webnovel

Pagtutugis sa Himpapawid

Editor: LiberReverieGroup

"Nilalang, tiyak na mayroon kang mga taktika. Napigilan mo na agad ang kanilang mga atake sa pamamagitan ng isang galawan."

Maririnig ang maligayang boses ng Towering Tree Yao.

Bago ito, nakaharap na ito sa mga atake mula sa pitong True Lord Ranks at sa isang daang mga henyo ng True Spirit Realm, na isang napakasakit na bagay para rito.

Nang gumalaw si Zhao Feng, talagang nabago niya ang sitwasyon.

Sa puntong ito, dalawampu hanggang tatlumpung mga henyo kabilang na ang dalawang True Lord ranks ang naulog sa Illusion City Maze ni Zhao Feng.

Ang Illusion City Maze ay nabuo sa Eye of Illusion ni Zhao Feng at isa itong pangmalawakang skill.

Kung kalaliman ang pag-uusapan, ang Illusion City Maze ay hindi mas mataas kaysa sa Eye of Illusion subalit ang problema rito ay isa itong pangmalawakang mental energy skill na kayang magkulong ng isang malaking bilang ng mga kalaban.

Noon, si Zhao Feng ay nalilimitahan ng kaniyang cultivation at hindi niya sinubukang gumawa ng ganitong skill. Dagdag pa rito, ito ang unang beses na nakatagpo si Zhao Feng ng mga kalabang sinusubukang manalo sa pamamagitan ng kanilang bilang.

Karamihan sa kaniyang mga nakalaban noon ay mag-isa o kaya naman ay maliliit na grupo. Ang apat na eye bloodline skills ay sapat na.

Ang Illusion City Maze ay nagawa dahil sa sitwasyon na ito.

"Ang Illusion City Maze ay talagang ginawa upang makalaban sa isang malaking bilang ng mga tao. Kahit gaano karami ang dalhin mo, mapipigilan ko pa rin sila at hindi na nila magagawang makahakbang pa."

Nakatayo si Zhao Feng sa sanga. Ang kaniyang kaliwang mata ay isang parang walang hanggang bangin at ang kaniyang asul na buhok ay misteryosong sumasabay sa ihip ng hangin, nagpapakita ng pagkamaharlika ng kaniyang bloodline.

Ganito, ang Illusion City Maze ni Zhao Feng ay ipinuwesto malapit sa espasyo ng Towering Tree Yao at ang mga malapit dito ay mas lalong maaapektuhan.

Dagdag pa rito, marahang pinapalawak ni Zhao Feng ang kaniyang Illusion City Maze.

"Brother Tree, kung mas lalo kang tutulong, mas lalong lalakas ang aking eye bloodline technique."

Isang ngiti ang lumitaw sa bibig ni Zhao Feng.

Pagkasabi na pagkasabi niya rito, nakaramdam si Zhao Feng ng mas makapangyarihang ragas ng essence soul na pumasok sa kaniyang mental energy world. Ito ang Towering Tree Yao's origin.

Weng~

Mabilis na nalinis ang kaluluwa ni Zhao Feng tila ba isang ulan na bumagsak sa panahon ng pamumulaklak.

Ang pakiramdam na ito ay parang nagbababad sa isang spa pool. Ang tago at malalim na mga pinsala ay lahat maaaring gumaling.

"Magaling."

Lubos na nagagalak si Zhao Feng. Dahil tinutulungan siya ng Towering Tree Yao, ang kaniyang comprehension sa Wood Spirit Essence Soul ay naging doble ang epekto.

Sa sitwasyon ito, ang kaniyang mental energy level ay nagsimulang lumapit sa huling mga yugto ng True Lord Rank.

Nabuo ang Illusion City Maze at lumawak. Ang bilang ng mga henyong nahuhulog sa Illusion City Maze ay tumataas subalit ang bilang ng mga nagpupumilit lumabas ay nababawasan.

Plop Plop!

Paminsan-minsan may isa o dalawang mga henyo na nahuhulog at nagiging pataba ng Towering Tree Yao.

Sinadya ni Zhao Feng gumawa ng mga labasan at kahinaan sa Illusion City Maze. Ang mga labasan at kahinaan na ito ay malapis sa sahig at ang mga nag-akalang sila ay makakatakas ay sa totoo lang ay lumalakad patungo sa mga pinto ng kamatayan.

"Kailangan nating patayin si Zhao Feng at iligtas ang mga disciples."

Nanlamig ang mukha ni Ye Yanyu na mayroong paglalayong pumatay at may lumitaw na isang malinaw na espada sa kaniyang kamay.

Tumalikod siya upang harapin si Zhuang Wan'er.

Ang Zhao Feng sa ngayong araw ay iba mula sa nakaraan. Kahit papaano dalawang late-stage True Lord Ranks ay kinakailangang mayroong lakas ng loob.

Nagtago si Zhao Feng sa kailaliman ng Towering Tree Yao at lamang siya sa kapaligiran.

Mapipisat na gaya ng mga pancakes ang mga normal na True Lord Ranks bago pa sila makalapit.

