"Binalewala niya lang Scarlet Demon Moon Eyes ko? Ang kapangyarihan ba ng kanyang kaluluwa at mata ay umabot na sa antas na kaya nitong balutin ang isang bagay gaya ng isang karagatan?"
Ang katawan ni Lin Tong ay nanigas sa gitna ng ere at ang gulat sa kanyang mga mata ay nagsimula nang kumalat sa kanyang buong mukha.
Ni hindi nga dumepensa si Zhao Feng, binalewala niya lang ang buong atake ni Lin Tong. Sa madaling salita, ang eye bloodline skill ni Lin Tong ay hindi sapat para sirain ang mental energy barrier ni Zhao Feng.
Sou Sou----
Sa parehong pagkakataon, ang dalawang iba pang True Mystic Ranks na pinangunguhana ang pwersa nila ay sumugod tungo kay Zhao Feng na siya namang nakatayo sa itaas ng bundok.
Ayon sa kanilang plano, si Lin Tong na ang bahala para pigilin ang eye bloodline ni Zhao Feng habang aatakihin siya ng dalawang True Mystic Ranks.
Blade of Wind and Lightning!
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com