Kinusot ni Zhao Feng ang kanyang mata.
Hindi siya sanay na hindi gamitin ang kanyang God's Spiritual Eyes.
Sa tabi niya, napansin ni Elder Jiang ang detalyeng ito.
Sa sandaling iyon, nakita niya na nagkulay asul ang kaliwang mata ni Zhao Feng, ngunit dahil sa sobrang bilis nito, nagmukha itong ilusyon lamang.
Isa pa, hindi ito ang unang beses na kinusot ni Zhao Feng ang kanyang kaliwang mata.
"Brother Zhao, ang Blood Sickle Slaughter na iyon ay napakasamang tao. Kapag hinayaan mo siyang makatakas, magkakaroon tayo ng maraming problema."
Taimtim na saad ni Elder Jiang.
Habang nakikitang palayo nang palayo ang blood-colored flame ay nag-alala si Elder Jiang ngunit ang lalaking may asul na buhok ay walang pakialam at mukha na itong pagod.
Alam ni Zhao Feng ang dahilan kung bakit kailangan itong patayin at hindi siya mag dadalawang-isip kapag dumating ang pagkakataon na iyon.
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com