webnovel

Ang Pangungulila ng Kambal na Qin Sword

Editor: LiberReverieGroup

"Ikaw bata, hindi na tayo nagkita sa loob ng isang taon at ngayon'y naabot mo na ang True Lord Ranj. Nais kong makita ang battle-power ng isang mahusay na prodigy."

Sobrang nagulat ang Flooding Lake City Lord na naiwasan nito ang kanyang atake, kaya ang kaniyang galit ay mas lalong tumindi.

Kahit na hindi pa naglalaban ang dalawa, naramdaman na ng Flooding Lake City Lord ang nakakatakot na bilis ni Zha Feng.

Sa ilang sandali, hindi lamang niya naiwasan ang atake ng Flooding Lake City Lord kundi nailigtas rin niya sina Jiang Sanfeng at Die Ye.

Ang isang normal na mga True Lord Ranks ay maaaring makaiwas sa atake ng Flooding Lake City Lord, ngunit para sa mga taong nakatambay lamang sa mga oras na iyon? Mukhang imposible.

Hu~~

Sa isang pulang kislap, ay naglaho ang Flooding Lake City Lord at saka bumalik mula sa loob ng yarda-yardang layo mula kay Zhao feng.

"Mystic Fire Sealing Heaven Punch!"

Ang kamao ng Flooding Lake City Lord ay nagmistulang bulkan na may mabigat na may magulong aura na humarang sa bawat dadaanan ng mga tatakas.

Bahagyang nanlumo ang puso ni Zhao Feng. Ang intent at kapangyarihan ng Flooding Lake City Lord ay nakalampas na sa maagang yugto ng mga True Lord Ranks.

Ang kamaong ito ay nakatutok sa pag-iwas sa pagtakas at hindi madaling iwasan ito.

Qiu!

Naglaho si Zhao Feng sa isang bugso lamang ng hangin at kidlat.

Boom!

Ang suntok ng Flooding Lake City Lord ay nagawang makatama sa maliit na alon ng hangin at kidlat habang ang tunay na Zhao Feng ay kumislap sa itaas ng Flooding Lake City Lord.

"Ang Zhao Feng na ito ay pinaghalo ang hangin at kidlat sa kaniyang galaw at 'di makakayang makita gamit ang mga mata lamang.

Ang Qin Sword Palace Master na nasa malapit ay natulala. Kahit na hindi

nagpakita ng kahit na anong battlw-power, ang kaniyang bilis ay nangunguna sa top five na nasa Canopy Great Country.

Ang anyo ni Zhao Feng ay nagtungo sa mga ulap. Parang ayaw niuang

makipaglaban upang hindi na kumalat sa buong Flooding Lake City.

Bahagyang nasurpresa ang Flooding Lake City Lord, ngunit ito'y maganda para sa kaniya sapagkat maaari niyang ibuhos ang lahat dito.

"Mystic Fire Exploding Cloud!"

Isang nakakaakit na nag-aapoy na pulang ulap ang sumabog, bumuo ng mga alon na tumangay sa sukat ng dalawang milya.

Isang nakakatakot na kapangyarihan ang nagpanginig sa mga puso ng mga spectators. Karamihan sa kanila ay nakaramdam ng sobrang init at nagsimula silang pagpawisan.

"Nagsimulang gumamit ang Flooding Lake City Lord ng kaniyang

pangmalawakang mga atake."

"Hehe, tignan natin kung paano ito iiwasan ng batang iyan."

Nag-usap ang mga eksperto na nasa True Spirit Realm.

Sa loob ng umaapoy na ulap, isang batang may asul na na buhok ang nagpakita ng aura ng hangin at kidlat na nagpawasak ng pira-piraso sa mga ulap.

Nagsimulang gumamit ang Flooding Lake City Lord ng mas malalakas at mas makapangyarihang mga atake.

Gayon pa man, si Zhao Feng ay hindi man umatake maski isa at madaling

iniiwasan lamang ang mga atake ng Flooding Lake City Lord.

Kahit na ang mga nasa Ascended Realms na nasa baba ay nakikita ang bilis ni Zhao Feng ay madaling nilampasan ang Flooding Lake City Lord.

