webnovel

Makapangyarihang Kombinasyon

Editor: LiberReverieGroup

Itim na usok at alikabok ang bumalot sa arena at ang grupo ng Wicked Teeth ay napatalksik mula sa isang atakeng nanggaling sa likuran.

Shua! Shua! Shua!

Sumigaw ang tatlong anyo nang umikot sila sa ere at lumapag sa tatlong puwesto.

Wah! Wah!

Ang lalaking mayroong jagged blade at ang babaeng may itim na lotus ay parehas napadura ng maraming dugo nang bigla silang tumama sa sahig ng mayroong malalang pinsala.

Ang black lotus girl na mayroong pinakamahinang pagkatalo kalahating tuhod ang nasa sahig at mayroong namumutlang mukha at pulang mga mata: "Munting black poison----"

Ang ahas sa kaniyang mga paa ay nadurog-durog ng Ice Lightning Raging Dragon.

Ang babaeng mayroong itim na lotus ay mayroong malamig na eskspresyon at siya ay tumitig sa anyong may kulay na buhok sa lugar na puno ng alikabok gamit ang kaniyang nakamamatay na mga mata.

Sa grupo ng Wicked Teeth, ang 'chained skeleton man' lamang ang hindi masiyadong napinsala subalit mayroong mga paso sa kaniyang katawan at pangit ang kaniyang ekspresyon.

"En, hindi na masama. Ang reaskyon ng tatlong ito at ang kanilang lakas ay mas malakas kaysa sa inaakala ko."

Tumango si Zhao Feng sa pagkakuntento.

Matapos matuklasan na nakakalapit na ang grupo ng Wicked Teeth ang unang reaskyon ni Zhao Feng ay biglaan silang sugurin at huwag tumakbo.

Ang aura sa loob ng kuweba ay sobrang halata at talagang sinadya niyang iwanan ang aura na ito upang mapapapunta sila rito.

Kaya nangyari ang eksenang ito kung saan ang grupo ng Wicked Teeth ay biglang sinugod ni Zhao Feng.

Subalit, ang nakapaggulat kay Zhao Feng ay hindi nagawa ng Ice Lightning Rage Dragon na makapatay ng kahit isa sa kanila.

"Walanghiyang bata, bakit ang lakas ng loob mong sugurin ang grupo ng Wicked Teeth?"

"Bastardo, babalatan kita at kakainin ang karne mo at pipinuhin kita upang gawin kang isang multong bangkay sa pagpatay ng aking munting black poison."

Ang lalaking mayroong jagged blade at ang babaeng may itim na lotus ay mayroong paglalayon pumatay na sa sobrang lakas nito ay parang nabubuo na ito.

Lalo na para sa babaeng mayroong itim na lotus. Ang kaniyang mukha ay nakakulubot at kasing puti ng papel. Napakadilim niya sa puntong parang isang multo ang nagpanginig sa ibang tao hanggang sa kanilang buto.

Subalit, ang dalawang ito ay labis na napinsala at hindi na sila makabawi ng atake sa loob ng maikling panahon.

"Bata, nababagot ka nang mabuhay. Sinugod mo pa kami sa halip na tumakbo ka?"

Ang chained skeleton man ay ngumiti habang pinapatunog niya ang kaniyang mga kadena.

Nabalisa si Zhao Feng sa sentro ng itim na usok.

Kung lakas ang pag-uusapan bawat isa sa tatlong Wicked Teeth ay mas malakas kaysa sa mga normal na napakahusay na mga prodigies.

Hindi masiyadong maganda ang sitwasyon ni Zhao Fenge.

Kahit ang tatlo ay napatalsik, maayos ilang nakagawa ng tatsulok upang palibutan si Zhao Feng.

Ang ganitong reaksyon at pagtutulungan ay nagpakita ng kanilang karanasan.

Si Zhao Feng ang taga-sugod subalit ngayon siya na ang napapalibutan.

"Tingnan natin kung gaano kalakas ang mga henyo ng panlabas na mundo."

