Ang desisyon ni Bei Moi sa pagitan ng pagpatay sa kaniyang Master at pagligtas sa kaniyang sariling buhay ay labis na pagkatiya. Walang bakas ngp ag-aalinlangan.
Ni hindi makapaniwala si Master Haiyun sa nangyari. Ang kaniyang mga mata ay lumabas nang siya ay mamatay.
"Pinatay niya ang kaniyang Master nang ganoon lang? Ang Bei Moi na ito… ay napakasama."
"Hmph! Hindi ito ang unang pagkaktaong nagtaksil siya. Siya ay isang napakasakim na tao."
Ang buong Broken Moon Clan ay nag-usap tungkol sa ikinilos ni Bei Moi sa mababang tono, karamihan ay may panghahamak.
Hindi maiwasang mag-isip ni Zhao Feng.
Nakita ng lahat ang pagpatay ni Bei Moi kay Haiyun at tahimik na inilagay ang ulo nito sa isang lalagyan.
"Brother Zhao, si Bei Moi ay isang natural na taksil. Kung papakawalan natin siya nang ganoon kadali, malamang ay…"
Ang ilang mga pamilyar na mga disipulo at elder ay nag-aalala.
"Hayaan niyo na siya."
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com