Earth Dragon.

"Mukhang malaki ang inilakas ni Mo Tianyi pagkabalik niya sa inheritance. Offense, defense, speed… parang walang pagkakamali."

Tumango si Zhao Feng.

Direktang inasinta ni Mo Tianyi si Tantai Lanyue matapos lumapag sa likod ng Horned Earth Dragon.

Nagsimula magpakita ng senyales ng pagsuko si Tantai Lanyue nang dahil sa ipinakitang gilas ni Mo Tianyi kahit pa mas mataas ang cultivation niya.

Hindi maiwasan ng lahat na mag-isip kung may magbabago ba sa posisyon ng limang Napakahusay na Prodigies.

Nagtaasan ang cultivation ng limang Napakahusay na Prodigies matapos ang Sacred True Gathering.

Umabot ng True Lord Rank sina Yu Tianhao, Zhao Feng, Shi Chengtian, at Goddess Bing Wei. Si Yu Tianhao ay nasa maagang yugto ng True Lord Rank sa kaniyang pagkalabas.

Mas mahina si Tantai Lanyue kumpara sa kanila dahil hindi niya pa naabot ang True Lord Rank.

"Yuan Mountain Great Secret Palm!"

Biglang may kulay pilak na bumalahaw sa palad ni Mo Tianyi, isang balahaw na nakakapagpigil.

Ginusto sanang umiwas ni Tantai Lanyue, kaya lamang ay nakaramdam siya ng sensasyon na para bang lumalakas ang hatak sa kaniya ng grabidad. Ngumiti siya sa kritikal na oras na iyon, "Ice Glass Snake."

Shua!

Sa isang kaway, sunod-sunod na maliliit na yelong kristal na gawa sa ahas ang naglabasan sa kaniyang kamay na sumira sa skill ni Mo Tianyi.

Siiiii!

Gagalaw na sana si Mo Tianyi nang may biglang pumulupot sa kaniyang katawan, kasama ang paglitaw ng yelo sa kaniyang katawan.

Walang nakakitang umikot ito kay Mo Tianyi dahil sa taglay nitong bilis.

Matapos ang ilang hininga.

Plop!

Biglaang naging bloke ng yelo si Mo Tianyi, sabay na hinampas siya ng Horned Earth Dragon sa lapag.

"Hehe, talaga bang inisip mong isa lang ang magiging alaga ng isang True Lord Rank matapos bumalik sa inheritance?"

Kumaway muli si Tantai Lanyue, at bumalik sa pagiging pulseras ang yelong ahas.

May bagay na umalon sa dibdib ng mga henyo ng True Dragon.

Simple lang, pang-dalawang True Lord Ranks ang battle-power ni Tantai Lanyue.

Kasing laki ng isang bundok ang Horned Earth Dragon at malaki ang kapakinabangan nito sa harapang labanan. Ang laki nga lang nito ang pinakamalaki rin nitong kahinaan dahil kayang-kaya itong tabasan ng bilis ng kalaban.

Buti na lang din ay nagkaroon ng misteryosong Ice Glass Snake si Tantai Lanyue na dumudura ng nakapapangatog na aura at may malaking maitutulong sa pagtambang at sa malapitang labanan o close combat.

"Para bang walang kahinaan si Tantai Lanyue dahil sa dalawang malaki at maliit niyang True Lord Rank na mga alaga."

Napaisip si Zhao Feng na kayang gumawa ni Tantai Lanyue ng hukbo ng mga alaga niya.

Kaya lamang ay wala iyon kumpara sa plano ni Zhao Feng na Hundred Corpse.

Mayroon na siyang limang True Lord Rank ghost-corpses: tatlo dito ay ginawa, at ang dalawa ay dark-silver ghost-corpses.

Sa loob pa lamang ng kalahating araw, nahamon na ng lahat ng henyo ng True dragon sina Shi Chengtian, Goddess Bing Wei, at Tantai Lanyue.

