webnovel

Pinakauna sa Great Country (1)

Editor: LiberReverieGroup

Ang kasalukuyang antas ng nasa mataas na entablado para sa ten stars ay ang mga sumusunod:

Una – Prince Jin

Ikalawa – Wang Xiaoguai

Ikatlo – Tian Yunzhi

Ikaapat – Zhao Feng

Ikalima – Liu Qinxin

Ikaanim – Jiang Sanfeng

Ang anim na lugar na ito ay matatag.

Ang mga lugar na nagbabago ay ang huling iilan, lalo na ang nilang na siyam at sampu.

Sa kanan ni Zhao Feng ay si Tian Yunzhi habang si Liu Qinxin naman ay nasa kaniyang kaliwa.

Dahil sa pagdating ni Liu Qinxin, si Zhao Feng ay bahagyang napuwersa at hindi na itinuloy ang 'pagtulog'.

Tahimik na umupo si Liu Qinxin sa kaniyang tabi na walang bakas ng pagsisisi sa kaniya at sa halip, mababakas pa ang tuwa sa kaniyang mukha.

Kahit na tumakas si Zhao Feng sa kasal, sila ay magkasintahan pa rin.

Ang ibig sabihin nito ay mayroon pa rin silang relasyon nang pasukin ang lugar ng kompetisyon.

Kung walang nakakagulat, ang dalawa ay makakahakbang na sa tunay na entablado ng kontinente.

Ang ganoon kapalaran ay puno ng kulay at pagbabago.

Natuwa si Liu Qinxin nang tingnan niy ang katabing youth na may asul na buhok nang may kasiyahan.

Sa mataas na entablado, ang mga mata ni Zhao Feng at Liu Qinxin ay minsanang nagtatagpo. Si Zhao Feng at bahagyang naiilang habang si Liu Qinxin naman ay ngumingiti ngunit hindi nagsasalita.

Si Prince Jin, na nangunguna, ay sumulyap kina Zhao Feng at Liu Qinxin.

Nagulat siya sa ganda ni Liu Qinxin.

"Ang aura ni Liu Qinxin, itsura at talento ay maikukumpara sa isang Empress at pinakamainam na maging asawa. Kung makukuha ko siya bilang aking asawa, kukunin ko ang suporta ng pamilyang Liu ng Flooding Lake at gagawa ng ugnayan mula sa pangunahing pamilyang Liu at kay Empress Qin. Ang pagkakataong maging isang Emperador ay tataas nang malaki."

Tumibok nang mabilis ang puso ni Prince Jin nang halos mawalan na ng kontrol at matawa ang kaniyang bahagyang matabang mukha.

Kapag mas iniisip niya ito, mas naaantig siya.

Una, ang personal na kariktan at itsura ni Liu Qinxin ay kabaligtaran ng kay Empress Qin ngunit maaari siyang maikumpara rito. Dagdag pa rito, nagsanay siya sa Dao of Entertainment at nagustuhan ang katahimikan kaya hindi siya magiging mapaghangad tulad in Empress Qin.

Ikalawa, ang kapangyarihan sa likod ni Liu Qinxin.

Pagkatapos tumaas ni Liu Jiutian sa True Lord Rank, ang pamilyang Liu ng Flooding Lake at naging isa sa mga panig ng mga pamilyang elite.

Pagkatapos maabot ng Flooding Lake City Lord ang True Lord Rank, ang kaniyang pangkalahatang lakas ay malapit na sa kahit sino sa apat na pangunahing pamilya.

Syempre, hindi alam ni Prince Jin na si Empress Qin at Liu Qinxin ay nagkaroon ng problema sa pagitan nila na hindi maaayos.

Gayunman, sa sandaling ito, gumawa siya ng desisyon.

"Zhu Lin."

Tinawag ni Prince Jin ang isa sa sampung kalahok gamit ang kaniyang Spiritual Sense.

"Big Bro Jin, anong kailangan mo?"

