Shua!
Kumislap ang anyo ni Lu Tianyi sa kuweba at ang kinang ng kaniyang Yuan Qi ay nagdulot upang maramdaman ito ng Towering Tree Yao sa malapit at sumumpa ito.
"Nilalang, mukhang hindi natin matatakasan ito."
Ang mapait na boses ng Towering Tree Yao ay maririnig.
Alam ni Zhao Feng na ang pagdating ni Lu Tianyi ay nagpigay ng panganib sa Towering Tree Yao.
Kung nasa peak lamang ang Towering Tree Yao, maaari nitong malabanan si Lu Tianyi subalit matapos tamaan ng Void God Protection, ang pangunahing katawan nito ay lumabas.
Dagdag pa rito, malaki ang nagamit na Wood Spirit Essence Soul ng Towering Tree Yao sa pagharap nito sa mga atake ng tatlong sects kaya bumaba ang lakas nito.
"Talagang malakas ang Lu Tianyi na ito. Maaaring mayroon siyang abilidad upang manghamon ng mga nasa Void God Realm at siya ay isang taong hindi ko kayang tapatan." Bumuntong-hininga si Zhao Feng sa loob-loob niya.
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com