Misteryosong kanyon, sa looban ng kagubatan.
Ang aura ng sampung True Lord Rank ay kumalat sa kalangitan at umikot ang mga ulap. Ang ere ay napuno ng iba't ibang mga elemento at kulay.
Sa oras na iyon.
Ang pwersa ng tatlong sects ay higit pang lumakas, kung saan inabot na ito ng isang daang katao."Mukhang hindi mo matutupad ang isang parte ng pangako mo, bata. Hindi ko matatakasan ito."
Humuni ang malungkot na boses ng Towering Tree Yao sa tainga ni Zhao Feng.
Sa ilalim ng pangkaraniwang pagkakataon, kahit doble pa ang dami ng True Lord Ranks, hindi pa rin nila kakayanin ang Towering Tree Yao.
Ngunit ang Towering Tree Yao ay napinsala na ng Void God Protection at dahil doon, nagkaroon ito ng isang malaking butas.
Walang proteksyon ang butas at hindi pa ito humihilom.
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com