Magalang na sinabi ng youth na may lilang damit.

Nag-umpisang mag-usap ang dalawa gamit ang kanilang spiritual sense.

Ang youth na may lilang damit ay isa ring henyo mula sa mga Imperial at siya ay ikaapat sa sampung kalahok, na mas mataas ang antas kaysa kay Bi Jiangqing.

"Mayroon lang dalawang pagkakataon para makipaglaban. Gamitin mo ang isa para kalabanin si Zhao Feng at suriin siya. Kung hindi ako nagkakamali, mayroon kang divine jade na nakakaiwas sa mental energy attack."

Utos ni Prince Jin.

"Walang problema. Kahit na hindi ko matalo ang ungas na ito, malalaman ko naman ang mas maraming sikreto tungkol sa kaniya."

Sabi ng youth na may lilang damit na si Zhu Lin.

Wala siyang mataas na pagkakataon para matalo si Zhao Feng, ngunit ang mapuwersa ang kalabang maisiwalat ang kaniyang lakas ay hindi naman siguro mahirap.

Dagdag pa rito, mayroon pa rin siyang hindi karaniwang soul item para sa proteksyon.

Si Zhu Lin ay tumayo nang may mga matang kasingtalim ng espada: "Zhao Feng, nakapagmana ka ng masamang paraan ng Water Moon Pirate at masama. Nangahas ka pang magyabang sa Capital. Gusto mong magkaroon ng karapatang makapasok sa Sacred True Dragon Gathering? Ngayon, ako'y..."

Xiu—

Bago pa siya matapos sa pagsasalita, si Zhao Feng ay nawala na sa mataas na entablado.

"Anong basura ang sinasabi niya?"

Ang tila multong anyo ni Zhao Feng ay lumitaw sa arena nang may bilog na kidlat.

"Ikaw..."

Si Zhu Lin ay tumigil sa pagsasalita habang pumunta sa arena, labis na nagalit.

Ang dalawa at nagtinginan habang nasa pagitan ng dose dosenang yarda.

Inanunsyo na ng hukom ang umpisa ng laban.

Huminga nang malalim si Zhu Lin at inihanda ang kaniyang sarili para sa eye bloodline attack ni Zhao Feng.

Wuweng~

Ang kaniyang dalawang braso ay nagsama nang bumukas ang kaiyang bloodline power at isang mahinang gintong anino ang lumabas sa kaniyang balat, na nagdahilan para tumaas ang lebel ng kaniyang kalamnan at buto.

"Imperial bloodline!"

Sigaw ng mga nasa ibaba.

Ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay bahagyang limitado nang mapagtantong ang pisikal na katawan ni Zhu Lin at mga katangian nito ay nagsitaasan.

Kung ang orihinal niyang lakas ay isang libong pounds,ngayon ay mayroon na siyang isang libo at anim na daan.

Ang pagtaaas sa mga katangian ay mas mataas.

Kung orihinal niyang kayang tumanggap ng isang libong pound na pinsala, kaya na niyang tumanggap ng isang libo at walong daan ngayon.

Hindi pa kasama rito ang ilang karagdagang kakayahan.

Si Zhao Feng ay bahagyang nag-alala.

Ang Imperial bloodline ni Zhu Lin ay bahagyang mas magaling kaysa kay Zhao Feng sa larangan ng kapangyarihan lumaban at si Prince Jin ay isa sa mga may pinakamalakas na bloodline.

Syempre, hindi ibig sabihin nito na ang bloodline ni Zhao Feng ay mas mahina kaysa sa kanila. Ang ilang mga bloodline ay mayroong sariling forte at hindi nakakataas ng kapangyarihang lumaban gaya ng kay Zhao Yufei.

Ang kaibuturan ni Zhao Feng ay ang God's Spiritual Eye at ang kaniyang bloodline ay ginawa ng God's Spiritual Eye.

"Ungas, kung hindi ka pa kikilos, mawawalan ka ng pagkakataon.