Ang pangunahing bagay ay si Zhao Feng ay napakalakas at ang dalawa sa kaniyang tatlong True Lord Rank ghost corpses ay pinapatay ang kahit sinong nagdanak ng dugo.

Kahit sa mga normal na sitwasyon, sina Ye Yanyu at Zhuang Wan'er lamang ang kayang magbanta kay Zhao Feng.

Kaharap ang mungkahi ni Ye Yanu, ang mukha ni Zhuang Wan'er ay nagsimulang magdalawang-isip.

"Hindi."

Ang boses ni Zhuang Wan'er ay puno ng pagkadesperado.

Bakit?

Labis na nagulat si Ye Yanyu.

"Ye Yanyu, mukhang ikaw ay puno ng pagkamuhi at pagsisisi. Patayin si Zhao Feng? Paslangin ang Towering Tree Yao? Ilang mga tao ang mamamatay kapag ginawa natin ito? Karapat-dapat bang mangyari ang lahat ng ito?"

Ang boses ni Zhuang Wan'er ay desidido.

Nanatili si Ye Yanyu.

Tama 'yon, ang tatlong sects ay nagbayad ng malaking halaga upang patayin ang Towering Tree Yao at ang Pure Moon Spiritual Sect ay nawalan ng tatlong True Lord Ranks kabilang na si Yu Luo.

Sa puntong ito, ang sitwasyon ay mas lumalala pa at ang malawakang mental energy illusion ni Zhao Feng ay nagkulong ng isang malaking bilang ng tao. Lahat sila ay may pagkakataong mamatay.

"Lahat ng mula sa Moon Demon Palace….Umatras kayo."

Mariing tinitigan ni Zhuang Wan'er ang batang mayroong kulay asul na buhok na nasa sangay bago nagbigay ng utos.

Nagtinginan ang mga henyo ng Moon Demon Palace sa isa't isa bago sila umatras at ginawa rin nila ang lahat ng kaya nila upang kuhanin ang ibang nahulog sa ilusyon.

Wala talagang pakialam si Zhao Feng sa umaatras na mga henyong ito at nakatuon lamang siya sa mga nagmula sa Pure Moon Spiritual Sect.

"Lahat ng mula sa Black Cliff Palace umatras kayo."

Nagising si Chi Gui at nagbigay ng utos pagtapos ni Zhuang Wan'er.

Dahil eye bloodline din ang kaniyang forte, naintindihan niya kung gaanong nakakasindak si Zhao Feng ngayon. Ang eye bloodline ni Zhao Feng ay hindi masusukat. Hindi pa nakakaita si Chi Gui ng mas nakakatakot kaysa rito. Maaaring ang Eight Great God's Eye lamang ang makakatalo kay Zhao Feng.

Bukod pa rito, ang mental energy level ni Zhao Feng ay lagpas na sa mga normal na nasa unang yugto ng True Lord Ranks at sa pamamagitan ng pagsuporta ng Wood Spirit Essense Soul, ang kaniyang enerhiya ay tuloy-tuloy lamang.

Bukod kina Zhuang Wan'er at Ye Yanyu, malamang wala ng ibang pagbibigyang-pansin si Zhao Feng.

"Atras."

Kinagat ni Ye Yanyu ang kaniyang mga labi at pinigilan ang galit at pagdadalawang-isip sa kaniyang puso.

Maaaring kapag pinagsama ang tatlong sects ay mapapatay nila si Zhao Feng pati ang Towering Tree Yao, subalit ilang mga tao lang ang mabubuhay para makita iyon?

Ang halaga at ang gantimpala ay hindi maikukumpara sa isa't-isa. Dahil dito kaya't sumuko si Zhuang Wan'er. Kung tutuusin, ang paghihiganti ng Moon Demon Palace at ni Zhao Feng ay hindi naman masiyadong malaki.

"Sister Ye, talaga bang…..?"

Labis na nagdadalawang-isip si Li Hong.

"Gusto ko siyang patayin ng sampung beses kaysa sa'yo, subalit gaano karami ang mamamatay para sa kamatayan nila Yu Luo at ng iba pa?"

Mapait ang pag-iling ni Ye Yanyu. Alam niya na hindi niya na mapapata si Zhao Feng nang umatras si Zhuang Wan'er.

Kapag siya at si Zhuang Wan'er ay pinagsama atsaka lamang magkakaroon ng 50-60% na tsansang mapatay si Zhao Feng. Si Lu Tianyi lamang ang may abilidad na patayin si Zhao Feng mag-isa.

"Hahaha…. Umaatras ang lahat ng mga taong ito?"

Tumawa ang Towering Tree Yao. Hindi mailalarawan ang kaniyang kagalakan.

Ang lahat ng mga tao mula sa tatlong sects ay lahat umatras na, nag-iwan ng sampu hanggang dalawampung mga katawan.

Sa puntong ito, anim lamang sa orihinal na sampung True Lord Ranks ang nawala. Ang Eye of Illusion ni Zhao Feng ay nag-iwan ng isa pang True Lord Rank.

Madilim ang mga ekspresyon ng mga mula sa tatlong sects.

"Isang maliit na kalahati ng sampung True Lord Ranks ang nahulog."

