webnovel

Ang Tunay na Kasaysayan

Editor: LiberReverieGroup

"Masasabi ko sa iyo na ang Patriarchng Scarlet Moon Demonic Religion ay gising na, at mas malakas pa siya kaysa sa Sovereign na nasa harap mo."

Hindi halos mapaniwaan ni Zhao Feng ang sinabi ng Skeletal Division Leader, pero nayanig pa rin ang kanyang puso.

Babalik ba ang Scarlet Moon Demonic Religion para muling maghasik ng lagim sa kontinente?

"Nagtagumpay na ang Patriarch na makuhang muli ang Scarlet Moon Inheritance, at ang mga pwersa ng Religion ay nagsisibangon nang muli. Dadami pa at dadami ang mga atakeng magaganap sa Azurw Flower Continent sa darating na panahon. Hindi naman iyan isang sikreto sa mga nakatataas ng Sacred Alliance."

Kampanteng sabi ng Skeletal Division Leader.

Napahagikhik na lamang si Zhao Feng nang malamig at saka ipinadaloy ang Dark Heart Seed sa kanyang God' Spiritual Eye. Agad na naramdaman ng Skeletal Division Leader na tila nababasag ang kanyang kaluluwa, at ang aura of death ay pinanginig ito. Kung kaya, hindi na siya nangahas na magsabi pa ng kahit ano.

"Ang Sacred Alliance na ang bahala sa Scarlet Moon Demonic Religion. Kailangan lang nating protektahan ang ating teritoryo."

Wika ni Patriarch Hong nang kay lalim bago siya kumalma.

Itinango ni Tiemo ang kanyang ulo bilang pagsang-ayon. Ang Iron Blood Religion ay responsable lamang para sa Canopy Great Country.

Wala ring emosyon si Zhao Feng. Bilang isang Chapter Leader ng Iron Blood Religion, responsable rin siya sa Thousand Water Area, at isang simpleng gawain lang naman iyon.

Kumpara dyan, nakapagkontrol na siya ng dalawang strong countries at 13 na small countries.

Subalit, ang sunod na sinabi ni Patriarch Hong ang siyang ikinagitla niya.

"Zhao Feng, upang pasalamatan ka, may ginawa akong dalawang desisyon. Una ay magiging Deputy Patriarch ka ng Iron Blood Religion."

Deputy Patriarch?

Tumalon ang puso ni Zhao Feng, pero hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa o mag-alala.

Ang Iron Blood Religion ay isang nangingibabaw na pwersa sa Canopy Great Country.

Ang Deputy Patriarch ay mababa lamang sa isang tao pero nangingibabaw sa iba pang sampung libo. Sa isang great country, isa itong maalamat na pag-iral.

Bago pa makatugon si Zhao Feng, nakangiti na agad si Tiemo, "Binabati kita…. Deputy Patriarch Zhao."

Si Patriarch Hong ay isang Sovereign at ang kanyang mga salita ay tiyak.

Biglang nag-isip ni Zhao Feng na wala namang dahilan para tanggihan niya ito. Bilang isang Deputy Patriarch, nangangahulugan ito na mas mataas ang kanyang estado, na siyang makakatulong kay Zhao Feng sa kanyang path of cultivation.

Bukod pa roon, isa naman itong kabutihan na inaalok ni Patriarch Honh, hindi niya ito pwedeng tanggihan.

"Salamat po, Patriarch Hong."

Pinasalamatan siya ni Zhao Feng, pero hindj naman ibig sabihin nito ay puspusan ang kanyang tuwa.

Isang kakaibang liwanag ang gumuhit sa mga mata ni Patriarch Hong. Mukhang ang posisyon ng pagiging Deputy Patriarch ay wala masyadong dating kay Zhao Feng.

Ang dahilan kung bakit itinaas niya si Zhao Feng ay dahil sa paghanga niya rito at pasasalamat. Syempre, nangangahulugan rin ito na pinapalapit niya lalo si Zhao Feng sa kanya.

