Hindi pinansin ni Zhao Feng ang boses at umalis na sa Hollow Building. Pagkaalis niya, isang tawa na may halong galit ang maririnig mula sa gusali: "Isang mayabang na ungas… Ang lakas ng loob niyang hindi ako pansinin…"
Mula nang nakapasok si Zhao Feng sa Hollow Building, hindi naman talaga pinapakinggan ni Zhao Feng ang boses at kumilos base sa kung anong sa tingin niya ay tama. Kaya hindi niya dinamdam ang mga babala ng boses.
Sa tingin ni Zhao Feng, kailangan lang sundin ang mga patakaran ng boses.
Tama ang kaniyang iniisip ngunit hindi niya inakalang ang may-ari ng boses ay isang malaking anyo sa Clan; kahit ang mga inner disciples ay iginagalang ito.
"!st Elder, isa lang siyang mangmang na disipulo, walang maidudulot ang pagsasayang ng oras sa kaniya." Isang matanda sa loob ng gusali ang tumawa.
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com