webnovel

Pumatay ng Isang Tao

Editor: LiberReverieGroup

Sa loob ng sikretong silid, pagkatapos makaranas ng gulat, nanumbalik na ang kontrol ni Tandang Su sa kanyang mga emosyon, pero hindi niya mapigilang maramdaman na bahagyang natalo siya.

Isa siya sa mga pinakamalakas na eksperto ng Cloud Area, may cultivation siya ng isang True Lord Rank, at minsan siyang kumontrol ng isang strong country. Pinamunuan niya ang napakaraming buhay at pinagpasyahan ang magiging tadhana nila.

Ang bansang minsang tinirahan ni Zhao Feng ay isang danaw lamang sa mga mata ni Tandang Su, at ang Broken Moon Clan ay isang maliit lamang na pwersa.

Hindi mahirap isipin na si Tandang Su ay isang prodigy rin sa kanyang kabataan.

Sa pagkakataon iyon, nakaramdam siya ng gulat, gulantang at pagkatalo.

Ang paghanga at respeto ay makikita sa kanyang mukha habang tinitigna niya ang kabataang may asul na buhok.

Isa itong mundo kung saan namumuno ang mga malalakas; hindi mahalaga kung ano pa man ang edad mo.

Ang ipinakita ni Zhao Feng noong Sacred True Dragon Gathering at sa kasalukuyang lakas na mayroon siya ay lalong tinitingalaan ni Tandang Su.

Nang maisip niya kung paano niya "binalaan" si Zhao Feng, namula ang mukha ni Tandang Su.

Ang kabuuang lakas ni Zhao Feng ay maikukumpara sa halos tatlong True Lord Ranks dahil may dalawa pa siyang maitim na pilak na Ghost Corpse.

Sigurado si Tandang Su na si Zhao Feng ay may lakas ng isang nasa True Lord Rank para makakontrol ng dalawang Ghost Corpse. Bukod pa roon, hindi naman mahihirapan si Zhao Feng na maabot ang True Lord Rank.

"Tandang Su, babalik ako sa Thirteen Countries pagkatapos kong matulog nang huling beses."

Bahagyang bumigat na ang mga mata ni Zhao Feng. Natatantsa niya na kaya niya lamang magising sa loob ng apat na oras lamang.

"Bumalik sa Thirteen Countries? Ano naman ang magagawa mo?"

Hindi mapigilan ni Tandang Su na magtanong.

Ang Thirteen Clans ay mga tagasunod na ng Iron Dragon Alliance. Si First Elder at ang lahat sa Broken Moon Clan ay sumailalim sa Blood Pact.

Kung gustong bumalik ni Zhao Feng sa Broken Moon Clan, magdudulot lamang siya ng gulo para kay First Elder.

"Pupunta ako ng Broken Moon Clan… Para patayin ang isang tao."

Ang mga kalmadong mata ni Zhao Feng ay biglang kumislot nang may pagnanasang makapatay na siyang makakapagpanginig sa puso ng kahit sinong eksperto sa True Spirit Realm.

Ang pagbabago sa tubig at yelo ay nangyari sa isang pitik lamang.

"Kung kailangan mo ng kahit anong tulong, ang matandang ito at ang Dragon Killing Alliance ay handang ibigay ang aming mga kamay."

Napabuntong hininga na lamang nang bahagya si Tandang Su sapagkat alam niyang hindi niya mapipigilan si Zhao Feng. Kailangan itong sabihin ni Tandang Su, sapagkat iniligtas sila ni Zhao Feng.

Nag-isip muna si Zhao Feng bago sabihin ang dalawang punto na ito:

"Gusto kong tulungan ako ni Tandang Su na hanapin ang headquarters at mga kuta ng Iron Dragon Alliance, ganoon rin sa paghahanap ng Scarlet Moon Demonic Religion."

"Ikalawa, gusto kong linisin ng Dragon Killing Alliance ang mga gagawin kong kalat at hugasan ang buong Cloud Area."

