webnovel

Isang Kahig, Isang Tuka

Editor: LiberReverieGroup

Sa gitna ng Concealed Dragon River.

Ang mga Elders ng Twelve Clans ay sumuko nang mapait at kaawa-awang tinakpan nila ang kanilang mga mukha.

Mayroong isang binatilyong nagpapaikot-ikot sa himpapawid. May hawak itong metal na pamaypay at saka may matalim at malamig na mga mata. Ang pinaka kakaiba sa taong ito ay ang layer ng metal na halos sumama na sa kanyang balat, kahit na ang kanyang damit at buhok ay mukha na ring gawa sa metal.

Ang malamig at mala-metal na aura ay naramdaman sa mga lugar na malapit dito, at mukhang itong nagyeyelo - kahit na isang ihip ng hangin ay hindi mararamdaman doon.

"Tiexiao True Lord, ang Twelve Clans ay sumuko na at willing na paglingkuran ang malakas na bansa ng Iron Dragon. Papatayin mo pa rin ba kaming lahat?"

Pinigilan ng Grand Elder ng Cloud Sword Clan ang kanyang nang punasan niya ang kanyang bibig na puno ng dugo.

Isang sword cultivator ng True Mystic Rank ang umatake sa katawan ng Tiexiao True Lord, ngunit ito ay hindi manlang nasagutan. Sa halip ay siya pa ang tinamaan ng isang tumalbog pabalik na pwersa.

Lahat ng elders ng Twelve Clans ay nagagalit, subalit, hindi nila magawang gumanti o kahit magpakita man lang ng pag-aaklas.

Ang realm ng True Lord ay masyadong mataas para sa kanila.

Napabuntong-hininga ang First Elder ng Broken Moon Clan, "Dati, ang Iron Dragon Country at and Sky Rich Country ay mayroon lamang isang eksperto na nasa True Lord Rank, at ito ay naging balanse. Subalit ngayon, ang Iron Dragon Country ay mayroon pa palang isang True Lord Rank expert, dahil dito ay mabilis nilang nabago ang sitwasyon.

Ang pagsilang ng isang True Lord Rank expert ay lubhang nakaapekto sa sitwasyon ng buong paligid.

Sila ay nasa pinakataas, at bawat salita o galawa nila ay kayang maka-impluwensya sa buhay ng daan-daang milyong tao.

Nagpaikot-ikot sa himpapawid si Tiexiao True Lord ngunit siya ay nanatiling tahimik.

Ang misteryosong itim na figure mula sa Iron Dragon Country ay kumuha ng isang blankong scroll na ilang yarda ang haba.

"Ito ay isang Blood Pact Scroll. Lahat ng cultivators na nasa True Spirit Realm na narito ay kinakailangang pumirma rito.

Sabi ng misteryosong itim na figure.

Ang walang-awang pagpatay sa Twelve Clans ay walang magandang maidudulot sa Iron Dragon Country. Bukod pa rito, ang pagpaslang sa lahat ng miyembro ng Twelve Clans ay hindi magiging madali.

Ang pinaka mainam na solusyon ay gawin silang alipin.

Ang mga elders ng Twelve Clans ay napatingin sa isa't isa - kaawa-awang sitwasyon ang makikita sa kanilang mga mata.

Ang Blood Pact Scroll ay katulad isang liham ng pagsuko ngunit ito ay may mas matinding epekto. Kapag sila ay pumirma sa scroll na ito, sila ay magiging alipin.

Matapos ang ilang sandali.

Ang higher echelons ng Twelve Clans ay isa-isang pumirma sa Blood Pact Scroll.

Tungkol naman sa Ancient Shrine, sila ay orihinal na isang Sub-Division ng Scarlet Moon Demonic Religion at nasa panig ng Iron Dragon Country. Hindi nila kinakailangang magparticipate.

Qiu-----

Si Tiexiao True Lord na nagpapaikot-ikot sa himpapawid ay naging isang malabo at mabilis na figure na sumama alapaap.

Ang True Lord ay hindi manlang inabot ng isang oras at hindi rin kinailangang gumawa ng kahit na anong galaw ngunit nabaligtad niya ang sitwasyon.

Ang pagsuko Twelve Clans ay naging isang malaking balita na kumalat sa Thirteen Countries.

Ang mga eksperto ng Iron Dragon Country ay pumasok sa Twelve Clans at ang high echelons ng bawat Clan ay nagsimulang magbago.

Isa sa mga clan na ito ay ang Broken Moon Clan.

Si Hai Yun Master ang naging Broken Moon Clan Master at naging representative ng malakas na bansa ng Iron Dragon.

Dahil sa katotohanang nawala ang isang braso ng First Elder sa digmaan at ang kanyang source ng True Spirit ay nasunog, ito ay naging dahilan ng pagbaba ng kanyang cultivation, siya naging low-key.

Si Hai Yun Master, na nakuha ang tiwala ng malakas na bansa ng Iron Dragon at may suporta mula sa Regulations Elder, ay kalaunang naging pinaka makapangyarihang tao.

Matapos ito maging Clan Master, Si Hai Yun Master ay nagbigay ng isang kautusan: Patayin ang traydor na si Zhao Feng.

