webnovel

Heavenly Wind God Technique

Editor: LiberReverieGroup

Nang marinig ang tungkol sa Head disciple at Floating Crest Trial, lahat ng mga inner disciple ay hindi na makapaghintay.

Si Vice Head Li ay ngumit at tumango sa pagsang-ayon.

Sa lahat ng mga inner disciple, si Zhao Feng ay nasa 1st Sky of the Ascended Realm lang, ang pinakamababa sa lahat ng mababa. Ngunit dahil sa kaniyang kaliwang mata at asul na dugo, malakas ang kaniyang loob.

Simula nang naabot niya na ang Ascended Realm, ni hindi pa nasuri ni Zhao Feng kung anong klaseng kapangyarihan ang mayroon ang kaniyang katawan.

Matapos magsalita ni Vice Head Li tungkol sa dalawang bagay, nagsabi siya ng maliliit na bagay tulad ng pagbabala sa ilang mga disipulo dahil sa hindi pagtapos ng kanilang mga Gawain. Alam ni Zhao Feng na ang mga inner disciple ay kadalasang walang ginagawa at nakakatanggap ng resources mula sa Clan. Ngunit ayon sa patakaran, ang isang inner disciple ay kailangang tapusin ang kaniyang gawain kada dalawang buwan.

Ang ilang inner disciple ay gustong gumawa pa, para makakuha pa sila ng mas maraming contribution points. Ang mga contribution points na ito ay katulad ng battle points sa Guanjun Palace – maaari itong ipalit sa sandata, skill, pills, at iba pa.

Sa Broken Moon Clan, ang mga inner disciple ay maaaring magkusang gumawa ng ilang gawain bukod sa iniatas sa kanila. Kapag sapat na ang contribution points, maaari na silang makapasok sa Hollow building.

Ang Jingyue Sword ni Xu Ren ay isang low grade Mortal weapon at nabili ito gamit ang contribution points, kaya walang inner disciple ang makakapagsabing mayroon silang sobrang daming contribution points.

"Matapos mapatatag ang aking cultivation, pupunta rin ako at tatanggap ng ilang mga gawain," inisip ni Zhao Feng.

Kung babalikan, ang kaniyang battle points sa Guanjun Palace ay una sa lahat ng mga disipulo at ito ay dahil sa mga kakayahan ng kaniyang kaliwang mata sa labanan.

…..

Makalipas ang kalahating oras, natapos na ang pagtitipon at ang mga disipulo ay naglakad na sa kaniya-kaniyang daan. Ang mga inner disciple ay may kani-kaniyang mga bilog. Halimbawa, si Quan Chen, Bei Moi, at Yuan Zhi ay isang bilog at si Zhao Feng, Xiao Sun, at Yun Mengxiang pati na si Lin Fan ay isang bilog.

Nagpapasalamat si Lin Fan: "Salamat kay Brother Zhao noon…"

Si Xiao Sun at Yun Mengxiang ay bahagyang may kasalanan. Sinaktan si Lin fan ngunit wala silang ginawag kahit ano.

Si Xiao Sun ay sobrang nairita at nagkaroon siya ng ideyang iwanan si Zhao Feng at Lin Fan.

Una, si Lin Fan at Zhao Feng ay parehas na ginalit ang ibang mga disipulo na mas malakas sa kanila. Ito ay partikular para kay Zhao Feng na ginalit ang mga core disciple.

Ikalawa, ang talento at potensyal ni Zhao Feng at Lin Fan ay parehong karaniwan, kaya walang kahit anong makukuha sa pagiging kaibiga nila.

Si Xiao Sun ay tumawa at gusto niyang mawala na sila. Habang nakatingin sa anyo ni Xiao Sun, si Zhao Feng at Lin Fan ay nagtinginan at umiling.

"Ang talento ni Zhao Feng sa pill refining ay mahusay, ngunit pinili niya ang Lightning Wind Palm…" Nagbuntong-hininga si Mengxiang.

Hindi siya nagsalita nang siya ay umalis. Bilang Prinsesa ng Cloud Country, nagbibigay siya ng oras kay Zhao Feng. Ngunit pinili ni Zhao Feng ang daan ng cultivation at ang Lightning Wind Palm, kaya nakatadhana siyang mabigo.

Nagdesisyon si Yun Mengxiang na tulungan ang ilang talentadong disipulo dahil hindi niya kayang masyadong umasa kay Zhao Feng.

