webnovel

Pagpapatumba sa mga Outer Disciples (2)

Editor: LiberReverieGroup

Nababagabag na si Zhao Feng habang kalaban si Hong San at kahit pa mas malakas si Hong San kay nila Hong Si at Xiao Sun, hindi ito ang dahilan.

Dahil ito sa pag-uugali ng kanyang kalaban.

Una sa lahat, inamin niyang hind siya kasing lakas ni Zhao Feng!

Nangangahulugan ito na hindi niya minamaliit ang kanyang kalaban. Kung kaya, gagamitin niya ang 200 porsyento ng kanyang lakas para labanan si Zhao Feng.

Bukod pa roon, ang kanyang layunin ay hindi manalo.

Ang gusto lamang niyang gawin ay pagurin si Zhao Feng.

Mula sa dalawang puntong ito, halos wala ngang kahinaan si Hong San.

Kahit na malalim at mahirap intindihin ang movement skill ni Zhao Feng, hindi padalos-dalos na umaatake si Hong San. Sa halip, pilit niya munang inaalam kung saan talaga nakapuwesto si Zhao Feng.

"Hindi ko siya matatalo sa loob ng sampung atake… Gayon man…"

Biglang nawala ang anyo ni Zhao Feng at nagpakitang muli sa harap ni Hong San.

Bab Terkunci

Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com

Bab berikutnya