"Sinuway ni Zhao Feng ang patakaran ng Clan, binastos ang mga Elders, at tumakbo papalayo. Kung mahuli nang buhay, dalhin siya sa clan. Kung siya ay manlaban, patayin niyo siya."

Ang walang-awang boses ni Hai Yun Master ay umalingaw-ngaw sa hall.

Ang kautusan ito ay kalaunang nalaman ng lahat.

Ang clan ay nag-alok rin ng malaking pabuya kung mapapatay o mahuhuli si Zhao Feng.

Kahit na ang pagbibigay ng trace ni Zhao Feng ay may pabuyang 10,000 low-grade Primal Crystal Stones. Ito ay hindi basta-basta kahit na sa mga ekspresto na nasa True Human Rank.

Para sa pagdakip or pagpatay kay Zhao Feng, ang pabuya ay sampung beses na mas mataas.

Ang First Elder at si Granny Liuyue ay naging low-key at tahimik sa lahat ng nangyayari sa Clan. Dahil hindi makakita si Hai Yun Master ng butas sa kanila at hindi siya siguradong na kaya niyang mapatumba sila, hindi siya gumawa ng kahit na anong bagay.

Sa oras na ito, ang puso ng bawat isa mula sa Broken Moon Clan ay nanginig ngunit si Hai Yun Master ay masyadong skilled. Nagbigay siya ng gantimpala at patas na pinarusahan ang iba, naging dahilan upang makuha niya ang loob ng ibang tao.

Sky Cloud Forest, Misty Area.

Iniintindi ni Zhao Feng ang mental energy techniques at sinusubukang tunawin ang Ghost Mark.

"Habang nananatili sa akin ang Ghost Mark, ako ay nasa peligro. Kung ang misteryosong skeleton na iyon ay manumbalik sa kanyang pinakamalakas na estado…"

Inisip ni Zhao Feng lahat ng mental energy techniques sa kanyang isipan ngunit wala itong maisip na solusyon.

Isang buwan na ang nakalilipas simula nang mapagtibay niya ang kanyang cultivation.

Tumaas ang mastery ni Zhao feng sa kanyang mental energy at nagsimulang maintindihan nang kaunti ang Ghost Mark.

"Ang Ghost Mark ay katulad ng misteryosong kapangyarihan sa Cures of a Hundred Graves pero ang Ghost Mark ay walang offensive attributes. Nag-iiwan lamang ito ng marka sa akin, kaya naman ay hindi ito nilalabanan ng God's Spiritual Eye.

Mayroong naintindihan si Zhao Feng.

Mayroon siyang ibang plano at iyon ay gamitin ang kapangyarihan ng Curse of a Hundred Graves upang mawala ang Ghost Mark.

Gayunpaman, ang Curse of a Hundred Graves ay lubhang delikado, kaya kailangang maging maingat ni Zhao Feng.

Matapos ang kalahating araw.

Muling pumasok si Zhao Feng sa Curse of a Hundred Graves at ang malamig at invisible na pwersa ay sinubukang pumasok sa kanyang katawan. Gayunpaman, ang pwersang ito ay pinigilan ng God's Spiritual Eye.

Miao miao!

Tinawag ni Zhao Feng ang munting pusang magnanakaw upang ipakalkula ang kanilang kapalaran.

Tumango ang munting pusang magnanakaw at naglabas ng isang coin habang ito ay may masayang mukha, pinaltik nito ang coin sa hangin at sinalo gamit ang kanyang paa.

Matapos saluhin ang coin, tumaas ang kilay ng munting pusang magnanakaw. Minsan ay tumatango ito at minsan naman ay umiiling.

Ang koneksyon sa pagitan ni Zhao Feng at ng munting pusang magnanakaw ay napaka espesyal, kaya naman alam niyang malabo ang nakikitang kapalaran ng pusa. Kahit ang munting pusang magnanakaw ay hindi makapagbigay ng eksaktong sagot.

"Kailangan nating subukan."

Hindi nakikita ni Zhao Feng at ng munting pusang magnanakaw ang kapalaran ng kamatayan.

Siyempre, ito ay nagpapakita na ang prediction skills ng munting pusang magnanakaw ay gumagana pa rin.

Umupo si Zhao Feng at ginamit ang God's Spiritual Eye upang maramdaman ang Ghost Mark.

Sa parehong oras, pinadaloy niya ang kanyang bloodline power at isanama ito sa azure blood sa dimensyon ng kanyang kaliwang mata upang maharang ito.

Sa oras na naharang na ang azure abyss, ang mga mata ni Zhao Feng ay bumalik na sa orihinal na itim na kulay.

Ibig sabihin nito ay isinasarado ni Zhao Feng ang kapangyarihan ng God's Spiritual Eye.

Tulad ng inaasahan.

Nang maharang na ito, ang kapangyarihan ng sumpa ay gumapang mula sa likuran ni Zhao Feng.

Sa huli ay sininok ito nang pinadaloy niya ang bloodline power upang hindi maharang ang lahat ng azure abyss.

