Sandaling oras lamang ang lumipas ay dalawang True Lord Ranks na agad ang namatay nang dahil sa Poison Corpses.
Ang pitong True Lords at ang mga henyo ng tatlong sects ay napahinto sa mga pangyayari.
Mabilis ang mga kaganapan. Kani-kanina lamang ay kinakaya ni Chi Gui si Zhao Feng sa labanan nila ng eye bloodline at sa pagdating ng dalawa pang True Lord Ranks. Nasa delikadong sitwasyoon noon si Zhao Feng.
Sinong mag-aakala na mababaliktad niya ang mga pangyayari?
Dalawa sa tatlong True Lord Ranks ay napatay na, at ang natira sa kanila, si Chi Gui, ay nasa peligro na.
"Paanong para bang naabot ng dalawang Poison Corpses ang lebel ng True Lord Rank at may ganoong kalakas na lason…. Paano ito nangyari?"
Hindi makapaniwala si Chi Gui.
Gaano ba kahirap na pataasin ang antas ng isang ghost corpse tungo sa lebel ng isang True Lord Rank?
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com