Naramdaman ni Zhao Feng ang mga pagbabago sa kaniyang katawan at nakita niya na mas kumapal ang bloodline power niya.
Bumalik siya sa silid. Naglabas siya ng isang salamin at nakita niya na ang kaniyang kaliwang mata at buhok ay bahagyang naging mas naging malalim ang kulay.
Napahinga ng saglit si Zhao Feng at pinadaloy niya ang kaniyang asul na dugo. Sa isang iglap, isang manipis na patong ng asul na ilaw ang bumalot sa kaniyang balat at nagpakawala ito ng isang kakaiba, ngunit maharlikang aura.
Pakiramdam ni Zhao Feng na ang kaniyang dugo at mga buto ay puno ng isang hindi maipaliwanag na kapangyarihan at mas lalong napalago ang kaniyang enerhiya.
"Ang lakas ko ay tumaas ng 10-20% at mukhang protektado ako."
Sinuri ni Zhao Feng ang mga pagbabago sa kaniyang bloodline power nang malapitan.
Mayroong dalawang pangunahing punto.
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com