Pero kahit na ganoon, mayroong kakaunting bahagi ng sumpa ang nakarating sa katawan ni Zhao Feng.

Ang katawan ni Zhao Feng ay naging sobrang lamig. Tila may hindi mabilang na mga kamay na basa sa dugo ang humahawak sa kanyang mga organs.

Sa kritikal na sitwasyong ito, pinadaloy ni Zhao Feng ang kanyang mental energy at sinadyang atakihin ang sumpa.

Tila ang sumpa ay mayroong isip kaya nagagawa nito pumasok sa kahinaan ng target, tulad ng pagpasok ng tubig sa isang butas.

Ang pinakitang kahinaan ni Zhao Feng ay ang lokasyon kung nasaan ang Ghost Mark.

Teng Teng Teng!

Isang kakaibang tunog ang umalingaw-ngaw.

Kung mabubuksan ni Zhao Feng ang kanyang God's Spiritual Eye, makikita niya ang maraming kamay na umaabot sa kanyang katawan.

Kung hindi dahil sa kakaunting parte ng God's Spiritual Eye na gumagana, marahil ay matagal nang napunit ang katawan ni Zhao Feng.

Mabagal na lumipas ang oras at ang lifeforce ni Zhao Feng ay mas humina nang namutla ang kanyang mukha.

Ang magagawa lamang niya ay ang padaluyin ang kanyang bloodline power upang patibayin ang kanyang sarili.

Ang bloodline power ay kayang siya protektahan, ngunit kakaunting parte ng pwersa lamang ang kaya nito magamit dahil ang ibang parte ng pwersa ay hinaharang ang azure abyss.

Gayunpaman, ang kanyang True Force ay humihina dahil sa sumpa.

Nang makita ang sitwasyong ito, ginusto na ni Zhao Feng na sumuko, ngunit napansin niya na unti-unti ring nanghihina ang aura ng Ghost Mark.

Ang life force at True Force ni Zhao feng ay nanghihina rin kasabay ng Ghost Mark.

Mabuti na lamang at pinoprotektahan pa rin si Zhao Feng ng kanyang bloodline power, dahil dito ay napipigilan nitong mawala ang source of life ni Zhao Feng.

Matapos ang tatlong araw.

Napabuntong-hininga si Zhao Feng at pinabalik ang kanyang azure blood sa dimensyon ng kanyang kaliwang mata.

Sa kaparehong oras, kahit na tuluyang nawala na ang Ghost Mark, ang kanyang True Force ay bumaba rin.

"Naging worth it ba ito?"

Tanong ni Zhao Feng sa kanyang sarili nang siya ay napasulyap sa munting pusang magnanakaw na nasa kanyang balikat.

Habang inaalis ang Ghost Mark, ang cultivation ni Zhao Feng ay bumaba sa 6th Sky.

Tinignan siya ng munting pusang magnanakaw ngunit hindi ito gumawa ng kahit na anong aksyon.

Nalaman ni Zhao Feng na kahit bumaba ang kanyang cultivation, ang kanyang pundasyon ay mas solid at mas lumaki ang kanyang potential kumpara noong siya ay nasa 7th Sky.

Tulad lamang ito ng pagtatayo ng tower. Kapag mas malalim ang pundasyon, mas mataas ang maaaring itaas ng tower.

Ito ang nararamdaman ni Zhao Feng ngayon. Ang pagbreakthrough ng dalawang Skies sa Alliance Banquet ay masyadong minadali, pero hindi na niya ito pinoproblema ngayon.

Kahit bumaba ang kanyang Sky, ang kanyang pundasyon at potential ay naging mas mabuti at nawala na ang Ghost Mark.

Isang kahig, isang tuka. Tila ba ito ay itinadhana ng langit.

Sa kaparehong oras.

Sa misteryosong altar sa malakas na bansa ng Iron Dragon.

"Nawala ang Ghost Mark… paano ito naging posible… isang taong nasa Origin Core Realm ba ang gumawa nito?"

Isang namamaos na boses ang umalingawngaw. Ang boses na ito ay kayang palamigin ang kaluluwa at ang mga cultivators na nasa True Human Rank ay mapapasinok dito.

Ang may-ari ng boses na ito ay mula sa skeleton na may black-gold na robe at ang mga buto nito ay kulay silver na may halong dark purple.

"Hindi… Iyon ang kapangyarihan ng Curse of a Hundred Graves."

Nagbago ang ekspresyon ng skeleton Division Leader.

"Division Leader, walang sinuman ang makatatakas sa Curse of a Hundred Graves. Ang taong ito ay siguradong patay na."

Ang isang blood corpse na silver striped ay tumawa sa gilid.

Napatango ang skeletong Division Leader. Kung ang taong iyo ay namatay, ang Ghost Mark ay mawawala rin.

"Division Leader, tungkol sa Curse of a Hundred Graves…"

Tanong ng blood corpse protector.

"Iyon ang pinaka sikreto ng Holy Religion. Kahit na ako, ang great lord, ay hindi magtatangkang pasukin ang ipinagbabawal na lugar na iyon. Hindi mo na ito kailangan malaman."

Bab berikutnya