webnovel

Mga Batang Scorpion

Editor: LiberReverieGroup

Ang halaga ng Solar Lunar Sky Bamboo Shoot Dew ay labis na mas mataas kaysa sa iba noon.

Kaya nitong mapadalisay ang kaluluwa ng isang tao at ang kakayahang mapataas ang mental energy na nagpapahintulot na maunawaan ang lahat ng kakaibang bagay.

Shua!

Mabilis na naglagay ng ilang tulo ng Solar Lunar Sky Bamboo Shoot Dew si Zhao Feng sa Green Spiritual Gourd.

Ang Green Spritual Gourd ay isang kakaibang interspatial item na may kakayahang magreserba ng mga sariwang bagay at nababawasan ang pagkawala ng enerhiya mula rito.

Halimbawa, ang sako ng lason na nakuha noon ni Zhao Feng ay mawawalan ng lason pagkaalis sa katawan ng scorpion ngunit kung ilalagay ito sa Green Spiritual Gourd, mapapababa ang mawawala.

"Ang halaga ng Solar Lunar Sky Bamboo Shoot Dew ay kasunod lang ng Blood Glass Fruit, Yin Poison Mushroom at iba pang mga top treasure."

"Magnanakaw, huwag mong kunin lahat."

Ang mga henyo ng Black Cliff Palace at Moon Demon Palace ay sumugod.

Kahit na ang Green Spiritual Gourd at Sky Marking Stone na nakita ni Zhao Feng noon ay may mataas na kalidad, ang halaga ng mga ito at pakinabang ay hindi malapit sa Solar Lunar Sky Bamboo Shoot Dew.

"Kung malalagyan ko lang ng isa o dalawang tulo ng Solar Lunar Sky Bamboo Shoot Dew at padalisayin ang aking kaluluwa ay tataas nang 20 hanggang 30 porsyento ang pagkakataong maabot ko ang True Lord Rank."

Ilang mga henyong nasa peak True Mystic Rank ang ginamit ang kanilang mga secret technique at tagong baraha para atakihin si Zhao Feng.

Hindi nataranta si Zhao Feng nang tumingin sa ilang natitirang tulo ng Solar Lunar Sky Bamboo Shoot Dew.

Shua!

Ang kaniyang anyo ay nawala at umatras sa layong mga dosenang yarda at pinalabas ang dalawang green bronze ghost corpses sa kaniyang harapan.

"Ang dew ay hindi masyadong epektibo kapag kinuha nang tuloy-tuloy. Ang ilang tulo ay sapat na para sa akin."

Si Zhao Feng ay matalinong umatras at hindi kinuha ang natitirang tulo ng dew.

Kahit na siya ay malakas ay hindi niya gustong maging kalaban ng higit sa isang dosenang henyo.

May anim hanggang pitong nasa peak True Mystic Rank na nandito at karamihan sa mga natitira ay nasa late stages ng True Mystic Rank, ang bawat isa ay kasinglakas ng napakahusay na prodigy sa Sacred True Dragon Gathering.

"Nais ko lang ng isang tulo ng Solar Lunar Sky Bamboo Shoot Dew."

"Ang sinumang pumigil sa akin ay mamamatay."

Ang kabuuan ng pito hanggang walong henyo ang galit na naglaban sa ilang tulo ng Solar Lunar Sky Bamboo Shoot Dew.

Inutusan ni Zhao Feng ang dalawang green bronze ghost corpse na pumunta sa harapan niya at paatrasin ang mga henyong lalapit sa kaniya.

Bukod pa sa tatlong True Lord Rank, ang lakas ni Zhao Feng ay kabilang sa pinaamataas dito at kahit ang dalawang True Mystic Rank na ghost corpses lang ay kaya nang mapigilan ang karamihan.

Sa natitirang dalawang tulo ng Solar Lunar Sky Bamboo Shoot Dew, parehong ang Black Cliff Palace at Moon Demon Palace ang may tig-isa.

Ang laban ay natapos kaagad at ang pinakamalaking panalo ay halatang si Zhao Feng.

Sa totoo lang, kung gusto ni Zhao Feng na kunin ang lahat ng dew ay walang makakapigil sa kaniya ngunit kung ginawa niya ito ay malalaman ni Ye Yanyu ang kaniyang tunay na lakas.

Nagbigay siya ng ilang mga tulo ng Solar Lunar Sky Bamboo Shoot Dew para maipon ang kaniyang lakas at maghanda para sa hinaharap.

Gayunman...

Kahit na sinadyang ni Zhao Feng na hindi magpahalata ay napansin pa rin siya ng Black Cliff Palace at Moon Demon Palace.