Si Zhu Lin ay nanloko. Masyadong katangahan para sa kalaban na hayaan siyang buksan ang kaniyang bloodline.

Sa kalagayang ito, mayroon rin siyang pagkakataong talunin ang mga nasa late stages ng True Human Rank.

Ice Soul Eye!

Binuksan ni Zhao Feng ang kaniyang God's Spiritual Eye, na tila isang walang hanggang nagyeyelong lawa.

Si Zhu Lin ay suminok habang ang lamig ay dumaloy sa kaniyang kaluluwa at puso.

Weng~

Sa mahalagang sandali, isang puting jade sa kaniyang baywang ang nagliwanag.

Ngunit kahit na ganoon, ang mga kaisipan ni Zhu Lin ay napahina nang 20 porsyento lang.

Ang kalamigan sa dimensyon ng mental energy ay mabilis na humaba.

Sa ilalim ng isang hininga, nagyelo ang kaniyang puso.

Mula sa tingin ng iba, si Zhu Lin ay tila isang tangang matandang lalaki na ang mga kilos at ekspresyon at mabagal. Ang kaniyang anyo ay nanginig nang bahagya at ang kaniyang mga mata ay napuno ng takot at kawalang pag-asa.

Bam!

Mabagal na naglakad si Zhao Feng at umalis na.

Sa ilalim ng mga tingin ng mga tao, si Zhu Lin ay napatalsik sa arena.

Bago pa sabihin ng hukom ang resulta, si Zhao Feng ay nawala sa arena at bumalik na sa ikaapat na upuan.

Wag!

Dumura ng dugo si Zhu Lin at ang kaniyang kaisipan ay mabagal pa rin: "Paano ito naging posible... ni hindi ko siya natignan ng isang beses."

Hua!

Nagkagulo ang mga tao.

"Si Zhu Lin walang laban kahit gamit ang lahat ng kaniyang lakas at bloodline power."

Ang mukha ni Prince Jin ay seryoso.

Ang paglaban ni Zhu Lin ay mas pinasikat si Zhao Feng.

Sa sampung naunang nakuhang lugar, si Tian Yunzhi at Zhao Feng ay parehong tinapos ang kanilang kalaban sa isang galaw.

Ang kaibahan lang ay si Tian Yunzhi ay bumuo ng blade intent na mas malakas kaysa dati at pinigilan ang kaniyang kalaban nang may tiyak na puwersa.

Ang mga kalaban ni Zhao Feng ay walang kalaban-laban.

Sa una at ikalawang bilang naman, si Prince Jin at Wang Xiaoguai, walang nangahas na kalabanin sila.

Ang dahilan kung bakit si Tian Yunzhi ay kinalaban ay dahil inisip ng isang henyong siguro ang kaniyang blade intent ay may pinsala pa rin at kaya niyang manalo.

Ang kompetisyon ay nakarating na sa last stages at ang sampung lugar at napagdesisyunan na.

Ang unang anim ay hindi nagbago: Prince Jin, Wang Xiaoguai, Tian Yunzhi, Zhao Feng, Liu Qinxin, at Jiang Sanfeng.

Sa huling apat, ang tatlo sa kanila ay bago.

Dapat na italang si Zhu Lin at Bi Jiangqing na kinalaban si Zhao Feng at parehong 'pumalya'.

Ang dalawa ay inatake ng Ice Soul Eye ni Zhao Feng at pinagyelo sa dimensyon ng mental energy. Kahit na maaaring nahilom na ng spiritual pill at mga doktor, sa loob ng maiksing oras at hindi pa ito lubos na naghilom.

Ang mga epekto nito ay ang kanilang mga ekspresyong mas mabagal kaysa sa iba at halatang walang pag-asang makakuha ng lugar.

Si Zhu Lin at Bi Jiangqing ay puno ng pagsisisi.