"Bata, bakit hindi ka umaatake?"

Kumukulo na sa galit ang puso ng Flooding Lake City Lord ngunit bahagya siyang nagtaka. Habang iniisip niya ang nakaraan niya kasama si Zhao Feng at kung paano siya nagpadala ng mga tao para bantayan ang batang ito sa loob ng ilang taon, ang pagmamahal ng City Lord sa kaniya ay naging galit, at ngayon, kagustuhan niyang patayin ito.

Siyempre, nang dumating si Zhao Feng, napagtanto ng City Lord na hindi magiging madali na pabagsakin ito.

Ang hindi pag-atake ni Zhao Feng ay nagbigay ng dahilan para magbigay ng mga pasabog na mga atake ang Flooding Lake City Lord.

Hindi manhid ang Flooding Lake City Lord. Hindi mahirap sa kaniya na makita ang lakas ng rising star na ito ay maaaring mas mataas na sa kaniya.

"Nang pumunta ako sa Flooding Lake City, pinuwersa ako sa kasalang ito ng Flooding Lake City Lord, ngunit sa loob ng kalahating taon, ay binigyan ako ng Flooding Lakr City Lord ng mga gabay at malalaking halaga ng mga resources…"

Ang mga alaala ay lumitaw sa utak ni Zhao Feng.

Noon, siya ay tinakwil sa kaniyang tahanan at isa pa lamang mahina at hindi pa pamilyar sa Canopy Great Country.

Iyon ang pinaka-mababang parte sa buhay ni Zhao Feng.

Sa mga panahong iyon, siya ay kinikilalang manugang ng Flooding Lake City Lord na nakakatanggap ng mga magagandang resources at nakakapag-cultivate ng walang hirap. Maliban sa pagpapakasal sa kaniya, siya ay hinahangaan ng Flooding Lake City Lord at siya'y nabigyan pa ng mga resources. Siya'y itinuturing talagang manugang nito.

Kung hindi dahil lamang sa sobrang pagbibigay ng City Lord, hindi sana siya magagalit ng sobra sa pagtakas ni Zhao Feng.

"Nabuhay ako sa Flooding Lake City na naging pinakamababang parte ng buhay ko. Matapos non ay dumating ang pag-angat ko. Bukod pa rito, si Qinxin…"

Nang alalahanin ni Zhao Feng ang mga ito, ang kaniyang puso ay napuno ng pagpapasalamat at konsensiya, lalot na't mukhang naaksidente si Qinxin sa inheritance.

Madalas, kapag ang isang tao ay hindi nakabalik sa kaniyang inheritance, ang tiyansa na sila'y patay na ay 99%.

Ito'y dahil si Zhao Feng ay hindi handang lumaban.

"Liu Jiutian, paniguradong hindi mo mahuhuli o mapapatay ng mag-isa ang batang ito."

Isang mahinhin na boses ng babae ang narinig.

Ang may-ari ng boses na ito ay ang Qin Sword Palace Master.

"Qin Sword Palace Master, kung tutulungan mo akong patayin siya, pagbibigyan kita ng isang hiling.

Ang sabi ng Flooding Lake City Lord.

Kung hindi niya mapapatay si Zhao Feng sa kaniyang teritoryo, hindi lamang siya mapapahiya, ang buong pangalan ng pamilyang Liu ay madudungisan.

"Si Brother Liu ay napakabait. Ang Iron Blood Religion ang ating kalaban."

Napangiti at napatawa ang Qin Sword Palace Master. Hindi siya sumali sa away dahil hinihintay niya ang kahilingang ito.

"Kung matutulungan ko si Liu Jiutian na talunin si Zhao Feng, hindi niya lamang ibibigay sa akin ang Qin Nine Music, makukuha niya rin ang mga nakuha ni Zhao Geng sa Mysterious Inheritance…."

Napilitan ang puso ni Qin Sword Palace Master nang naisip niya ito.

Ito'y dahil kailangan niyang tulungan ang Flooding Lake City Lord Para

pabagsakin si Zhao Feng.

