Sa loob ng kweba.
Nakaupo si Zhao Feng nang magkasalubong ang paa habang nasa tabi niya si Zhao Yufei.
Si Mo Tianyi at ang lalaking naninilaw ang mukha ang siyang bahala na protektahan sila at suriin ang buong sitwasyon.
Miao miao!
Ang munting pusang magnanakaw ay nagpakita habang hawak-hawak nito ang Mystic Snake Blood Whip at nakatayo sa tabi ng kanyang may-ari bilang pinakamalapit na tagabantay nito.
Ang dahilan kung bakit kayang pagkatiwalaan ni Zhao Feng si Mo Tianyi ay dahil kay Zhao Yufei.
Syempre.
Hindi naman talaga iaasa ni Zhao Feng ang buong kaligtasan niya sa iba. Ang dahilan kung bakit hinayaan niyang protektahan siya ni Mo Tianyi ay dahil sa may iba pa naman siyang maaasahan.
"Nalagpasan ko na rin ang pinakamahirap na bahagi para maabot ang True Mystic Rank, ang root of law. Ngayon ang kailangan ko lang gawin ay tipunin at muling ayusin ang Source ng True Spirit ng Water Moon Pirate."
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com