webnovel

Ang Pag-aalala ni Elder Bai

Editor: LiberReverieGroup

Habang nasa ere, ang sagupaang naganap sa pagitan ni Zhao Feng at Cang Yuyue ay agad na naunawaan ng mga nasa True Spirit Realm.

Ang mga mata ni Elder Bai ay puno ng gulat at ang kanyang ekspresyon ay naging taimtim.

"Zhao Feng, nalagpasan mo na ang mga kalkulasyon ko, pero kasisimula pa lang naman ng laban. Pagkatapos kong makalabas ng Seven Sword Inheritance, ang layuin ko ay talunin ang limang napakahusay na prodigies."

Ang sword intent ni Cang Yuyue ay patuloy na tumataas at ang kanyang kalooban ay ganoon rin, lalong lumalakas.

Shua!

Isang daluyong ang makikitang nabubuo sa sira-sirang ispada. Humimig ito na tila ba isang tunog na kayang yanigin ang buong kaluluwa.

Isang nakapapanirang sword intent ang nabuo na siyang nagdala ng matinding presyur sa mental energy dimension kung kaya nayanig ang mga puso ng ibang nasa True Spirit Realm.

"Walang kahit anong sword intent ang kasinglakas nito sa buong Cloud Area."

Bab Terkunci

Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com

Bab berikutnya