"Kapatid na Hong, ang ikalawang desisyon mo ba ay….?"

Tila biglang may naalala si Tiemo.

Ikalawang desisyon?

Biglaang itinuon ni Zhao Feng ang kanyang atensyon. Si Patriarch Hong ay isang Sovereign at miyembro ng Sacred Alliance. Ang kanyang abilidad ay higit pa sa salitang "napakahusay".

Kung babalikan, ang dalawang aytems lamang mula sa lalaking ito ay siya nang nakapagpabago ng tadhana ni Zhao Feng.

Biglang napagtanto ni Zhao Feng na ang ikalawang desisyon na ito ang mas makapagpapabago ng buhay niya.

"Pupunta ako sa Sacred Alliance at susubukan kong kumuha ng bakante para magkaroon ka ng tsansa na makapasok sa entablado ng tunay na mundo."

Ang ngiti sa labi ni Patriarch Hong ay

lalong lumaki.

Isang tsansa para makapasok sa entablado ng tunay na mundo?

Tumalon bigla ang puso ni Zhal Feng, pero nagugulumihanan pa rin siya.

"Kapatid na Hong, hahayaan mo ba talagang siyang pumasok sa organisasyon na nasa likod ng Sacred Alliance….?"

Nagulantang si Tiemo, habang hindi naman mapigilan ni Zhao Feng na magulantang. Hindi naman mahirap sa kanya na makita ang "tsansa" na ito ay bibihira lamang.

"Maaari po bang ipaliwanag niyo po sa akin ito, Patriarch?"

Interesado na si Zhao Feng.

Ngumiti si Patriarch Hong, "Zhao Feng, nakapunta ka na sa isang inheritance, kung kaya alam mo na ang Azure Flower Continent ay hindi talaga ang tunay na kontinente. Ang mundong ginagalawan natin ay puno ng walang hanggang karagatan, at ang Azure Flower Continent ay tinatawag talagang Azure Flower Zone, isang maliit na isla sa karagatan."

"Alam ko po."

Itinango ni Zhao Feng ang kanyang ulo at hindi na nagulat. Sa Purple Saint Ruins, nakipag-usap siya sa mga disipulo ng Pure Moon Spiritual Sect.

Sinasabi sa mga alamat na pagkatapos masira ng Desolate Continent, ang mga maliliit na butil nito ay naging isla gaya ng Azure Flower Continent.

"Ang Azure Flower Zone ay isang maliit na isla lamang, at may lima o anim pang maliliit na isla na gaya nito sa malapit. Ang mga islang ito ay pinamumunuan ng isang two-star sect - ang Three Saints Palace."

Huminto muna si Patriarch Hong.

__

Three Saints Palace, isang two-star sect.

Nayanig ang puso ni Zhao Feng. Hindi niya akalaing may isang anino ng two-star sect sa likod ng Azure Flower Continent.

Bukod pa roon, nahanap ni Zhao Feng ang mga pamilyar na salita gaya ng "Three Saints Palace", at biglang isang pangungusap ang gumuhit sa kanyang isip, "Ang Three Saints Palace ay naging isang hindi nagagalaw na lugar sa Area of Dust. Sa mga nakaraang araw, halos maakit nito ang iilang mga one-star factions para sirain ang Curse of One Hundred Graves. Ngayon, ubos na ang enerhiya ng teleportation array…. Ang tagasunod na ito ay mauuna nang umalis….."

Naunawaan na rin sa wakas ni Zhao Feng ang pinapakahulugan nito.

Halata namang may pwersang naging dahilan ng Hundred Graves Forbidden Ground na siyang sinubukang atakihin ang Azure Flower Continent pero napatigil ng Three Saints Palace.

Ang pwersang ito ay maaaring may kaugnayan sa Scarlet Moon Demonic Religion.