Hindi nagpakita si Zhao Feng ng kahit anong senyales ng pag-atras at sa halip mas umusbong pa ang kaniyang paglalayong makipaglaban.

Huala!

Iwinagayway ng chained skeleton man ang kaniyang mga braso at may lumabas na mga itim na mga bakal na kadena na mayroong nakamamatay na kinang. Sa tunog na 'wu' na mayroon ito, nanginig ang mga kaluluwa at dumeretso ito sa mga tainga.

Sou! Huhu----

Tila ba ang hangin ay napuno ng mga metal na ahas na mayroong aura ng kamatayan at tumira ito patungo kay Zhao Feng sa iba't-ibang anggulo.

Ang anyo ni Zhao Feng ay naging isang guhit ng kidlat at ang mga metal na ahas ay parang nabuhay nang sila ay bumalik paikot kahit na ito ay naiwasan naman.

Peng! Bam! Boom---

Isang malalim na bangin ang naiwan kung saan naroroon si Zhao Feng kanina at ang bato ay nahati ng parang tokwa.

Napakamakapangyarihan ng chained skeleton man at nakapagcultivate na siya ng body strengthening technique ng Wicked path. Ang mga kadenang pinatunog niya sa paligid ay napuno ng hangin ng kamatayan at kahit ang isang True Lord Rank ay mapipinsala kapag tinamaan sila nito. Ang mga nasa ibaba ng True Lord Rank ay mawawalan ng kalahati ng kanilang buhay kung hindi mapira-piraso ang kanilang mga buto.

"Ang kalansay na lalaking ito ay mayroong lakas ng isang halimaw at sa buong Sacred True Dragon Gathering malamang si Yu Tianhao lamang ang makakalaban sa kaniya."

Palihim na nanlambot si Zhao Feng.

Kung hindi para sakaniyang kabilisan at sa kontrol ng God's Spiritual Eye, malamang ay siya ay masasakop ng lalaking ito at mapipilitan siyang mapunta sa isang desperadong sitwasyon.

Weng~

Isang nakakaakit ng paningin na bulaklak na gawa sa yelo at kidlat ang nabuo sa palad ni Zhao Feng at biglaan itong namulaklak nang makipagsagupaan siya sa kalansay na lalaki sa unang beses.

Nang sumabog ang kidlat at yelo isang kalamigan at kuryente ang kumalat kung saan-saan.

Ang pakay ni Zhao Feng ay hindi ang kalansay na lalaki mismo subalit ang mga kadena sa kaniyang kamay.

Si! Si!

Ang panlabas ng kadena ng kalansay na lalaki ang tumunog at nagsimula itong umusok at ang paggalaw nito ay bahagyang nanigas.

Ang kapangyarihan ng kidlat ay talagang nakakatapat sa Wicked path at ang yelo ay kayang patigasin ang mga metal na sandata.

Hindi agad-agad inatake ni Zhao Feng ang kalaban subalit pinigilan niya ang kanilang lakas.

"Magpunta kayong dalawa upang tumulong."

Umatungal ang kalansay na lalaki. Ang mga kadena sa kaniyang kamay ay hindi kasingliksi gaya noon at isang sagitsit ng kidlat ang nakapagpamanhid ng kaniyang katawan.

Ang lalaking mayroong jagged blade at ang babaeng may itim na lotus ay parehas nagulat. Hindi kaya ng kalansay na lalaki si Zhao Feng?

Hindi sila agad-agad umatake kanina dahil kakaayos pa lamang nila sa mga pinsala nila kanina at pinipigilan nilang makatakas si Zhao Feng.

Ang tatlong ito ay matagal nang nagtatrabaho magkasama subalit si Zhao Feng ay wala namang intensyong umalis at mas lalo pa siyang matapang na lumaban sa kalansay na lalaki.

"Bastardo, mamatay ka na---"

Ang lalaking mayroong jagged blade ay diniliaan ang kaniyang mga labi at ang kaniyang jagged blade ay nagsimulang umikot nang mabilis at mayroon itong malamig na kinang.

Shuuuuu------

Ang umiikot na blade ay parang isang chainsaw na tumuhog sa hangin.