"Ang eye bloodline ng ungas na ito ay mainam para sa paghahanap ng mga kayamanan. Bantayan siya."

Ang dalawang panig ay nag-usap na kung anong gagwin.

Ang ilang tao ay pinanood pa ang lahat ng kilos ni Zhao Feng at isang aksidenteng tingin sa partikular na direksyon ang nagdahilan para maghukay sila ng butas sa lupa na may tatlong talampakan ang lalim.

Hindi maiwasang maisip ni Zhao Feng na ang tingin sa kaniya ng mga tao ay isang diyos ng pera.

Sa kasamaang palad ay halos wala nang kayamanan sa natitirang paglalakbay na katulad ng klase ng Solar Lunar Sky Bamboo Shoot Dew.

Maaaring dahil ito sa tatlong True Lord Rank na napagtantong nakaligtaan nila ang maraming top treasure at bumagal nang bahagya. Ang Solar Lunar Sky Bamboo Shoot Dew ay mahalaga rin para sa kanila.

Para sa mga hindi gaanong magandang kayamanan ay tinatamad si Zhao Feng na kunin ang mga ito at hindi na lang nagpahalata.

Ang mga nagmamanman sa kaniya ay nadismaya. Ang iba ay sumuko na habang ang iba ay ayaw.

Syempre.

Ang pinakamainam na kayamanan ay nasa tatlong True Lord Rank, lalo na ang munting pusang magnanakaw at si Ye Yanyu.

Ang pinagsamang pabuya ni Chi Gui at True Lord na may kulay dugong damit at hindi pa rin kasingdami ng kay Ye Yanyu.

Ang cultivation ni Ye Yanyu, lakas at bilis ay nasa sukdulan at sa tulong ng munting pusang magnanakaw, ay perpekto.

"Munting pusang magnanakaw, ikaw nga ang aking swerteng pusa."

Mas nagustuhan ni Ye Yanyu. Ang tanging problemang natitira ay ang kasunduan sa pagitan nito at ni Zhao Feng ay hindi pa nawawalang bisa.

Sa kabilang banda, si Chi Gui at ang True Lord na may kulay dugong damit ay nagngalit ang mga ngipin dahil sa inis sa munting pusang magnanakaw.

Ang munting pusang magnanakaw ay iwinawasiwas ang Mystic Snake Blood Whip at mahusay na kinukuha ang mga kayamanan.

Minsan pa ay kinukuha ng latigo ng munting pusang magnanakaw ang mga kayamanang kukunin na sana ng iba.

Ang pusang ito ay labis na kakaiba at kailangang paghandaan sa lahat ng oras.

Mayabang na tumingin si Ye Yanyu kay Zhao Feng na nasa likuran, na tila sinasabing mas mainam siyang kasama ng munting pusang magnanakaw.

Ang ekspresyon ni Zhao Feng ay madilim at hindi nagsalita.

Sa isang sandali...

Ang mga hakbang ng tatlong True Lord Rank ay tumigil.

Sa hindi kalayuan ay isang itim na butas na isang daang yarda ang laki at pinanggagalingan ng init.

Sa butas ay dose-dosenang mga batang scorpion, na kasinglaki ng isang pusa o aso.

Mga batang scorpion!

Nakita ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ang lahat nito at ang mga puso ng tatlong True Lord Rank ay napatalon sa tuwa.

May ilang dosena sa loob ng butas, ay marami pang inaasahan.

"Sandali, kahit na may malaking bilang ng mga batang scorpion, tanging iilan lang ang may dalisay na bloodline tulad ng ancient giant scorpion."

Kongklusyon ni Zhao Feng matapos suriin ang mga ito gamit ang kaniyang God's Spiritual Eye.

Ang bloodline ay nasa swerte. Hindi ibig sabihin nito ay ang lahat ng bata ay magkakaroon ng isang makapangyarihang bloodline at kung hindi ay mula sa sinaunang panahon hanggang ngayon, ang mga bloodline ay hindi magiging ganito kaunti.

Sa Thirteen Countries ay may ilang dosena lang na may bloodline kasama si Zhao Feng, Zhao Yufei, at mga kasama.

Dagdag pa rito, may iisang true ancient scorpion lang at napatay na ito ng grupo.

Samakatuwid, makakapag-ugnayan lang ito sa ibang mga scorpion at ang pagkakataong magkaroon ng dalisay na bloodline ang mga anak nito ay napababa.

Nalaman ni Zhao Feng na ang mga scorpion sa butas, tanging anim o pito lang ang halos katulad ng ancient scorpion.

Ang mga salitang 'halos magkatulad' ay nangangahulugang pisika nilang itsura. Ang ibig sabihin nito ay ang kanilang pagkakataong mgakaroon ng bloodline ay mas malaki, ngunit hindi ito sigurado.

