Sa kaniyang daan pabalik, narating atnahawakan ni Zhao Feng ang Water Moon God Peach Fan habang nakaupo sa kaniyang balikat ang munting pusang magnanakaw, na ipinagmamalaki ang pagiging malaking tulong nito.
"Chapter Leader, ngayong parehong nasa iyo na ang Three Flowered Treasured Lotus at Water Moon God Peach Fan, siguradong wala nang makakatapat sa iyo sa mga katulad mo ng lebel ng cultivation. Maaari mo pang matapatan ang mga normal na True Mystic Rank na cultivator.
Si Die Ye ay ngumiti at binati siya.
Sa mga Water Moon Four Treasures, ang Water Moon God Peach Fan ay mas ginawang katangi-tangi para sa pag-atake at ang Three Flowered Treasured Lotus para sa depensa.
Ang mga kakayahang umatake at dumepensa ay ang pinakagandang kombinasyon.
Wala ring nakakaalam na minana rin ni Zhao Feng ang Mystic Flower Treasured Bible.
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com