Hindi na nagulat pa si Tandang Su sa unang punto pero nayanig ang kanyang puso sa ikalawa.

Ang "paglilinis" na sinabi ni Zhao Feng sa isang kaswal na tono ang siyang nakapagpatalon talaga ng puso ni Tandang Su.

Pwede namang humingi ng dagdag na pwersa si Zhao Feng sa Canopy Great Country, pero hindi niya ito ginawa.

Pagkatapos ng lahat, ang Cloud Area ay ang tahanan ni Zhao Feng. Gusto niyang siya mismo ang aayos nito nang walang tulong mula sa labas.

"Sa kasamang palad, ang pundasyon ng matandang ito ay nawasak na at makatutulong lamang nang kaunti."

Nakokonsensya si Tandang Su.

Kahit na malakas si Zhao Feng, mag-isa lamang siya at hindi maaasahan.

Pagkatapos ng lahat, ang Iron Dragon Alliance ay isang napakalakas a pwersa na namumuno sa Cloud Area. Habang kaharap ang hindi mabilang na Ascended Realm at mga eksperto ng True Spirit Realm, gaano lang ba kaliit si Zhao Feng kumpara rito?

Syempre, hindi alam ni Tandang Su na si Zhao Feng ay "nakalilimot" at walang pakialam sa mga laban na may napakaraming kalaban.

"En, si Tandang Su ay may puso para tumulong at gagamitin niya pa ang kapangyarihan ng Dragon Killing Alliance. Kung kaya may regalo ako para sa kanya."

Marahang tinapik ni Zhao Feng ang kanyang ancient metal ring.

Weng~~

Isang misteryosong berdeng likido ang lumutang sa hangin, at ang aura ng buhay na nilalabas nito ay tila ba katulad ng isang inang niyayakap ang kanyang anak.

"Ito ang… Elixir of Life?"

Nanginig ang puso ni Tandang Su habang ipinapakita ang isang maligalig na ekspresyon.

Ang Elixir of Life ay maaaring mabuo lamang sa ilalim ng ilang mga kondisyon at halos imposible pa ngang magpakita ito sa Azure Flower Continent.

Ang Elixir of Life ay nagmula sa pakikipagpalitan ni Zhao Feng kay Ye Yanyu.

Ang Elixir of Life ay mula sa esensya ng buhay sa Life Returning Grass.

Una munang nakipagpalitan si Zhao Feng ng dalawang tulo ng Elixir of Life mula kay Ye Yanyu at ninakaw naman ng munting pusang niya ang kalahati ng Life Returning Grass sa sumunod na pagkakataon.

Ibinigay naman niay sa Towering Tree Yao ang Life Returning Grass upang gumaling ito mula sa kanyang pinsala sa Void God Protection.

Subalit, sinadya ni Zhao Feng na magtago ng dalawang tulo ng Elixir of Life para sa kanyang sarili.

Kung kaya, sa katotohanan, mayroong apat na tulo nito sa Zhao Feng, at ang isa roon ay nakasadya para sa misteryosong elder para mabayaran niya ito.

Mula sa natitiang tatlong tulo, ibinigay ni Zhao Feng ang isa kay Tandang Su.

Pagkatapos ng lahat, si Tandang Su ang pinuno ng Dragon Killing Alliance, kung makakabalik siya sa kanyang pinamalakas na anyo, matutulungan niya nang lubos si Zhao Feng.

"Elixir of Life… Mukhang kakabalik mo lang mula sa isang inheritance."Ang Life Returning Grass at ang iba pang mga maalamat na mga aytems na pampahaba ng buhay ay matagal nang wala sa Azure Flower Continent at makukuha lamang mula sa panlabas na inheritances.

Ngumiti lamang si Zhao Feng at hindi na nagsalita. Sinenyasan niya si Tandang Su na gamitin na ang Elixir of Life.

