Napabuntong-hininga si Zhao Feng - ito ang kanyang unang beses na makarating dito at hindi siya pamilyar sa mga lugar. Kaya ang tanging magagawa niya lamang ay iiwan ang Azure Sharp Swallow sa labas.
Napadesisyunan niyang iwan ang Azure Sharp Swallow sa gitna ng himpapawid at bantayan ito gamit ang kanyang God's Spiritual Eye.
Sa oras na ito ay nagsalita si Uncle Liu, "Ayon sa tuntunin ng bawat bayan, ang mga Beast Tamers ay pinapayagang dalhin ang kanilang mga pets sa loob ng city."
Sa anumang mundo, kahit gaano pa ito ka-strikto, may iilang tao pa rin ang mayroong ng espesyal na authoridad.
Halimbawa, kung ang isang tao ay narating na ang True Lord rank, kung gugustuhin nila lakbayin ang buong bayan gamit ang kanilang pets, walang makakapigil sa kanila. Ang tuntunin sa mga bayan ay balewala sa kanila.
Ang mga Beast Tamers ay isang espesyal na grupo ng mga tao dahil sila ay lubhang kaunti lamang sa Canopy Great Country.
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com