Ang dalawa ay parehong tinago ang ilan sa kanilang lakas sa kompetisyon at nagkaroon ng pagkakataong makapasok sa Sacred True Dragon Gathering ngunit dahil pareho nilang kinalaban si Zhao Feng, nawalan na sila ng pagkakataong makapasok.

"Zhu Lin, babayaran kita kapag may pagkakataon na ako."

Inalo si Prince Jin si Zhu Lin.

Hindi niya rin inasahang mangyayari ito.

Sinong makakaisip na ang Ice Soul Eye ni Zhao Feng ay labis na nakakasira, pinagyeyelo ang mental energy at nag-iiwan ng mga sugat?

Ang pinakamalaking pagkakaiba sa pagitan ng Ice Soul Eye at Eye of Illusion at isang mental energy attack ang una habang ang huli naman ay isang mental energy illusion.

"Kung ang aking Ice Soul Eye ay sapat nang makapangyarihan, kaya nitong pagyeluhin ang kamalayan ng kalaban at puwersahin ang kalabang matulog nang walang hanggan."

Nararamdaman ni Zhao Feng kung gaanong nakakasindak ang pagguho ng Ice Soul Eye.

Sa sandaling ito, ang sampung lugar para sa Canopy Great Country ay nakumpirma na.

Ipinikit muli ni Zhao Feng ang kaniyang mga mata at nagsimulang ituon ang pansin sa pag-intindi.

Hindi niya alam na ang mga labanan ay hindi pa natatapos.

Sa sandaling itom ang Emperador ng Canopy Great Country at tumayo at sinabi sa mababang tono: "Ayon sa tradisyon, ang Canopy Great Country ay palaging pipili ng pinuno ng sampu. Ang pinunong ito ay dapat na pinakamalakas at nakatayo sa tuktok ng parehong henerasyon."

Ang pinuno ang kumakatawan sa pinakamalakas na henyo at karangalan ng Canopy Great Country.

Nang iwan nila ang bansa, ang pinuno ay kumatawan sa buong Canopy Great Country.

Sa madaling salita, sunod nilang paglalabanan ang pinakauna sa Great Country.

"Ang pinakauna ay pansamantalang si Prince Jin. Kung may hindi sang-ayon na kahit sino, maaari nila siyang kalabanin."

Ang Emperador ng Canopy Great Country ay may maliwanag na ngiti.

Si Prince Jin ang kaniyang anak, na may pinakamalakas na bloodline at may tiwala siya rito.

Sa larangan ng cultivation, si Prince Jin ay nakaabot na sa peak stages ng True Human Rank at mas mataas sa mga naritong mga prodigy.

Sa laragan ng bloodline, siya ang may pinakamalakas.

Gayunaman, pagkatapos magsalita ng Canopy Great Country Emperor, napuno ng battle intent si Wang Xiaoguai at Tian Yunzhi.

"Zazazaza, ang pinakauna ang akin!"

Si Wang Xiaoguai ay may hawak na ginto at pilak na patpat at siya ay lumitaw sa arena habang tumatalon.

Ang mga tao ay hindi maiwasang magulat, ngunit wala sa kanila ang nangahas na maliitin ang lakas ni Wang Xiaoguai.

Makikita ito sa kung paanong may nangahas na kalabanin siya at si Prince Jin.

Matagal na tumawa si Prince Jin at tulad ng gintong rok, at lumipad sa entablado.

Peng!

Ang arena ay bahagyang nanginig. Mahirap isipin kung gaano kalakas si Prince Jin sa pisikal na aspeto.

Dong!

Si Wang Xiaoguai ay hindi mukhang mahina at inihampas niya ang kaniyang patpat sa arena, na nagpanginig dito.

Ang kaiyang katawan ay tila walang kalamnan, ngunit sa halip ay mukha itong metal o bato.

"Hmm? Ancient bloodline?"

Si Zhao Feng ay nagising nang ang malabong asul na bloodling sa kaniyang loob ay bahagyang nanginig at nakaramdam ng bahagyang puwersa.

Bab berikutnya