webnovel

Ang Boses ni Zhao Yufei

Editor: LiberReverieGroup

Sa pagkakataong iyon, hindi na itinago pa ni Li Hong ang kanyang intensyong makapatay at agad niya nang ibinuga ang aura ng isang True Lord Rank at agad na ipinatawag ang kapangyarihan ng kidlat at Water Yuan Qi sa malapit.

Ito ang unang beses na nakaharap si Zhao Feng ng isang True Lord Rank na nasa huling yugto na nito.

Nang labanan niya si Ye Yanyu dati, ang pagitan nilang dalawa ay napakalaki at hindi ginamit lahat ni Zhao Feng ang kanyang lakas.

Hindi nataranta si Zhao Feng sa tapat ng ganitong aura at tumingin siya kay Ye Yanyu. Ayon sa kasunduan, kailangan niyang protektahan si Zhao Feng pero sa ngayon, mukhang wala siyang balak na gawin ito.

May mga sariling plano sa si Ye Yanyu:

Gusto niyang gamitin si Li Hong para sapawan ang kapangyarihan ni Zhao Feng. Nagsimula nang maramdaman ni Ye Yanyu na tila hindi niya na nakokontrol si Zhao Feng at hindi niya na malaman kung anong iniisip nito.

Bab Terkunci

Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com

Bab berikutnya