Ang kulay abong ahas na ito ay halos tatlong dangkal lamang ang haba at mas makapal lang nang kaunti sa hinlalaki. Ang kapangyarihang nilalaman ng ahas na ito ay madaling makapapatay ng isang cultivator na nasa 1st Sky, pero ang mga daliri ni Zhao Feng ay tila isang bakal na agad itong nahuli.
"Patayin mo yan… Hindi ito maganda! Nalason ako!"
Kulay berde na ang mukha ni Quan Chen habang nakaupo siya sa lapag at sinusubukang palabasin ang lason.
Parehong kakaiba ang tingin ni Lin Fan at Ran Xiaoyuan kay Zhao Feng. Ang ahas ay tahimik at nakipag-isa ito sa paligid – kahit si Quan Chen ay nakagat dahil na rin siguro sa pagod nito at pagiging pabaya, kita naman na napakamapanganib nito.
Pero tila alam na agad ni Zhao Feng at nabantayan niya ito kung kaya agad niya itong nahuli. Iniisip nga ni Lin Fan na baka alam talaga ni Zhao Feng na naririyan ang ahas pero hindi niya sinabihan si Quan Chen nang sadya.
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com