"Zhao Feng, pinagtaksilan mo ang pagtitiwala at pagmamahal ng pamilyang Liu noong ikaw ay tumakas. Anong karapatan mo para bumalik pa sa Flooding Lake City? Kailangan kitang pabagsakin."

Naging kasig lamig ng Qin ang ekspresiyon ng Qin Sword Palace Master at saka lumitaw ang maningning na sandata sa harap niya.

Hinawakan niya ang sandata gamit ang isang kamay habang kinokontrol niya ang sandata gamit ang isa pa niyang kamay.

Sa sandaling iyon, isang tunog ng kidlat ang umugong patungo kay Zhao Feng.

"Qin Sword Twin Desolation!"

Lumiwanag ang sandata ng tatlong kulay na ilaw habang ito'y naglalabas ng ilaw ng sandata na tumagos patungo kay Zhao Feng.

Ang kombinasiyon ng Qin at ng sandata ay perpekto.

Ang tunog ng Qin ay naging 'di nakikitang kapangyarihan na sumira at gumulat sa kaluluwa at maaaring makapinsala ng mas mahihinang bahagi ng katawan.

Sa Qin na ito, kahit ang mga hukbo ay 'di makakayang makalapit sa Qin Sword Palace Lord. Ang mga nasa True Lord Rank ay agarang mamatay.

Ang teknik ng sword ay ang legendary flying sword technique, na kayang

makakontrol ng sandata mula sa himpapawid at makakapagbigay ng sword- beams ng tuloy-tuloy sa kahit na anong direksiyon.

"Hindi ito maganda, ito ang Qin Sword Palace Master!"

Sigaw nina Jiang Sanfeng at Die Ye.

Hindi alam ng dalawa na mayroon pang ibang True Lord Rank dito maliban sa Flooding Lake City Lord, at mas mataas pa ito kaysa sa Qin Sword Palace Master.

Isang Emperor, three sects, apat na pamilya. Ang waling dakilang puwersa ng Canopy Great Country ay nagpasya sa patutunguhan ng bansa nila.

Ang Qin Sword Palace Master ay ang pinuno ng isa sa mga three sects.

Ang kaniyang estado ay maikukumpara sa Deputy Patriarch ng Iron Blood Religion.

Ang sitwasiyon ay mabilis na nagbago nang umatake ang Qin Sword Palace Master.

Ang atake ng Qin Sword Twin Desolation ay nanggaling mula sa likod at tumagos kay Zhao Feng.

Hindi napigilang mapamura nina Jiang Sanfeng at Die Ye, "Ang Qin Sword Palace Master na ito ay napaka-walanghiya. Kahit na marami silang mga tauhan, siya'y gumagamit pa rin ng mapanlinlang na mga atake.

Pagdating sa battle-power, ang Qin Sword Palace Master ay hindi naiiba sa mga nakatataas na mga eksperto, ngunit pagdating sa paggawa ng gulo, siya ang paniguradong nangunguna dito.

Ang kombinasiyon ng Qin at ng sandata ay nagpapasakit sa ulo ng karamihan sa mga True Lord Ranks.

"Magaling! Ang Qin Sword Palace Master ay sinasabing may espesiyalisasyon sa teamwork. Kung ang gawa ng kaniyang Qin Sword Twin Desolation ay sumama sa iba pang True Lord Rank, sila'y paniguradong makakapatay ng kalaban."

Nagliwanag ang mga mata ng Flooding Lake City Lord nang makita niya ang atake ng Qin Sword Palace Master.

"Qin Wind Sword Rain!"

Ang tunog ng Qin sa himpapawid ay biglang naging magulo nang bumalot sa langit ang sword-beams, na nagsasarado sa lugar kung saan maaaring tumakas

si Zhao Feng.

Ang atake ng Qin Sword Palace Master ay hindi lamang limitado sa pisikal na mundo; ang kaniyang Qin ay maaari ring yanigin ang mga kaluluwa.

"Saan naggaling ang babaeng ito, at anong karapatan niya para makialam sa atin?"

