webnovel

Auction (3)

Editor: LiberReverieGroup

Sa isang bandehado ay mayroong isang mahabang ispada na kulay dugo at may mga ancient scriptures na nakaukit rito. Tila ba nakakalat ang dugo sa buong bahagi ng sandata.

Nang ipukol ng mga eksperto sa True Human Rank ang kanilang mga mata rito, ang kanilang mga puso ay nanginig mula sa aura ng dugo rito.

"Karumaldumal naman ang aura niyan!"

Ang Spiritual Sense ng mga True Human Rank na eksperto ay hindi na sumubok pang lumapit.

Mula sa aura nito, mukhan ang ispadang ito ay malapit na sa High Tier Spiritual Grade.

"Ito ang sikat na Blood Moon Devouring Spirit Sword noong namumuno pa ang Scarlet Moon Religion. Kahit hindi man ito nakaabot sa pagiging High Tier Spiritual Grade, kaya nitong nakawin ang dugo ng mga nabubuhay na bagay para muling lagyan ng dugo ang esensiya ng may-ari nito. Kung ang kantidad at kalidad ng mga nabubuhay na bagay ay mapapatay nito at makakaabot ng isang tiyak na antas, ang lakas ng ispadang ito ay magiging katulad ng isang High Tier Spiritual Grade."

Pagpapaliwanang ng matandang nakaroba.

Ang kanyang mga mata ay nakatingin sa Blood Moon Devouring Spirit Sword nang may pagnanasa. "Masasabing ito ay isang perpektong gawa. Kaya nitong pataasin ang kakayahan ng gumagamit dahil sa vampire abilities nito. Sa madaling salita, hindi ito ganoon kahirap gamitin pero may lakas ito ng isang High Tier Weapon."

Nang maitanghal na sa lahat ang kasaysayan ng ispadang ito, muli na namang nagliyab sa auction. Kahit ang mga nasa True Lord Rank ay hindi kayang pigilan ang kanilang kasiyahan.

"Ano ito? Nang makuha ang ispadang iyan, sira sira ito at nasa Low Tier lamang. Kailan pa ito naging kumpleto?"

Nagulantang nang sobra si Zhao Feng.

Tama iyon, ang Blood Moon Devouring Spirit Sword na ito ay ang nakuha niya mula sa Blood Corpse Protector na siyang binigay niya sa Clan para sa kakarampot na rewards o pabuya.

Para naman sa mga tanong na bakit at kung paano napunta ang Blood Moon Devouring Spirit Sword dito, walang alam si Zhao Feng.

Ang pinakamadaling solusyon ay nahanap nila ang kalahati pang parte ng ispada at isang blacksmith master ang tumulong para magawa ito.

"Blood Moon Devouring Spirit Sword. Paano iyan nakarating rito? Ano ang nangyari sa Broken Moon Clan at sa Thirteen Countries?"

Hindi mapigilan ni Zhao Feng na mag-alala.

Mayroon siyang pakagusto at pagkahilig sa Broken Moon Clan na sakop ng kanyang tahanang bansa.

"Ang panimulang presyo ng Blood Moon Devouring Spirit Sword" ay 6,000,000. Bawat pagtaas nito ay dapat nassa kalahating milyon.

Anunsyo ng matandang nakaroba.

Ang anim na milyon bilang panimulang presyo ay ang pinakamahal mula sa mga aytems na ipinakita.

Dapat lamang malaman na ang mga normal na Mid Tier Spiritual Grade Items ay nasa 3-4 milyon lamang.

Subalit, ang Blood Moon Devouring Spirit Sword ay gumagamit lamang ng enerhiya na katumbas ng isang Mid-Tier Item pero kaya nitong maglabas ng kapangyarihan na kagaya ng High Tier Items kung kaya hindi ito masusukat sa normal na paraan.

"Ang Blood Moon Devouring Spirit Sword" ay maikukumpara sa iyong Three Flowered Treasured Lotus at nagkakahalag ng halos 10-20 milyong primal crystal stones."

