Ang Eye of Death ay isang pinagbabawal na teknik na kumakatawan sa Death kapag ito ay nasanay na hanggang sa huling level.
"Sa oras na makumpleto ko ang Eye of Death, ang lahat ng nasa ilalim ng mata na ito ay mahihigupan ng kaluluwa. Kahit hindi nito napagdedesisyunan kung sino ang mabubuhay, ito ang magdedesisyon kung sino ang mamamatay…"
Ang pagtingin ni Zhao Feng sa mundo ay bumaligtad na naman.
Ang pangunahing punto ng Eye of Death ay ang pagkontrol sa Laws of Death.
Ang Life at ang Death ay napakalawak na mga batas na hindi maaaring makontrol.
Wala pa siyang naririnig na kahit sinong nakaintindi na sa mga batas ng Life at Death na nakakamit ng isang buhay na walang hanggan.
Kahit ang mga Supremes sa Origin Core Realm ay kaya lamang mabuhay ng ilang daang taon. Hindi sila maaaring mamuhay lagpas isang libong taon at hindi nila kayang intindihin ang life at death.
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com