Habang si Mengxiang ay nakikipag-usap kay Zhao Feng sa mababang tono, ang may matulis na ilong na si Xu Ren ay ngasimulang magparamdam ng panggigipit kay Lin Fan gamit ang malamig na eskpresyon.
"Kayong mga bata, lapit dito!"
Kumunot ang mga kilay ni Xu Ren nang walang eskpresyong sinuri si Zhao Feng at kaniyang mga kasama. Ang pakay niya ay si Lin Fan, ngunit kung ang ibang mga bata ay mangingialam, hindi problema sa kani.ya ang turuan sila ng leksyon
Dalawang inner disciple ang nakatayo sa likuran ni Xu Ren na may mapaglarong ekspresyon – nakaabot na rin sila sa 2nd Sky.
Ang tatlo sa kanila ay puro 2nd Sky of the Ascended Realm, na katulad ni Lord Guanjun.
"Brother Zhao, Brother Xiao, Sister Yun… Ako na ang bahala sa aking sarili."
Si Lin Fan ay lumabas mag-isa, na ayaw madamay ang iba.
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com