"Lanyue, ipaghihiganti kita."
Bilang isa sa mga Four Stars, ang bawat kilos ni Xi Zixuan ay pinagtutuunan ng atensyon.
Nang sinabi niya ito, ang mga disciples ng ikatlong lugar ay nagsimulang matuwa.
"Hahaha, karma 'yan."
"Talagang mayabang ang batang 'yan. Kahit ang isang taong kasing kalmado ni Xu Zixuan ay nasaktan sa kaniyang mga ikinilos."
Lahat ay masaya, na parang bang naipadala sa lugar ng pagbibitayan si Zhao Feng.
Ang kasikatan ng Four Stars ay nakaabot na sa isang hindi makakayanang taas.
Walang nakaisip na may pagasa pa si Zhao Feng laban kay Xu Zixuan.
"En, salamat Brother Xu."
Hindi tinanggihan ni Gu Lanyue ang alok ni Xu Zixuan at kinuha niya ang mapanlasong mga mata niya palayo kay Zhao Feng.
Kahit gaano siya kabait, matapos masampal sa mukha sa harap ng napakaraming manonood, hindi niya matanggal ang galit sa kaniyang puso.
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com