Sinuri ni Zhao Feng ang mga pinsala at sugat ni Tandang Su gamit ang kanyang God's Spiritual Eye. Abot na ng mga pinsala ang Source ng kanyang True Spirit at napakahirap nito pagalingin. Kung gagamitin niya ang kanyang Qi ng True Spirit nang walang pasintabi, lalong lalala ang kanyang mga sugat at maaaring bumaba pa ang kanyang cultivation.

Subalit, naniniwala si Zhao Feng sa Elixir of Life.

Sa kanyang teorya, ang Elixir of Life ay may malaking tulon kahit isa pang Sovereign ang napinsalaan nang sobra-sobra.

Nagpasalamat si Tandang Su at ginamit na ang Elixir of Life saka naupo para magpagaling.

Sa loob lamang ng kalahating oras na kinailangan para makagawa ng tsaa, isang malakas na daloy ng Qi ng True Spirit ang makikita kay Tandang Su.

Ngumiti si Zhao Feng at nakita ang paghilom ng pinsala nito sa Source ng True Spirit ni Tandang Su. Sa loob ng maiksing oras, halos lahat ng panganib ay nawala na.

Naniniwala siyang gagaling na si Tandang Su at babalik na ang lakas nito sa loob ng kalahating buwan.

Hindi na nagtagal pa si Zhao Feng at bumalik na sa kanyang tinutulugan kanina.

Dalawang oras ang makalipas.

"Sa susunod na gigising ako ay ang oras ng pagbabalik ko sa Thirteen Countries."

Ipinikit ni Zhao Feng ang kanyang mga pagod na mata.s

Maingat na pinagsilbihan ni Prinsesa Jin si Zhao Feng sa ilalim ng utos ni Tandang Su.

Isang napakabihirang pagkakataon para sa isang maharlikang tulad ni Prinsesa Jin, na isang kalahok ng Sacred True Dragon Gathering, ang pagsilbihan ang isang kabataan.

Subalit, ang mga mata ni Prinsesa Jin ay puno ng saya at ang kanyang mukha ay namumula nang may pag-ingat.

Karamihan sa mga miyembro ng Iron Dragon Alliance, kasama na sina Elder Jiang at Third Highness, ay hindi ito maunawaan, pero hindi naman kasi talaga nila alam ang katotohanan kay Zhao Feng.

Sa isang kisapmata, kalahating buwan na naman ang lumipas.

Ang bagong kuta ng Dragon Killing Alliance ay nasa kalaliman ng kabundukan.

Sa isang punto ng pagkakataon, isang malakas na daloy ng True Spirit Aura ang siyang naging dahilan para lumiwanag ang Heaven Earth Yuan Qi sa malapit.

Ang kalangitan ay naging alon ng berdeg liwanag, at hindi makahinga ang mga miyembro ng Dragon Killing Alliance dahil sa mental energy pressure.

"True Lord Rank aura!"

"Isang kumpletong True Lord Rank aura… Ito ay kay Tandang Su!""Mabuti naman! Ang mga pinsala ba ni Tandang Su ay naghilom na ngayon?"

Nagdiwang ang mga miyembro ng Dragon Killing Alliance.

Tanging si Prinsesa Jin lamang ang nasorpresa. Alam niya kung gaano kalalim ang mga sugat ng kanyang Master, at masasabing hindi na ito gagaling kahit kailan.

Paano nanumbalik ang kanyang lakas ng pagiging True Lord Rank sa loob lamang ng napakaiksing kalahating buwan?

"Hindi kaya….?"

Ang mga mata ni Prinsesa Jin ay napunta sa isang natutulog na kabataang may asul na buhok.

Siya lamang ang tanging tao na pumapasok sa kanyang isip.

Dahil siguro ito sa pagbabago ng Heaven Earth Yuan Qi, pero biglang nagbukas ang mga mata ng kabataang ito.

"Isang pagbati para sa tuluyang paggaling mo Tandang Su."

Ang bahagyang tawa ni Zhao Feng ay maririnig sa kailaliman ng kagubatan.