Matapos magpaalam kay Lin Fan, bumalik na si Zhao Feng sa kaniyang lugar. Ang pakay niya ngayon ay ang mapataas ang kaniyang cultivation sa pamamagitan ng pagsasama ng dalawang True Forces.

Sa isang kisap-mata, kalahating buwan na ang nakalipas at ang 2 True Forces sa katawan ni Zhao Feng ay nagsama na sa wakas. Ang True Force ay pangunahing Silver Air True Force dahil ang Returning Breath True Force ay hindi na pwedeng pagsanayan.

Halata namang ang bagong Silver Air True Force ay naglalaman ng ilang katangian ng Returning Breath True Force.

"Ang bilis ng pagsasama ay mas mabilis pa sa inaasahan ko. Ang aking cultivation ay nakaabot na sa huling mga hakbang ng 1st Sky," tumango si Zhao Feng.

Habang nagsasama siya ng puwersa, minsan ay pumupunta siya sa Thousand Leaf Pond para mapabuti ang kaniyang katawan. Nakaabot na siya sa huling mga hakbang ng 1st Sky sa loob ng isang buwan – ang bilis na ito ay kinokonsiderang mabilis. Kahit ang mga disipulo na may suportang Elder ay mabilis din.

Matapos maabot ng cultivaton niya ang mga huling hakbang ng 1st Sky, may isa pang pakay si Zhao Feng: Pumili ng isa pang inner strength skill, ngunit hindi siya kaagad na pumunta sa Hollow Building.

Sa loob ng dimension ng kaniyang kaliwang mata

Isang napakalaking magulong array ang lumitaw.

Habang pinagsasama ni Zhao Feng ang mga puwersa, hindi siya sumuko sa pag-intindi sa estruktuta ng array ng Hollow Building.

Ngayong nasuri na niya ang estruktura ng array, ngunit ito ay mahirap kontrolin nang buo. Kahit ang pinakamagaling na mga array master ay 20-30% lang ang naintindihan dito. Ngunit si Zhao Feng ay may kalamangan at ito ay ang kakayahan niyang makita ang estruktura ng array at iimprena ito sa kaniyang isip.

Samakatuwid, naintindihan niya ang 70-80% ng array, na nakalagpas na sa ibang mga array master.

Sa mga sumunod na araw, itinuon lang ni Zhao Feng ang kaniyang pansin sa pagsuri at pag-intindi sa array.

Ito ang kaniyang kongklusyon:

Mayroon siyang 70% lakas ng loob na masira ang array, ngunit magiging mahirap ito na hindi maramdaman ng nagbabantay na Elder sa building. Ang tanging paraan ay ang pagpasok sa mga butas sa array at tignan kung may mga aklat sa loob. Kung susuwertihin siya, makakakuha siya ng magandang skills. Ngunit kung hindi siya suwertihin, wala siyang makukuha, ngunit ang kalamangan nito ay hindi mararamdaman ng Elder na may kakaiba.

…..

Ilang araw ang nakalipas, umalis si Zhao Feng sa lugar at nabuhay siya at pumunta sa Hollow Building.

Nang makabalik sa building sa ikalawang beses, inilabas niya ang kaniyang inner disciple token at ngayon, gamit ito, makakapili na siya ng kahit anong Middle class Mortal building.

Di nagtagal ay pumasok na siya sa Hollow Building kung saan ang lahat ng mga jade slip ay lumutang sa hangin.

Huminga nang malalim si Zhao Feng at bahagyang ginalaw ang kaniyang takip sa mata, para makakita rin sa kaniyang kaliwang mata. Sa paningin ng kaniyang kaliwang mata, mas malinaw na estruktura ng array ang lumitaw.

"MAgaling, may mas maraming kahinaan ang nakikita ko ngayong mas tumaas ang lebel ng mata."

Bumilis ang tibok ng puso ni Zhao Feng. Sumukot siya pababa bago biglang humakbang pabalik at umabot.

Shua!

Isang pilak na jade slip ang lumitaw sa kaniyang kaliwang mata at ginamit niya ang butas sa arra para makuha ang jade slip na ito. Ang slip na ito ay hindi dapat nakalabas sa lugar na ito, ngunit nangyari na ito.

"Hmm? Pilak?"

Sobrang saya ni Zhao Feng.

Karamihan ng mga jade slip ay tanso at pilak na slips na ang ibig sabihin ay High class Mortal skills.

