webnovel

Tatlong Puwersa

Editor: LiberReverieGroup

Ang baliw at galit na uri ng pakikipaglaban ni Zhao Feng ay nag-iwan ng kuryosidad sa mga nanonood.

Wala ba talagang pakialam ang lalaking ito sa kanyang buhay?

Ang mga elitistang kabilang na disipulo ay nagkatinginan sa isa't-isa.

Mula sa direktang salpukan, si Zhao Feng ay bahagyang sugatan na. Kung hindi dahil sa kanyang liksi, siya ay natalo na at lubhang sugatan.

Si Ao Yuetian ay ngulat ngunit masaya - ang sitwasyon na ito ay maganda para sa kanya.

Ang forte ni Zhao Feng ay opensa at ang kanyang mga galaw at liksi ay mahirap. Mabuti na lamang, ang ginawa lamang ni Zhao Feng ay makipag palitan ng atake at dahil opensa ang kanyang forte, hindi ito magtatagal.

"Mas mataas ang cultivation ko sayo at kung tungkol naman sa talento, mayroon akong bloodline. Sa susunod na dalawang-daang atake, mauubos na ang iyong enerhiya…" malamig na tumawa si Ao Yuetian sa kanyang puso.

Bab Terkunci

Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com

Bab berikutnya