Tumawa si Heiyun Master nang sabihin ito.

Tumango si Zhao Feng at inabangan kung gaano kataas ang magiging halaga ng Blood Moon Devouring Spirit Sword kumpara sa kanyang Three Flowered Treasured Lotus.

"8,000,000!"

"Walo at kalahating milyon!"

"10,000,000!"

Agad namang nagbid ang mga eksperto para rito.

Ang Iron Blood Religion, Wind Cloud Sect, Four Major Families, at kahit ang mga Imperials ay sumali rin sa auction na ito.

Ang presyo ng Blood Moon Devouring Spirit Sword ay agad na nakaabot ng sampung milyon. Sa ganitong presyo, makakabili na agad ang isang tao ng dalawang Mid Tier Weapons.

Ang mga normal na Low Tier Spiritual Grade Items ay nagkakahalaga ng sampu-sampung libo. Tanging ang mga pinakamahusay lamang ang nararapat para sa milyong halaga.

Ang presyo ng Mid Tier Spiritual Grade Items ay sampung beses ang halaga rito samantalang ang mga High Tier Spiritual Grade Items ay ganoon rin.

Ang mga Items na may High Tier Spiritual Grade ay sobrang bihira sa Northern Continent.

Mula sa Water Moon Four Treasures, ang Water Moon God Peach Fan ay nalalapit sa halaga ng High Tier samantalang ang Three Flowered Treasured Lotus ay may halaga lamang ng isang normal na High Tier Spiritual Grade Item.

Ang Blood Moon Devouring Spirit Sword ay hindi umabot sa High Tier Spiritual Grade, pero agad nitong nalagpasan ang sampung milyong halaga.

"16 milyon."

"17 milyon."

"20 milyon!"

Pagkatapos makaabot ng 20 milyon, ang karamihan sa mga kalaban ay sumuko na.

Ang ikatlong stand ay pagmamay-ari ng Imperials.

"Sabagay, isa lang namang Mid Tier Weapon ito at lumalakas lamang ang kapangyarihan nito nang sandali pagkatapos mong makapatay."

"Ang sandatang ito ay magagamit lamang ng mga nagsasanay sa Path of Demons and Slaughtering. Tipirin muna natin ang ating pera at bilhin ang Demon Slaughterer Blade sa hinaharap."

"Tama iyan, ang Demon Slaughterer Blade ay nasa High Tier at ang lakas nito ay nasa mataas na klase habang kaya rin nitong labanan ang mga nasa Path of Demons and Ghosts. Nababagay talaga ito para sa salinlahi ng mga Imperials."

Ang mga tao mula sa Imperials ay sinukuan na ang Blood Moon Devouring Spirit Sword.

Sa wakas.

Ang Blood Moon Devouring Spirit Sword ay nabili na rin ng Iron Blood Religion sa halagang 22,000,000.

"Hindi ko akalain na ang isang ispada na dating sira ay mabebenta sa ganyang halaga pagkatapos maayos."

Hindi mapigilan ni Zhao Feng na mapabuntong hininga.

Subalit, hindi naman kakaiba na makita ang mga presyo ng aytems na tumataas ng sampung beses pagkatapos nitong umakyat ng tier.

Hindi niya tuloy mapigilang mag-isip tungkol sa kanyang Five Elemental Piercing Crystal.

Ang Five Elemental Piercing Crystal ay isang kakaibang materyal na kayang pataasin ang isang Low Tier Spiritual Grade Item ng kalahating tier at kapag ginamit ito para sa iba, kaya nitong pataasin ang rank ng isang item ng isang buong tier.

"Five Elemental Primal Crystal. Kaya nitong pataasin ang kapangyarihan ng bawat sandata at kapag ginamit ito kasama ng Five Elemental Piercing Crystal, kaya nitong pataasin ng isang buong lebel ang isang aytem na nasa Low Tier."