Maging malabo ang ekspresiyon ni Zhao Feng. Ang atake ng Qin Sword Palace Master ay pumipigil sa kaniyang galaw.

Hindi niya inaatake ang Flooding Lake City Lord dahil sa kaniyang mga itinulong sa kaniya sa nakaraan kung hindi dahil kay Liu Qinxin.

Gayon pa man, hindi niya kilala ang babaeng ito. Ibig sabihin ay hindi niya kailangang pigilan ang kaniyang sarili.

Umubo ng malamig si Zhao Feng ng siya ay nagbigay ng kumpol na hangin at kidlat na umiikot sa paligid at nagdulot ng pagkawasak.

Boom! Bam~~~

Ang Qin Wind Sword Rain ay nawasak mula sa nakakapinsalang kumpol na hangin at kidlat.

Ang Flooding Lake City, na papalapit na, ay nakaramdam ng nakakamanhid na sensayon at biglang natulak pabalik.

"Napaka-makapangyarihang paggamit ng hangin at kidlat!"

Ang ekspresiyon ng dalawang True Lord Ranks ay emosiyonal na nagbago. Ang kanilang mga atake ay nawasak ng pira-piraso sa isang galawan lamang ni Zhao Feng.

Shua!

Kumislap ang hangin at ang kidlat.

"Mag-iingat ka!"

Pagbabanta ng Flooding Lake City Lord.

Sa mga sumunod na sandali, isang makapangyarihnag bugso ng hangin at nakamamanhid na sensasyon ang tumama sa Qin Sword Mapalace Master.

Shua!

Isang anyo na may asul na buhok ang lumitaw sa tabi niya.

"Napakabilis… paano ito naging posible?"

Namutla ang mukha ng Qin Sword Palace Master. Ang isnag kamay niya ay nakahawak sa Qin habang ang isa naman ay kumukontrol sa sandata at sa oras na iyon ay hindi siya nakakilos.

Malinaw na ang bilis ni Zhao Feng ay nagpapakita na pag-iipon niya ng kanyang kapangyarihan. Ang kaniyang bilis ngayon ay halos mas mabilis pa kaysa noon.

Beng~~

Isang bola ng hangin at kidlat ang sumiksik sa palad ni Zhao Feng at nagwasak sa Qin sa harap ng Qin Sword Palace Master.

"You… you broke my Six Combined Swaying Qin?"

"Ikaw… winasak mo ang aking Six Combined Swaying Qin?"

Ang eleganteng itsura ng Qin Sword Palace Master ay naglaho at napalitan ng galit, pagkasindak, at takot.

Shu~~~

Ang kagustuhan niyang pumatay ay kumislap sa kaniyang mga mata habang ang isang kamay niya ay kinokontrol ang sandata at ginawa itong tatlong kulay na guhit ng ilaw na tumagos patungo kay Zhao Feng.

"Hmph!"

Ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay biglang naglabas ng kapangyarihan na tila kayang makapagyanig sa utak at kaluluwa ng Qin Sword Palace Master.

Dang!

Ang lumilipad na espada na kinokontrol ng Qin Sword Palace Master ay biglaang nahulog sa mula sa himpapawid.

Ang kaluluwa ni Zhao Feng ay maikukumpara sa Sovereign at ang puwersa ng kaniyang mental energy ay halos gumulo sa utak ng Qin Sword Palace Master.

"Iligtas… iligtas mo ako…."

Naging kasing puti ng papel ang mukha ng Qin Sword Palace. Ang kanyang buhok at mga damit ay lumilipad sa hangin, na nagpapakita ng kulay niyebe na balat.

"Tuturuan ka nito para huwag ka ng makialam sa ayaw ng iba."

Walang emosyong sinipa ni Zhao Feng ang Qin Sword Palace Master.

Bam!

Ang paa ni Zhao Feng ay lumapag sa dibdib ng Qin Sword Palace Master.

"Ikaw…!"

Nakaramdam ng pagkapahiya at pagkamuhi ang Qin Sword Palace Master ng siya ay dumura ng dugo at saka lumipad.

Bab berikutnya