"Hahahaha.... Isang buong grupo ng mga batang scorpion!"

Ang mga henyo sa likuran ay labis na natutuwa nang malaman ang dami nito.

"Lahat kayo, halika na. Kahit na hindi lahat dito ay may dalisay na bloodline, mayroon pa rin silang mga bloodline at mas malakas sa mga normal na spiritual pet."

Utos ni Chi Gui.

Ang tatlong True Lord Rank ay nauna at ang kanilang mga pakay ay halatang ang mga kamukha ng mas matanda.

Si Zhao Feng ay nanatiling kaldamo at hindi sumugod sa laban.

Sa larangan ng pagkadalisay ng bloodline, ang mga pupuntahan ng tatlong True Lord Rank ay may pinakamataas na pagkakataong magkaroon ng dalisay na bloodline.

Gayunman, walang iba ang may kakayahang labanan ito at si Zhao Feng ay nanatiling hindi nagpapahalata at hindi ito nilalabanan.

Ang kaniyang God's Spiritual Eye ay tumingin rin sa butas at malapit na mga bitak.

Nakikita ni Zhao Feng kung ang scorpion ay may bloodline o wala.

Siya ay bahagyang nadismaya pagkatingin sa paligid.

Kapag mas malayo sila sa butas, ang kulay ng mga scorpion ay mas hindi dalisay at kung isasantabi ang tatlong True Lord Rank, kahit ang ibang mga henyo ay hindi ito gusto.

Nakita na nilang lahat ang tunay na kulay ng scorpion at ito ay napakaitim na may pagkametal.

Gayunman, mas pipiliin pang lubusin ni Zhao Feng ang kaniyang oras at suriin ang mga scorpion na ito kung ang itsura nito ay hindi dalisay o hindi.

"Hmm?"

Ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay nanatili sa isang sulok.

Ito ay isang napakaliit na scorpion na kasing laki ng pakad ng sanggol at nagtatago sa bitak ng pader, na nagpapakita ng malamig na pulang matang puno ng poot habang nanonood sa labas.

Mula sa labas ay mukkha itong isang impure colored scorpion at maliit din ito.

Gayunman ay may nakita si Zhao Feng na kakaiba kapag titingin siya rito.

Una, ang scorpion na ito ay mukhang matalino. Kahit na mukha itong pinakabata ay alam nito kung paano magtago at mas lumalayo pa.

Ikalawa, ang katigasan ng pader ay maikukumpara sa isang peak tier Mortal grade weapon ngunit nahiwaan ito ng isang impure colored scorpion.

Sa wakas.

Nakita ni Zhao Feng na ang bloodline sa loob ng scorpion na ito ay katulad ng nasa ancient scorpion ngunit iba rin.

"Hindi kaya isa itong baryasyon ng giant scorpion?"

Nayanig ang puso ni Zhao Feng.

May mga panahong ang mga bloodline ay umaalis sa orihinal nitong trajectory at nagiging iba, tulad ng Changeable Bodies na mayroon si Zhao Yufei at Sun Haoyuan.

"Oh, hindi naman ito mahalaga. Uunahin ko ito."

Ibinukas ni Zhao Feng ang kaniyang God's Spiritual Eye at sinubukang kontrolin ang scorpion.

Sa prosesong ito ay nakakita si Zhao Feng ng isang malakas at ang nakakatiis na depensa ay nagpasaya sa kaniya. Bukod sa mga bloodline, ang mental energy ay isa ring mahalagang salik kung gaano kalayo ang maaabot ng isang scorpion.

Shua!

Madali pa ring nakontrol ni Zhao Feng ang scorpion na ito dahil ang kaniyang mental energy ay mas mataas sa batang scorpion....

Sou!

Ang may batik na scorpion ay lumipad at napunta sa kamay ni Zhao Feng.

Sa pamamagitan ng mahigpit na pagsusuri ay napagtanto ni Zhao Feng na ang mga batik sa balat ng scorpion ay nawala at napalitan ng isang malamig na itim na malametal na liwanag na may kaunting matingkad na pulang batik, na mukhang mas misteryoso at masama kaysa sa ancient giant scorpion.

"Anong uri ng ng baryasyon ba ito para maikubli ang sarili nito?"

Tahimik na inilagay ni Zhao Feng ang kakaibang batang scorpion sa kaniyang spiritual pet bag.

Sa mismong sandaling ito.

Ang laban sa pagitan ng tatlong True Lord Rank ay natapos na at si Ye Yanyu ay may masayang ekspresyon dahil nakuha niya ang dalawang batang scorpion na may pinakadalisay na dugo.

Bab berikutnya