webnovel

Gantimpala

Editor: LiberReverieGroup

Ngayon ay nasa ikawalo na ng 10 atake.

Huling dalawang atake!

Pinigil ng mga nanonood nag kanilang paghinga habang sila ay nka pokus sa senaryo.

Ang puso nila Xu Ren, Lin Fan at Xiao Sun ay nanginig. Kahit na nakita na nila ang kalakasan ni Zhao Feng, hindi nila napagtanto na siya ay malakas.

Taimtim ang lumitaw sa makisig na mukha ni Hai Yun Master.

Blade of Partial Moon!

Huminga ng malalim si Quan Chen habang tinitipon niya ang kanyang True Force at binubuo ang kanyang hugis karit na espada.

Shewww...

Agad na nanginig ang hangin, na tila ang karit na iyon ay simbolo ng kamatayan at maari itong kumuha ng buhay nang bawat tao. Ito ang maka patay na atake ni Quan Chen at madalas niya lamang ginagamit kapag kaharap niya at nais niyang patayin ang mga cultivators na katulad niya ng antas.

"Mabuti!" Sigaw ni Zhao Feng habang pinapalaganap niya ang Lightning Wind Palm sa kasagaran nito.

Lightning Wind Destruction!

Itinulak ni Zhao Feng ang kanyang palad, kita rito ang hampas ng kidlat.

Boom!

Isang malakas na pagsabog ang narinig sa pagitan ng dalawa.

Sa oras na ito, ang True Force ni Zhao Feng ay halos lumagpas na sa hangganan ng 1st Sky at ang kanyang Lightning Wind Palm ay mas naging makapangyarihan.

Teng! Teng!

Napaatras si Zhao Feng ng ilang mga hakbang, habang si Quan Chen ay gumalaw lamang nang kaunti. Ang Blade of Chilling Moon ay nasira na, ngunit agad din itong nabuo.

Mula sa itaas, mukhang mayroon ng upperhand si Uan Chen sapagkat siya ay mas mataas ng dalawang Skies sa cultivation at mayroon siyang High-class Mortal skill.

Naisip ni Zhao Feng na ang kanyang kapangyarihan ng Lightning Wind Palm ay hindi mas mahina sa High-class Mortal skill. Ngunit dahil sa kanyang limitadong cultivation, ang tanging nagagamit niya lamang ay Heavenly Wind Air Technique.

Ang Heavenly Wind Air Technique ay ang pinasimpleng bersyon ng kanyang Heavenly Wind God Technique. At kahit na pinagsanayan niya pinagsanayan niya ito nang mabuti, ang kapangyarihan nito ay medyo mas mahina.

Ngunit kahit pa, ang pinakita ni Zhao Feng ay gumulat sa lahat.

Ang 3 Elders ay gulat na natinginan, mahirap isipin na ang ang isang tao ay kayang lumaban sa taong mas mataas ng dalawang antas.

"Kaya pala, ang Lightning Wind Palm ay halos ipinagbabawal na skill. Ang batang ito ay napagsanayan pa ito sa ikatlong lebel at siya ay may mahusay na pang-unawa ngunit ito ay nakakapagsisi…" Saad ni Elder Xue na may pakikiramay.

"Lightning Wind Palm? Siya yung batang pumunta sa Hollow Building noong nakaraan?" Malamig na saad ng Unang Elder.

Binalaan niya si Zhao Feng sa pagpili ng skill na ito, ngunit hindi siya sinunod nito. Ngunit kung iisipin ito, walang kahit sino na nagsanay ng Lightning Wind Palm ang normal, kaya hindi ito sinapuso ng Unang Elder.

….

"Huling atake!"

Sigaw ng mga kalapit na disipulo.

Ang dalawang pigura ay nagharapan at napag tanto ni Quan Chen na masyado siyang mayabang nang sinabi niya na sampung atake sapagkat wala na siyang magagawa upang umurong ngayon.

Blade of the Half Moon!

Katiyakan ang lumitaw sa mukha ni Quan Chen nang lumawak ang Blade ng Partial Moon. Sa isang iglap, ang kapangyarihan ng Blade ng partial moon ay dumoble. Naramdaman ni Zhao Feng na siya ay nasa panganib, ang kapangyarihan ng Blade ng Half Moon ay lumagpas na sa hangganan nito, maliban na lamang kung gagamitin niya ang kanyang bloodline power.

"Hindi ito maganda! Maaring mamatay ang mga tao!" Nagbago ang ekspresyon ni Elder Xue habang pinapaikot niya ang enerhiya.

"Elder Xue, noong hinarap ni Zhao Feng ang Blood Corpse Protector, ito rin ay agaw buhay na labanan at marahil mas nakatatakot iyon kaysa sa ngayon." Ang malinaw na boses ni Hai Yun Master ay narinig ni Elder Xue sa kanyang isipan.

