Sa segundong gumalaw si Zhao Feng, agad siyang napansin ng maraming mga henyo ng Pure Moon Spiritual Sect.
Sou Sou!
Ang dalawang lalaking disipulo na may alitan kay Zhao Feng ay gumalaw at nagtungo sa kanyang kaliwa at kanan para 'protektahan' kuno si Zhao Feng.
"Salamat."
Nagbigay si Zhao Feng ng tingin na tila natuwa siya pero kumintab ang mga mata ni Ye Yanyu habang pinapanood ang anyo ni Zhao Feng na unti-unting lumalayo.
Hindi siya mapakali at lalo pa itong tumataas habang lumalayo si Zhao Feng.
Simula noong mamatay si Yu Luo, naging mabahala na talaga at maingat si Ye Yanyu kay Zhao Feng.
Sa pagkakataong iyon, ang lahat ng kanyang atensyon ay napunta kay Zhao Feng at ang anyong may asul na buhok ay lalo pang naging misteryoso.
Tila ba may naramdaman, ang kabataang may asul na buhok ay lumingon at ngumiti sa kanyang habang nakatingin sa mga mata nito.
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com