Wika ng elder na nakaroba.

Five Elemental Primal Crystal.

Nagningning ang mga mata ni Zhao Feng; ito na talaga ang hinihintay niya.

Ang Five Elemental Piercing Crystal ay pinapataas ang sharpness, permeation at hardness ng isang aytem samantalang ang Five Elemental Primal Crystal ay pinapataas naman ang destruction at damage ng isang gamit.

"Ang bilang ng Five Elemental Primal Crystal ay kakaunti lamang at karamihan sa kanila ay nas Low Tier pa, pero kaya pa rin nitong pataasin ang kapangyarihan ng halos lahat ng mga sandata. Mataas ang demand para rito, pero mababa lamang ang suplay."

Dagdag ng elder na nakaroba.

Mula sa kanyang mga salita, makikita ng isang tao na parehong ang Five Elemental Primal Crystal at Five Elemental Piercing Crystals ay kakaiba at bibihira lamang.

Kung hindi iisipin ang dalawa, kahit ang pagkuha pa lamang ng isa ay napakahirap na.

"Ang panimulang presyo ngFive Elemental Primal Crystal ay 800,000. Ang bawat pagtaas ay dapat nasa pagitan ng 50,000 pataas."

Muling dagdag ng matanda.

Ang isang panimulang presyo na 800,000 ay hindi mataas para sa isang aytem na kayang pataasin ang Low Tier Spiritual Grade Item ng kalahating tier.

"900,000."

"Isang milyon."

Napakarami ang lumalaban para dito, karamihan sa kanila ay nasa True Human at True Mystic Rank.

Mula sa mga malalakas na pwersa, isa sa mga four major families, ang Bi Family ay nakisali rin ganoon ang Iron Blood Religion.

Pagkatapos umabot ng 2 milyon, sumuko na rin ang Bi Family.

Pagkatapos ng lahat, ang isang Mid Tier Spiritual Grade Weapon ay nagkakahalaga lamang ng ilang milyon.

"2,300,000."

Sumubok lamang si Zhao Feng.

Ang pinakakalaban sa ngayon ay ang Iron Blood Religion.

Hmm?

Maraming mga tao ang napatingin sa ikalimampung stand.

Lahat ng ibang stands ay sumali na sa bidding sa mga nakaraang aytems pero tanging ang ikalimampung stand lamang ang tahimik at mukhang walang tao.

"Hmph, sino naman ang siaraulong ito na sinusubukang labanan ang Iron Blood Religion?"

Karamihan sa tao ay may mapanghamak na itsura pero ang kakaibang bagay ay pagkatapos ni Zhao Feng na gawin iyon ay sumuko na rin ang Iron Blood Religion.

Nakaramdam ng kakaiba ang elder na nasa harap ng sabihin niya kung sino ang nakakuha ng Five Elemental Primal Crystal.

"Hehe, sutil, andito ka rin pala?"

Isang boses ang biglaang narinig sa isip ni Zhao Feng na siyang nagdulot sa kanya na mapatalon sa takot.

"Ikaw pala iyan… Lord Tiemo."

Nagpakawala ng hininga si Zhao Feng nang makilala niya ang boses ng may-ari.

Hindi niya naisip na ang panramdam ni Tiemo ay napakalakas na kaya nitong makatagos sa mga protective arrays ng Esteemed Guest Stands.

Ang 4th Stand.

Isang lalaking may kulay dugong buhok ang nakangiti.

"Deputy Patriarch, mukhang binibigyan mo talaga ng malaking importansya si Zhao Feng."

Ang elder na nakatayo sa tabi niya ay ang Protector na nagbigay kay Zhao Feng ng balita noon.

"Ang bloodline power ng kanyang mata ay higit na kakaiba at puno ng potensyal. Bukod pa roon, minsan niya na rin akong tinulungan dati."

Bahagyang ngumiti ang lalaking kulay dugo ang buhok.