Bahagya siyang natigilan at tumingin siya nang kakaiba sa pinakabatang Elder. Sa pagitang ito, ang atake ay nagawa na at wala nang magagawa si Elder Xue dito.

Sumulyap ang Unang Elder at mukhang wala rin siyang balak na manghimasok dito.

Dahil sa presyur, ang True Force ni Zhao Feng ay lumaganap sa hangganan nito. Kusang napiga ang kanyang potensyal dahil sa pangyayari.

Huang~

Nanginig ang katawan ni Zhao Feng noong naramdaman niya na umabot siya sa panibagong lebel, kagaya nang ginamit niya ang kapangyarihan ng bloodline.

2nd Sky ng Ascended Realm, tagumpay.

Ang bawat Sky ay tumataas ang kakayahan at matapos ang 7 pagbabago, makaaabot na ito sa True Spirit Realm.

Lightning Wind Raging Dragon!

Umungal si Zhao Feng nnag ginamit niya ang isa sa pinaka nakatatakot na atake ng Lightning Wind Palm. Ngayon na umabot na siya sa 2nd Realm, bahagya lamang niya na itong magagamit sapagkat ito ay para sa mga 4th Sky ng Ascended Realm.

Roar!

Sa sandaling tinulak ni Zhao Feng ang kanyang palad, ang 'snake dragon' ay nabuo at ang sirit ng liwanag ay makikita dito. Ang dragon ay tila kayang wasakin ang lahat ng bagay.

Haung~ Boom-----

Ang mga bundok ay umalog at ang mga parte nito ay nahulog. Iyo ay matibay na tanggulan nv Scarlet Moon Demonic Religion at ito ay gawa sa mga matitibay na kagamitan. Kung ito ay sa labas ginanap, isang malaking butas na ang nagawa nito.

Sa mga oras na ito, ang Blade ng Half Moon ay malakas na sumalpok sa Lightning Wind Raging Dragin.

Matapos ang isang sandali.

Ang Blade ng Half Moon ay pulga-pulgadang nawasak, habang ang Lightning Wind Raging Dragon ay sumabog.

Ang dalawang pigura ay naghiwalay, kasabay nito, sinusubukang makatakas sa palitan ng atake.

Ang magulong erhiya ay naging ipoipo na madaling makawawasak sa cultivators ng 4th Sky.

Hindi ito maganda!

Nataranta si Quan Chen at si Zhao Feng ay walang balak na tulungan siya.

"Sugpuin!"

Tumapik si Elder Xue at ang pwersa mula sa langit ay agad na kinalat ang ipoipo.

Ang Elder ng True Spirit ay nagsalita lamang ng isang salita at nagawa niyang sugpuin ang hangin.

Ngayon ay naintindihan na ni Zhao Feng ang kapangyarihan ng True Spirit Realm. Lumagpas na talaga sila sa hangganan ng 'mortality' at mas naging 'spirit'

Bahagyang sugatan sina Zhao Feng at Quan Chan, ngunit hindi maka agaw buhay.

Madilim ang mukha ni Quan Chen at iniisip niya kung paano siya natalo sa isang disipulo na dinurog niya sa kanyang talampakan at ito ay naging dahilan upang mainis siya lalo.

Ang lahat nang ginawa niya noong mga nakaraang pagkakataon ay sugpuin siya at kung ito ay mabigo, ay wala siya masyadong pakialam. Ngunit sa pagkakaton na ito, siya ay inatake at ang Blade ng Half Moon ay hindi man lamang natapos ang kalaban. Ang pinaka nakairita kay Quan Chen ay umabot na sa 2nd Sky ng Ascended Realm si Zhao Feng dahil sa kanya.

Ang bawat Sky ay tila pagkakaiba ng Langit at Mundo - ang ibang mga tao na katulad ni Lord Guanjun ay hindi kakayanin ang pambihirang tagumpay habang buhay.

Ang mga taong napi-presyur ay may mas mataas na pagkakataon na magtagumpay.

"Ang sampung mga atake ay tapos na, salamat." Saad ni Zhao Feng.

Kaya niya nga talagang salagin si Quan Chen sa sampung atake, ngunit ang cultivation nito ay mas mataas sa kanya. At kung hindi ginamit ni Zhao Feng ang ilan sa mga makapatay niyang atake,hindi magiging maganda ang resulta kung nagpatuloy pa sila.

Ang 3 Elders ay may pribadong pinag-usapan.

Sa wakas, ang Unang Elder ay nagsalita: "Zhao Feng, ang iyong kalakasan ay ang 'pinakamalakas' nga sa inyong grupo at napanatili mo ang kalmado at matalinong pag-iisip sa panahon ng misyon na nagligtas ng maraming buhay. Marapat na ikaw ay purihin."