Bago pa man dumating ang atake ay pakiramdam ni Zhao Feng na nanlamig ang kaniyang balat na para bang siya ay pinuputol-putol.

Sa lahat ng tatlo ang lalaking mayroong jagged blade ang sanay sa opensa at pagsira sa depensa ng kalaban. Ang umiikot na blade ay nagpatuloy sa pag-ikot na kahit ang turtle shell ni Shi Chengtian ay mapapabukas ng hiwa nito.

Tumalon ang puso ni Zhao Feng. Kung siya matatamaan nito.....

Shua! Shua!

Nahati bigla ang katawan ni Zhao Feng sa dalawa o tatlong anyo na umiiwas at tumatakas sa mga atake ng kalaban.

Ang mga kadena at ang chainsaw ng kalansay na lalaki ay isang bagay na hindi kayang kalabanin ng mga taong nasa ibaba ng True Lord Rank.

At ang dalawang halimaw na ito ay parehas nasa iisang grupo.

Kung ganoon anong klaseng lakas ang mayroon ang natitirang babae na mayroong itim na lotus? Hindi naniniwala si Zhao Feng na siya lamang ang namamahala sa paghahanap o pagsunod sa kalaban.

Gaya ng inaasahan.

Ang black lotus girl ay bahagyang lumuhod sa sahig at pinagkabit ang kaniyang mga kamay nang biglang bumukas ang itim na lotus at isang itim na liwanag ang kumalat.

Ang lugar sa loob ng isang milya ay dali-daling nabalot ng itim na usok.

Ang mga pakiramdam ng mga taong nasa itim na usok ay talagang nalimitahan subalit ang kaniyang mga kasama ay hindi naapektuhan.

Sumunod na sumunod dito ay mga matitining nga tunog na galing sa itim na usok na umaatake sa mental energy level.

Sa mariing pagtingin niya, nakakita si Zhao Feng ng apat hanggang limang taong hugis multo na parang mga aura ng kamatayan ang sumunggab patungo sa kaniya.

"Ang mga tao mula sa Black Cliff Palace ang kumukontrol sa mga spectres at mga multo."

Sa ilalim ng tingin ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ang mga multong ito ay lahat nakikita niya.

Ang mga multong ito ay gumagawa ng mga pisikal na atake subalit sila ay nakatuon talaga sa mga mental energy attacks upang paguhuin o kaya'y kainin pa ang dugo ng mga buhay na tao.

Kanina noong lumalaban ang apat na mula sa Wind Snow Pavilion nakita na ni Zhao Feng ang mga ito.

Sa oras na iyon ang mga henyo ng Black Cliff Palace ay ginamit lang ang mga ito at nagawa na nilang paslangin ang mga nagmula sa Wind Snow Pavilion.

"Junior, hindi kita agad-agad na papatayin subalit papahirapan kita unti-unti."

Ang babaeng mayroong itim na lotus ay malamig na sinambit ito ng mayroong mukhang kasingputi ng papel.

Ang mga taong ito na hugis multo ay nabuo mula sa Yin Spectres at sa hangin ng kamatayan. Ang bawat isa sa kanila ay mayroong lakas ng mga nasa unang yugto ng True Mystic Rank.

Kaharap ang apat o limang mga multo na ito ay nangangahulugan na kaharap ni Zhao Feng ang katulad na bilang na mga nasa unang yugto ng True Mystic Ranks.

"Ang mga walang kuwentang multo na ito ay naglalakas-loob na atake?"

Si Zhao Feng ay wala talagang takot at sa halip ay naramdaman pa niya ang paglukso ng kaniyang God's Spiritual Eye sa kagalakan nito.

Sirain!

Biglang naglabas ng matingkad na liwanag ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng na parang tumakot sa mga multo at mga demonyo.

"Arghhhh!"

Biglang tumili ang lahat ng mga multong ito na para bang nakapat nila ang kanilang mga matitinding kaaway.

Shush! Shush!

Dalawa sa mga multo sa harap ang nagsimulang umusok, kumalat sila at naging isang alikabok.