Nanlumo ang mga mukha ng karamihan nang makita nilang nakuha agad ng ikalimampung stand ang gusto nila nang hindi lumalaban ang Deputy Patriarch ng Iron Blood Religion.

Natanggap na rin ni Zhao Feng mamaya-maya ang Five Elemental Primal Crystal at naisip niya sa kanyang puso, "Gamit ang Five Elemental Primal Crystal at ang Five Elemental Piercing Crystal, pwede ko nang i-upgrade ang kahit anong aytem na gusto ko."

Nagpatuloy na ang auction at ang mga aytems ay maaaring mas mababa ang kalidad o kaya mas mataas kaysa sa mga nauna.

Sa ganitong pagkakataon, nagdala ng ilang mga iskrip si Heiyun Master ng mga Ancient Inheritances o mga Antiques.

Ang tanging bagay lamang na ikinalulungkot ni Zhao Feng ay sapagkat ang kanyang God's Spiritual Eye ay walang nakitang kahit anong butas na pwede niyang gawing oportunidad.

Ang mga Treasurer Inspectors ay maabilidad at hindi nakagagawa ng pagkakamali sa pagbebenta ng mga kakaibang aytems nang mura. Bukod pa roon, ang mga aytems na sobrang baba ng halaga ay hindi pwedeng i-auction dito.

"Sunod ay may kakaibang aytem tayo na tinatawag na Foretelling Ancient Coin na nagmula sa Heaven's Legacy Inheritance."

Itinaas ng elder ang kanyang kamay at ang binibining nasa True Human Rank na katabi niya ay ipinakita ang isang sira-sirang lumang barya.

Miao miao! Ang munting pusang magnanakaw sa Spiritual Pet Bag ay agad na nagsimulang gumalaw at lumabas pero walang ekspresyon si Zhao Feng nang ibalik niya ito sa loob.

Pagkatapos ng kaunting diskusyon, pumayag na si Zhao Feng na bilhin ang baryang ito basta ang presyo nito ay hindi hihigit sa isang milyong primal crystal stones.

Tumango ang pusa nang walang tigil.

Sa ilalim ng mga normal na sitwasyon, ang Foretelling Ancient Coin ay hindi ganoon kataas ang presyo.

"Ang Foretelling Ancient Coin ay may panimulang presyo na 400,000. Bawat bid nito ay dapat nasa 30,000 pataas. "

Anunsyo ng elder na nakaroba.

"450,000."

"480,000."

Hindi ganoon karaming tao ang nagbibigay atensyon sa baryang ito.

Sa wakas.

Tanging ang Tian Family, Imperials at ang isang elder na lamang ang nakikisali.

"800,000."

Biglang tinaas ni Zhao Feng ang presyo sa 800,000.

Natigil muna ang auction bago sumuko ang Tian Family.

Nagpukol muna ng tingin ang elder sa ikalimampung stand bago bumuntong hininga.

Ngayon, tanging si Zhao Feng at ang Imperials na lamang ang naglalaban.

"Empress, nairnig kong naunawaan mo na ang Dao of Life. Mukha ngang totoo ang sinasabi mo."

Isang anyo na nasa True Mystic Rank ang bahagyang ngumiti.

"Ang Foretelling Ancient Coin na ito ay nagmumula sa Heavens Legacy Inheritance at kakaunti lamang ang mayroon nito. Mataas rin ang collective value nito. Para naman sa Dao of Life, kaunti lamang ang alam ko rito."

Isang mapang-akit na boses ang umalingawngaw.

"Isang milyon."

Isang boses na kasing-init ng tubig ang nagpalambot sa puso ng lahat.

Sa pagkakataong iyon, ang buong auction ay natahimik.

Maraming mga tao ang naakit sa boses nito at hindi mapigilang matulala.

"Qin… Empress Qin…"

Lahat ng mga eksperto sa True Spirit Realm ay napahinga nang malalim.

Bab berikutnya