Ang Water Moon Cave ay patuloy na nagyayanig, sa sandaling ito, totoo n ito. Ang lihim na kweba ay maaring lumubog sa ilog at ang tanging daan lamang palabas ay ang berdeng pintuan.
"Mauna na kayong lumabas." Si Zhao Feng na pinaka malapit sa daan palabas ay pinauna sina Heiyun Master at Bi Qiaoyu.
Matapos ito, hinarangan niya ang daan gamit ang Three Flowered Treasured Lotus.
"Zhao Feng, anong gusto mong gawin?" Nagbago ang ekspresyon nina Master Bi at Severed Blood Bald Eagle.
Ngayon na natanggap na ni Zhao Feng ang Source of True Spirit mula sa Water Moon Pirate, ang kanyang lakas ay siguradong tumaas. Kung nais niya talagang harangan ang daan palabas, maari niyang gamitin ang God's Spiritual Eye at Three Flowered Treasured Lotus upang mapanatili ang iba.
Ang galaw na ito ay masyadong nakamamatay. Maging ang sandaling bago siya umalis, nasa kanya pa rin ang kontrol.
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com