"Sasabihan kita ng isa pang piraso ng balita; nang ang Scarlet Moom Demonic Religion ay winalis ang buong kontinente at hinarap ang Sacred Alliance pati na ang ten major forces, isa lamang itong ekstensyon sa nagap na sagupaan sa pagitan ng Three Saints Palace at ng isa pang two-star sect."

Tumawa si Patriarch Hong.

Nang marinig ito, halos mapasigaw si Zhao Feng "...totoo ba iyan?"

Hindi niya kailanman naisip na ang panahon ng Scarlet Moon Demonic Religion ay may natatagong sikreto sa likod nito.

"Tama iyan, ang Azure Flower Continent ay isang lugar lamang na pinaglalabanan ng dalawang two-star sects. Ang Three Saints Palace pa rin naman ang nanalo sa dulo, at ang isa pang two-star sect ay masyado namang malayo."

Mukhang alam rin ni Tiemo sapagkat nakapagdagdag pa siya.

Matagal muna bago tuluyang kumalma ang puso ni Zhao Feng.

Ang Azure Flower Continent ay isang ekstenyon lamang sa labanan ng dalawang two-star sects.

"Ang Patriarch ay mukhang nagsasabi sa akin ng maraming bagay ukol sa Three Saints Palace. Ibig ba nitong sabihin ay

…?

Biglang naisip ni Zhao Feng.

"Hehe, tama iyan. Irerekomenda kiya sa Three Saints Palace. Isa itong tsansa na pinapangarap ng mga True Dragon Geniuses. Dahil isa ako sa mga core member ng Sacred Alliance, mayroon akong ganitong abilidad."

Wika ni Patriarch Hong.

Pumasok sa isang two-star sect… Ang Three Saints Palace.

Bumilis ang tibok ng puso ni Zhao Feng.

Kumalaban na siya minsan ng mga disipulo mula sa two-star sect alam niya kung gaano sila kanakakatakot.

Ang buong Azure Flower Continent, na mayroong mga one-star sects at hindi mabilang na mga bansa, ay nasa ilalim lamang isang two-star sect.

"Deputy Patriarch Zhao, naniniwala ako sa iyong talento, paniguradong magiging isa ka sa mga Core Disciples ng Three Saints Palace nang walang kahirap-hirap."

Mapaglarong sabi ni Tiemo.

Ang Azure Flower Continent ay nasa panahon ng kadakilaan nito, at wala naman sigurong kakaharapin na maraming problema si Zhao Feng para makapasok sa Three Saints Palace.

"Kapag nakapasok na ako sa isang two-star sect, makakapasok na ako sa entablado ng tunay na mundo…. Pero…"

Umikot nang mabilis ang puso ni Zhao Feng pero bigla itong nawala dahil sa napakaraming rason.

"Patriarch Hong, maraming salamat po talaga sa inyong magandang kalooban, pero hindi ko pa po mapagpasyahan kung gusto ko na po ba talagang sumali sa Three Saints Palace. Sa ngayon, huwag muna po."

Huminga nang malalim si Zhao Feng.

Ano!??

Ang mukha ng dalawa ay hindk makapaniwala nang tignan nila si Zhao Feng.

Akala nila ay agad na papayag si Zhao Feng, pero mukhang tinanggihan niya muna ito. Kahit na tanggapin niya naman ito, mukhang hindi pa siya agad na aalis.

"Zhao Feng, pwede mo pa naman itong pag-isipan. Kailangan ko pa naman ng halos isang taon at kalahati para manumbalik ang aking lakas at makapunta sa Sacred Alliance."

Bahagyang nadismaya si Patriarch Hong, pero hindi na siya humingi pa ng mga detalye kay Zhao Feng.

Mamaya-maya, lumisan na sila Zhao Feng at Tiemo mula sa underground palace at hindi nito mapigilang mapatanong, "Deputy Patriarch Zhao, bakit kailangan mo pang pag-isipan ang gaanong kagandang tsansa?"

Bumuntong hininga si Zhao Feng at hindi niya mapaliwanag.