Sa pag-iisip pa lamang nito ay nagdulot na upang manlamig ang mga puso ng mga henyo.

Nakatayo si Zhao Feng sa sangay at pinaalis ang mga henyo mula sa tatlong sects gamit ang kanyiang mga mata. Nang makaatras na sila ng apat hanggang limang milyang layo, nagsalita siya: "Brother Tree, huwag kang tumigil. Titirahin natin ang asong 'yan na tumatakas."

"Sige."

Naniniwala ang Towering Tree Yao sa lakas ni Zhao Feng at naintindihan niya na maaaring magbalik ang tatlong sects makalipas ang ilang sandali.

Mas maganda kung lulumpuhin ang kalaban.

"Ang mga taong ito ay nakaatras na ng apat hanggang limang milyang layo at hindi na ito sakop ng aking mga ugat. Paano mo sila maaasikaso?"

Tanong ng Towering Tree Yao.

"Mayroon akong isang galaw na maaari kong subukan."

Kuminang ang mga mata ni Zhao Feng.

Sa pamamagitan ng suporta ng Wood Spirit Essense Soul, napagdesisyunan ni Zhao Feng na gamitin ang galaw na iyon.

Sa pag-iisip hanggang dito, huminga ng malalim si Zhao Feng at naging isa sa kalikasan at itinuon ang lahat ng kaniyang enerhiya.

Ito ang comprehension na ninakaw niya mula kay Xin Wuheng at naramdaman niya na parang ang paglalayong ito ay nakalagpas na sa hangganan ng True Lord Rank.

Sa iisang pagkakataon, ang kaliwang mata ni Zhao Feng ay nagsimula nang buuhin ang kaniyang aura.

Biglang.

Isang sinauna, hindi masusukat, nakakasindak na aura ang kumawala mula kay Zhao Feng at ang Towering Tree Yao sa ilalim ng mga paa ni Zhao Feng ay nabalisa: "Ang aura na ito ay parang nanggaling sa sinaunang panahon. Maaari bang ito ay nagmula pa sa Ten Thousand Ancient Races…. Imposible ito!"

Ang Wood Spirit Essence Soul ng Towering Tree Yao ay dumaloy kay Zhao Feng ng walang kontrol.

"Hehe, kung ganoon ganito pala."

Ang misteryosong bata na nagpapakawala ng sinaunang aura ay biglang bahagyang tumawa.

Dali-daling kasunod nito, pakiramdam ng Towering Tree Yao ay nawalan ng kaluluwa ang katawan ni Zhao Feng.

Shua!

Lumabas mula sa sisidlan ni Zhao Feng ang kaniyang kamalayan at tumapak ito sa mga ulap.

Kasabay nito, ang mga henyo mula sa tatlong sects ay nakaatras na ng lima hanggang anim na milyang layo, labas na sa nasasakupan ng mga ugat ng Towering Tree Yao.

"Kumalma kayong lahat. Hindi maglalakas-loob ang batang iyon na lumabas kahit na mayroon pa siyang isang daang pang lakas ng loob."

"Nakaasa lang ang bastardong ito sa proteksyon ng Towering Tree Yao. Kung maglalakas-loob siyang sumunod, makakatagpo niya ang sarili niyang kamatayan."

Nagdadalawang-isip na mga boses ang maririnig mula sa grupo.

Subalit, sa pagkakataong ito, lahat sila ay nakaramdam ng isang nakakakabang puwersa.

Tila ba may isang mata sa alapaap na malamig na nagmamatyag ng kanilang bawat galaw.

Ang pagkabalisa at ang kaba ay mas lumalakas nang lumalakas.

Ang ilang mayroong mas mabababang cultivation ay nanlamig ang mga katawan at para bang sila ay nahubaran at itinapon sa tubig na maraming yelo.

"Diyos ko, ito ang….."

Biglang tumingala ang ilang mga henyo at bigla silang nanigas. Nanginig ang kanilang mga boses at sila ay nahilo.

Mas marami pa ang tumingin sa alapaap at tila ba sila ay tinamaan ng kidlat.

Nang hindi nalalaman, isang malinaw na asul na Eye of Heaven ang lumitaw sa alapaap at malamig na nakatitig sa kalupaan sa baba.

"Ang matang iyon…."

Nanginig ang mga puso ni Ye Yanyu at ni Zhuang Wan'er.

Ang lahat ng mas mababa sa True Lord Rank ay nanginig sa kaba.

"Itong mata na naman…. Anong klaseng kapangyarihan ang mayroon ito?"

Huminga nang malalim si Chi Gui.

Kahit na ito ang ikalawang beses na nakita niya ang Eye of Heaven, ang kapangyarihan na dala ng mata sa unang beses ay hindi kasing lakas gaya nito.

Subalit, ang aura at momentum ng matang ito ay nagdala ng isang bagay na kaya lamang tingalain ni Chi Gui. Sinasabi ng pakiramdam ni Chi Gui ay ang mata na ito ay mayroong kapangyarihan na hindi niya kailanman maiisip.

Ito ang sinusubukan ni Zhao Feng.

Bab berikutnya