Ang 3 Elders ay nagdesisyon na bigyan siya ng gantimpala.

Ang gantimpala ay nahati sa dalawang parte: Isa para sa misyon, at ang isa ay para sa paghahanap ng Scarlet Moon Demonic Religion at pagbabalita nito sa Clan.

Ang misyon ay itinaasa sa 4 na bituin dahil ito ay mapanganib.

Kung kaya ang ang grupo ay ginantimpalaan mula 100 substandard primal crytal stones at 100 contribution points ay naging 2000 substandard primal crystal stone at 2000 contribution points.

At dahil kagilas-gilas ang ipinakita ni Zhao Feng, katanggap siya ng 1000 puntos pa.

Ito ay nangangahulugan na si Zhao Feng ay makatatanggap ng 500 primal crystal stones at 1500 contribution points kapag hinati sa grupo.

Ang mga puntos na ito ay maraming pag-gagamitan sa Clan at maari itong kapalit ng mga armas, skills, pills at ibang mga bagay. Ang sapat na contribution points ay maaring humiling sa Clan na gumawa ng mga bagay para sa kanila gaya nang pagkuha ng mga payo mula sa Elder.

Sa kabuuan, ang contribution points ay maaring gawin ang halos lahat ng bagay.

"Hahaha! Sa laki ng mga puntos na ito, ang ating lakas ay malaki ang itataas."

Si Xu Ren at ang dalawa ay sobrang nasasabik. Ito ay gantimpala lamang liban sa mga karanasan sa labanan na maaring itabi.

Ang malaking gantimpala na natanggap ni Zhao Feng ay naging dahilan upang mag dilim ang ekspresyon nina Yuan Zhi at Quan Chen. Isang misyon lamang ay nakapagbigay na sa kanila ng ganito karaming primal crystal stone at ang contribution points ni Zhao Feng ay umabot na sa 1500, na naging dahilan upang mainggit maging ang mga Core Disciple.

"Hindi ako makapaniwala na si Xu Ran, ang matandang iyon ay mayroong mahuhusay na disipulo. Bagaman ang kanyang talento ay hindi mataas, ang kanyang potensyal naman ay mataas."

Ang malamig na tingin ni Hai Yun Master kay Zhao Feng ay naramdaman niya. Ngunit wala namang intensyon si Hai Yun Master na patayin siya, tanging pag-iingat lamang.

Kumislap ang mata ni Zhao Feng at gumawa na siya ng desisyon.

"3 Elders, ang isang ito ay may ibang bagay pa na ibabalita."

Biglang yumuko si Zhao Feng sa 3 Elders, lalo na sa Unang Elder. Ang kanyang instict ay nagsabing ang Unang Elder ang pinaka malakas sa 3.

"Oh?"

Sinenyasan siya ng Unang Elder na magpatuloy.

Walang sinabi si Zhao Feng, ngunit may kinuha siyang supot. Sa loob ng supot ay dalawang bagay: ang balat ng halimaw at ang broken blood colored sword.

"Ang dalawang bagay na ito ay nahulog ng Corpse noong tumakas siya. Ipinapakita ko ito ngayon sa mga Elders."

Taimtim na iniabot ni Zhao Feng ang dalawang bagay na ito. Sa pagtingin pa lamang sa mga bagay na ito, masasabing ito ay hindi simple, lalo na ng espada. Ang aura nito ay naging dahilan upang magbago ang ekspresyon ng 3 Elder.

"Spiritual weapon!"

Bumilis ang paghinga ng tatlong Elder.

Ang unang Elder ay hinawakan ang espada at ang intensyon na pumatay dumaloy sa kanya.

Tumaas rin ang kilay at naglabas ng napakalaking True Force na tumalo sa kanyang intensyon na pumatay.

"Ito marahil ang 'Blood Moon Devouring Spirit Sword' mula sa daan-daang taon na ang nakalilipas at malapit na ito sa High grade. Maging ngayon, ito ay nasa Low grade." Bulong ng unang Elder.

Blood Moon Devouring Spirit Sword!

Parehong may ekspresyon ng pananabik sina Elder Xue at Hai Yun. Kahit sila ay walang Spiritual weapon.

"Mula sa marka sa mapang ito, ito ang magdadala sa isa sa apat na magagandang inheritance - ang Scarlet Moon Inheritance. Ito ay gawa ng Scarlet Moon Patriarch daan-daang taon na ang nakalilipas at mayroong 108 na mapa." Malalim na saad ng Elder.

Scarlet Moon Inheritance!

Ang ekspresyon ng parehong Elder ay nagbago muli.

Sa kanilang lebel, halatang alam nila kung ano ang Scarlet Moon Inheritance.

Bab berikutnya