SInuri ito ni Zhao Feng at nalamanang ito ay isang High class Mortal sword skill.

Ilang sandali ang lumipas, isa pang pilak na ilaw ang lumabas. Nakuha ni Zhao Feng ang jade slip sa kaniyang kamat matapos suriin gamitang kaliwa niyang mata, ibinalik niya ito kung saan ito nanggaling.

Ang skill na ito ay may High class Mortal movement skill, ngunit si Zhao Feng ay may Illusion Fish Picture. Ang kaniyang kailangan ay isang inner strength skill.

Nang muntik na siyang magnakaw ulit sa ikatlong paraan, ang kaliwa niyang mata ay nagsimlulang tumalon at mapigilan ang kaniyang kamay sa paggalaw.

Sa sandaling ito, isang kakaibang mental energy ang nagsuri sa kaniya.

"Ito siguro ang Spiritual sense ng mga nasa True Spirit Realms," inisip ni Zhao Feng.

Ang Spiritual Sense ay isang lakas na ginawa ng mga nasa 4th Sky o mas mataas pa pwera na lang kung may special skills sila. Ang Spiritual sense ay dapat na pagmamay-ari ng Elder na nagbabantay sa Hollow Building na kaswal na sinusuri ang paligid.

Pagkatapos maghintay para masigurong walang ibang gumalaw, naglabas si Zhao Feng ng isa pang jade slip.

"Heavenly Wind God Technique: High class Mortal Skill at isa sa mga elite sa mga klase nito. Ang skill na ito ay kayang mapataas ang bilis kung saan ang true force ay naipon. Kapag nagsanay sa mababang lebel, ang true force ay magiging patalim na hangin na hihiwa sa putik. Kapag nagsanay sa mas mataas na lebel, kaya nitong tumagos sa mga low grade Mortal weapon…"

Hindi maiwasan ni Zhao Feng na matuwa habang binabasa ang deskripsyon. Ang skill na ito ay mainam sa kaniya.

Una, nagpakadalubhasa siya sa hangin at nagkaroon ng maganda at buong pundasyon. Ikalawa, ang true force ay maaarin maipon sa mas mataas na bilis, na ibig sabihin ay mayroon siyang malaking kalamangan.

Kailangang malaman ng isang tao na ang mga normal na inner disciple ay ang Middle class Mortal skill lang ang napag-aralan. Hindi lang isang High class Mortal skill ang Heavenly Wind God Technique, kundi isa sa pinakamagaling na High class skills.

Ang mga skill na may elemento ng hangin at apoy ay bihira at nakapokus sila sa bilis + atake.

Sa paraang ito na hindi ipapakita ni Zhao Feng ang skill na ito, walang makakaalam.

"Ikaw nga."

Nakumpirma ni Zhao Feng ang katotohanang ang Heavenly Wind God Technique ay magiging main skill niya.

Ngayong naabot na ang kaniyang pakay, wala nang ibang kinuha si Zhao Feng. Ang rason kung bakit hindi na siya naghanap na karagdagan ay dahil 1) ang oras ay limitado, 2) may pagkakataong mahuli siya.

Para sa natitirang oras, kumuha si Zhao Feng ng isang panglan ng skill na Heavenly Air Wind Technique.

"Hahaha, ang Heavenly Air Wind Technique ay ang pinasimpleng bersyon ng Heavenly Wind God Technique."

Tumango si Zhao Feng sa pagsang-ayon. Sa ganitong paraan ang kaniyang Heavenly Wind God Technique ay maaaring maitago. Kasabay nito, ang skill na pinili niya ay nakatala sa Hollow Building.

Hollow building, sa loob ng tagong silid.

"Zhao Feng, Heavenly Air Wind Technique, Mhmmm… siya ang pumili ng Lightning Wind Palm noong nakaraan?" sabi ng isang matandang lalaki.

Sa sandaling ito, lumabas na si Zhao Feng sa gusali na may ilang High class Mortal skills at ang Middle class skill Heavenly Air Wind Technique. Syempre, ang pinakaimportante ay ang Heavenly Wind God Technique pa rin.

Matapos bumalik, nalaman ni Zhao Feng na ang skill na ito ay puno ng enlightenment.

"Hmmm?"

Si Zhao Feng ay sumigaw at nalamang nakita niya ang Heavenly Wind God Technique sa kung saan dati.

Bab berikutnya