Biglang nanlabo ang mga mata ni Prinsesa Jin nang maglaho si Zhao Feng sa kanyang paningin.

Sa sumunod na bigla, sa tuktok ng kabundukan.

Isang kalmadong kabataang may asul na buhok ang naglalakad kasama ang isang matandang may puting balbas, balikat sa balikat habang nag-uusap at tumatawa.

Pinanood ni Prinsesa Jin ang eksenang ito nang may gulat. Bigla niyang napagtanto kung paano niya minamaliit si Zhao Feng.

"Si Zhao Feng ay nasa True Mystic Rank pa lamang noong Sacred True Dragon Gathering. Anong antas na ang kanyang naabot pagkatapos niyang manggaling sa isang inheritance?"

Hindi kumakalma ang puso ni Prinsesa Jin.

Ang kabataang pinapanood niyang matulog ay abot na pala ang mga ulap.

"Binabati kita Tandang Su sa paglabas mo sa iyong seklusyon."

Ang mga nalalapit na miyembro ng Dragon Killing Alliance ay yumuko at bumati patungo sa tuktok ng kabundukan.

"Hehe, lahat ng ito ay dahil kay Zhao Feng at dapat natin siyang pasalamatan. Siya ang nagdala ng pag-asa sa Dragon Killing Alliance, at naniniwala ako na ang kanyang mga milagro at kadakilaan ay muling magpapakita sa Cloud Area."

Itinaas ni Tandag Su ang kanyang kamay upang ipakita ang kanyang pasasalamat at respeto kay ZHao Feng.

Nagulantang ang mga miyembro ng Dragon Killing Alliance. Kasama na rito si Elder Jiang, Third Higness, at ang mga kasama nito, na siyang unang nakakilala kay Zhao Feng.

Sa parehong pagkakataon, ilang dosenang milya ang layo.

Sa ere, isang maitim na pulang barko ang may sukat na 20 yarda ang lumulutang. Isang mapusyaw na berdeng dugong hangin ang pumapalibot rito na siyang nagbibigay ng madilim at nakakapanginig na aura nito.

"Nanumbalik na ang lakas ng pagiging True Lord Rank ni Tandang Su."

Isang garalgal na boses ang umalingawngaw sa loob ng barko.

Isa itong pangit na tao na mukhang bangkay. Maiitim na pilak na mga guhit ang bumalot sa kanya.

Ito ang Blood Corpse Protector.

"Palace Lord, ang ating kabuuang lakas ay mas mataas pa rin at si Tandang Su ay kakagaling lang naman. Hindi pa rin siya kasinglakas mo."

Mayroong dalawa hanggang tatlong True Mystic Rank na eksperto roon ay higit pa sa sampung True Spirit Realms sa kabuuan.

Ang mga mata ng Blood Corpse Palace Lord ay naguhitan ng itim na liwanag habang nakatingin siya sa isang kabataang may asul na buhok nang may madilim na mukha, "Siya nga talaga iyon…."

"Palace Lord, ako na ang bahala kay Zhao Feng."

Isang malamig na kabataang nakaitim na roba at may malalim na boses ang nagsabi nito. Isa siya sa mga True Mystic Ranks na nasa harap ng Blood Corpse Palace Lord.

Ang kabataang ito ay may mga misteryosong mata na tila ba naaabot ang lalim ng impyerno.

Tumingin siya kay Zhao Feng sa kabundukan nang may hindi mapigilang pagnanasa upang makipaglaban.

"Lin Tong? Kung tama ang natatandaan ko, ang Heaveny Absent Eyes mo ay natalo ng sutil na ito sa Alliance Banquet ng Thirteen Countries."

Mapaglarong sabi ng isa pang True Mystic Rank.

"Hehe, kababalik lamang ni Lin Tong mula sa Scarlet Moon Inheritance at alam kong kahit ang Palace Lord ay interesado sa kanyang lakas."

Bab berikutnya