Ang mga natitirang multo ay nagsimulang manginig sa takot at hindi na naglakas-loob na lumapit kay Zhao Feng at hindi nila sinunod ang mga utos ng babaeng nasa itim na lotus. Ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay napakamisteryoso at makapangyarihan. Ang mga multong ito ay hindi naglakas-loob na lumapit dito.

"Paano ito nalalabanan ng kaniyang eye bloodline…?"

Sumigaw ang black lotus girl.

Isang tingin pa lamang mula sa God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay nagdulot na upang magsikalat ang mga multong ito.

Ang kalansay na lalaki at ang chainsaw man ay parehas nagulat.

Ang paggamit ni Zhao Feng sa kidlat ay nakaabot na sa high mastery at kapag pinagsama pa ito sa kaniyang Yin Shadow Cloak ito ay puno ng mga ilusyon.

Silang dalawa na pinagsama ay hindi man lang isang banta kay Zhao Feng. Siyemore kung si Zhao Feng ay makikipagsagupaan sa isa sa kanila hindi ito magiging madali at kung makikipagsagupaan siya sa dalawa siya ay malulugi. Mula rito makikita ng isang tao na ang kalansay at ang chainsaw man ay mayroong nakakalulang battle power.

"Ang kalansay na lalaking ito ay napakalakas at ang kaniyang depensa ay makapangyarihan. Sanay siya sa malapitang laban at sa pagpigil sa kalaban at siya ay ang pinakamalakas. Ang chainsaw man ay sanay sa pagsira ng mga depensa ng kalaban at ang babaeng mayroong itim na lotus na taga-suporta ay ang kumukontrol sa mga multo…."

Naintindihan ni Zhao Feng ang layunin ng tatlo.

Hindi niya ginamit ang kaniyang buong lakas kanina at 70% lamang ng kaniyang bloodline ang pinagana niya at wala sa apat na eye techniques ang nagamit.

"Kung ito nga ang nangyayari kaya ko silang tapusin tatlo sa loob lamang tatlong galaw."

Nang makita ni Zhao Feng ang kanilang mga lakas nakita rin niya ang kanilang mga kahinaan.

Sa puntong ito ang sitwasyon ay nagbago.

"Wicked Bone secret technique!"

Sumigaw ang kalansay na lalaki nang mawarak ang kaniyang katawan.

Crack crack cracck!

Ang kaniyang buong anyo ay tumaas ng isa pang yarda at isang maitim na kulay abong hangin ang pumalibot sa kaniya na nakapagpataas ng kaniyang kapangyarihan pati ng kapangyarihan ng kaniyang Qi ng True Spirit.

Ang lakas ng mas matangkad na kalansay na ay halos maikukumpara na sa isang normal na True Lord Rank.

Huala!

Sa ilalim ng sikretong teknik ng Wicked Bone ang mga kadena ng kalansay na lalaki ay nagsimulang masunog ng kulay abong mga apoy.

Boom!

Ang sahig sa ibaba ay nagsimulang mawarak, gumuho at mahulog. Siya pa lamang ay nagdulot na upang mapaatras si Zhao Feng.

"Bata, ang grupo ng Wicked Bone kapag nagsama-sama ay mayroong abilidad upang labanan ang mga nasa True Lord Rank. Dahil ikaw ay naiwan, halatang hindi mo alam kung gaano kataas ang mga Heavens."

Ang lalaking mayroong jagged blade ay nakakapangilabot na ngumiti at dumura ng maraming dugo sa chainsaw.

Wuuuuu~~~~~~~~

Nagsimulang manginig ang jagged edges at lumipad sa ere sa pagtugis nito kay Zhao Feng mula sa malayong distansya.

Kasabay nito.

Ang babaeng mayroong itim na lotus na bahagyang nakaluhod sa sahig ay hinawi ang kaniyang kamay at dalawa hanggang tatlong yardang taas na mga green bronze ghost corpses ay lumabas. Bawat isa sa kanila ay may aura na malapit sa peak True Mystic Rank at mayroong malamig na hangin ng kamatayan na kasama nila.

Bab berikutnya