Lima o anim na mga araw na nakalipas, sa kailaliman ng Sky Cloud Forest.
Qiu~~~~
Isang guhit ng hangin at kidlat ang kumislap tagos sa gubat, nagdulot upang manginig sa takot ang mga halimaw sa malapit.
Makalipas ang ilang paghinga, ang guhit ng hangin at kidlat ay huminto sa tuktok ng isang malaking puno sa malapit.
Sa puno, isang batang mayroong asul na buhok ang marahang humihinga habang naglalaho ang isang pares ng pakpak na gawa sa hangin at kidlat.
Sinuri ng kaniyang kaliwang mata ang kapaligiran, naghahanap ng kahit anong natitirang aura sa malapit. Kahit ang katiting na mga detalye, gaya ng alikabok na lumulutang sa ere o ang pagbabago ng Heaven Earth Yuan Qi, ay hindi nakatakas sa kaniyang mata.
"Dito?"
Hindi mapigilang masurpresa ni Zhao Feng nang tumingin siya sa unahan.
Sa harap ng gubat ay mayroong isang maliit na ilog, at katapat ng ilog ay mayroong isang maliit na kuweba.
Naalala ni Zhao Feng ang kuwebang ito.
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com