May dalawang pangunahing dahilan kung bakit hindi agad siya pumayag.

Una, ang Purple Saint Ruins. Nandoon pa rin si Zhao Yufei, at sinabi ng Sage na haharap pa siya ng mas maraming panganib kaysa biyaya habang nasa loob ng Ruins.

Hindi naman pwedeng balewalain na lamang ni Zhao Feng si Zhao Yufei. Kailangan niya pang kumpletuhin ang Hundred Corpse Plan, at nangangailangan ito ng maraming resources na mahahanap agad sa Purple Saint Ruins.

Mas lalong makakabuti mung magcucultivate rin siya sa Purple Saint Ruins. Ang epekto nito ay higit pang makabubuti kaysa sa isang two-star sect.

Ang ikalawang dahilan ay si Liu Qinxin.

Hindi talaga mapakali ang puso ni Zhao Feng hangga't sa hindi niya pa nalalaman ang kinaroroonan o sitwasyon nito.

Mayroon siyang plano, at ito ay ang hanapin ang Sky Saint Qin Inheritance kapag naging mas malakas na siya.

Dahil sa dalawang rason na ito, hindi siya agad na makakasali sa Three Saints Palace.

Kapag sumali na siya sa isang two-star sect, ang kanyang kalayaan ay agad na malalagyan ng limitasyon.

Ilang araw ang lumipas, ang balita ukol.sa isang bagong Iron Blood Religion Deputy Patriarch ay agad na kumalat sa buong bansa.

Nagulantang ang buong Iron Blood Religion. Alam ng lahat na ang kasalukuyang umaasikasko ng Iron Blood Religion ay si Deputy Patriarch Tiemo, pero ngayon ay magkakaroon ng bagong Deputy Patriarch?

Sapat na ito para magkaroon ng mga alon ng usap-usapan sa buong Canopy Great Country.

Ayon sa ilan, galing raw ang utos na ito mismo kau Patriarch Hong.

Ang balitang ito ay ikinagulat ng buong great country ganoon na rin ang ilang mga pwersa sa Northern Continent.

Kung ang mga tsismis na ang Iron Blood Religion ay bumabawi na, kahit ang Heavenly Yuan Clan ay matitinag.

Isang buwan ang nakalipas, sa isang silid sa main headquarters ng Iron Blood Religion.

"Isang pagbati, Deputy Patriarch Zhao."

Ang mga eksperto ng gitna at mga nakatataas na posisyon, sa parehong kaliwa at kanan, ay yumuko nang malalim.

Ang naroroon na may pinakamababang cultivation ay nasa True Human Rank. Sila ang mga elites ng main headquarters, at ang iba naman ay mga Chapter Leaders.

Sina Jiang Sanfeng at Die Ye ay nakadikit lamang kay Zhao Feng.

Ang dalawang ito ay naging mga kaliwa at kanang kamay na niya, bukod pa sa pagiging mga miyembro ng nakatataas.

Ang silid ay napakatahimik pagkatapos ng kanilang pagbati.

Nakapikit ang mga mata ni Zhal Feng habang nakaupo siya sa trono. Wala muna siyang sinabing kahit ano.

Ito ang unang beses na nasa isa siyang posisyon na kailangan niyang mangasiwa, at dahil ito sa wala si Tiemo para durugin ang iba pang mga alagad ng Scarlet Moon Demonic Religion.

Mayroong kasabihan sa mortal na mundo: ang mga bagong opisyales ang siyang nagpapasinaya ng tatlong pulutong ng liyab.

(TL note: ang mga bagong opisyales ay kadalasang gumagawa nang hindi magagandang bagay o kalupitan para ipakita sa kanilang mga tagasunod na mas makapangyarihan sila.)

Ngayong ang religion ay pinamumunuan ni Zhao Feng, wala ni isa sa mga nakatataas ang nakakaalam kung ano ang naghihintay sa kanila.

Bab berikutnya