Sa lahat sila ay nabigo dahil sa pinakitang lakas nina Shi Chengtian at Goddess Bing Wei na mas higit pa kay Tantai Lanyue.

Bam!

Pinalipad ni Shi Chengtian si Wang Xiaoguai nang umakyat ng lakas ang bloodline niya.

"Sky Ape Divine Luo!"

Umungol si Wang Xiaoguai nang 'di sadya at nagbati ng sunod-sunod na atake.

Natawa lamang si Shi Chengtian sa gawa ni Wang Xiaoguai na nagsisimula nang magdugo sa sarili niyang mga atake, habang si Shi Chengtian naman ay walang dinadamdam sa sinasalong mga atake.

"Mahirap para kahit kaninong wala sa True Lord Rank na sirain ang depensa ni Shi Chengtian."

Inamin ni Zhao Feng na pinakamataas ang lakas at depensa ni Shi Chengtian laban sa lahat ng naroroon.

Kahit sino ay kailangang malaman na si Wang Xiaoguai ang nangungunang henyo sa Canopy Great Country nang hindi binibilang si Zhao Feng.

Napakaba rin ni Goddess Bing Wei ang lahat ng henyong naroroon dahil sa dali niyang natalo ang dalawa hanggang tatlong tao na ka-lebel ni Mo Tianyi. Para bang mas malakas pa siya kaysa kay Shi Chengtian at kay Tantai Lanyue.

Sa isang malayong bundok, pinapanood ng Head of the Golden Sun Family at ng matandang may damong sombrero ang labanan sa ibaba.

"Noong mas bata pa si Sheng'er, kasing lakas niya lang ang Napakahusay na Prodigies, pero hindi kasing lakas nila Zhao Feng at Yu Tianhao."

Naging mataimtim ang mukha ng matandang may damong sombrero.

"Pero hindi lahat ng prodigy ay kayang gumulang…."

May malamig na ngiti ang gumapang sa mukha ng Head of the Golden Sun Family.

Matapos ang kalahating araw, wala sa Napakahusay na Prodigies ang natatalo.

Nagpakita ng hindi maikumparang lakas sina Tantai lanyue, Shi Chengtian, at Goddess Bing Wei.

Kaya lamang ay may isang taong sumira ng kuwentong ito.

Si Cang Yuyue.

Pagbalik niya sa Seven Sword Inheritance at sa mga labanan sa Cloud area, tumaas na ang cultivation niya na umabot sa Half-Step True Lord Rank.

Una niyang kinalaban si Tantai Lanyue. Isang nakapanglalaki at madugong sword-intent ang lumabas sa kawalan at pumasok sa dibdib ng mga manonood.

Matapos ang 50 atake, punong-puno na ng sugat ang katawan ng Horned Earth Dragon, na siya ring nahimatay.

"Seven Sword Inheritance… Lumagpas na ng True Lord Rank ang pang-unawa mo."

Sa ilalim ng sugatang mukha ni Cang Yuyue ay ang pagkaputla niya.

Malalagay sa peligro ang mga alaga ni Tantai Lanyue kung tutuloy pa siyang makipaglaban, kaya kinailangan niyang sumuko.

_Nanalo si Cang Yuyue!_

Matapos ang labang ito, sinunod niya naman ang Goddess Bing Wei at si Shi Chengtian. Wala pang desididong mananalo noon matapos pa ang ilang daang moves.

Sa totoo lamang ay kung hindi malakas ang depensa ni Shi Chengtian at Goddess Bing Wei ay madali lang silang matatalo.

Kayang-kaya ring palitan ni Cang Yuyue si Tantai Lanyue bilang Napakahusay na Prodigy.

Nakita ng lahat ang milagrong ito.

Kaya lamang, tatlo pa lamang sa Napakahusay na Prodigies ang nahahamon. Si Zhao Feng na lamang ang natitira.

Walang may gumustong humamon sa kaniya.

Bab berikutnya