webnovel

Refining Pills

Editor: LiberReverieGroup

"Mengxiang, huwag kang bastos! Kasalanan mo kung bakit ka natalo!" Mahigpit na saad ni Yun Yao.

Sa sandaling lumabas ang mga salitang ito sa kanyang bibig, napagtanto ni Yun Mengxiang ang kanyang 'prinsesang' problema ay lumitaw muli. Ang kanyang pagkatao bilang Prinsesa ay hindi gano'n ka epektibo sa Clan ang kanyang ama at tiya ay ilang beses siyang binalaan na huwag galitin ang mga malakas na cultivators sa kanyang ugali.

Si Zhao Feng ay isang disipulo na pinag aagawan ng mga matandang sina Guan at Zhang at hindi magandang galitin ang mga taong may ganoong potensyal at estado. Ngunit marahil naging pamilyar siya kay Zhao Feng nitong mga nakaraang araw at nakalimutan niya ang bagay na ito.

"Ayos lamang, ito ang ugali mo." Tumawa si Zhao Feg ngunit labag ito sa kanyang puso.

Ang pinaka punto dito ay ang pill refining. Simula noong pumasok siya sa Grass-Wood Division, nagkaroon ng interes si Zhao Feng sa pill making at ang interes na ito ay mula sa pang-akit ng 'Spiritual pills'.

Naisip ni Zhao Feng na kapag naging pill master siya, magagawa niya lahat ng pills na kailangan niya. Masusuportahan nito ang kanyang cultivation at makababawas ito sa gastusin. Ang pill makers ay isang mainit na trabaho sa Clan.

"Zhao Feng, nakita mo ba ang ginawang mali ni Yun Mengxiang noon?" Sinubukan ni Yun Yai su Zhao Feng.

Hindi natakot si Zhao Feng na gulatin si Yun Mengxiang: "Una sa lahat, masyado siyang maingat gaya ng daga, kaya ang kanyang apoy ay masyadong maliit at ang temperatura ay hindi masyadong mataas. Sumunod, may ilan siyang nagawang mali sa pagkontrol ng apoy at dahil maliit ang apoy, mabilis itong namatay. Siyempre, iyon ay mga halatang pagkakamali, tinatamad na akong banggitin ang mga malilit pang pagkakamali."

Sa pagkarinig niya dito, nanginginig sa galit si Yun Mengxiang ngunit hindi siya maaring sumabog sa galit. Kung normal na tao lamang ito, sinipa niya na ito. Bilang isang prinsesa, kailan pa may nagsabi nang ganitong bagay sa kanya?"

"En, ang mga mahalagang bagay ay nasabi na." Saad ni Yun Yao habang tumatango.

Pinigilan na lamang ni Yun Mengxiang ang kanyang galit. Isang liwanag ang kumislap sa kanyang mga mata habang siya ay ngumiti at nagsalita: "Masyadong tanga si Mengxiang, maari kaya akong turuan ng Pill master na si Zhao Feng?"

"Hindi ako pill master."

Tumalon ang puso ni Zhao Feng, halatang binigyan siya ng papuri ni Yun Mengxiang.

Kahit sinong pill learner ay bihirang magtagumpay sa unang subok.

Matapos mabigo ni Yun Mengxiang, pagkakataon na ni Zhao Feng. Sa kanyang isipan, lumitaw ang proseso ni Yun Yao sa paggawa ng blood pill.

Sa loob ng ilang araw, ilang beses na sinubukan ni Zhao Feng na bumuo ng apoy, pagkontrol ng liyab at pagdagdag ng mga materyal, ngunit lahat ito ay subok pa lamang.

Mas mahirap na gawin ang lahat ng hakbang nang magkakasama at kumpletuhin ito sa isang iglap.

Ang pagkontrol ng liyab ang pinaka mahalaga at ang maliit na pagkakamali ay maaring bumago sa resulta.

Ang unang hakbang ay paglagay nang lahat ng materyales.

Ang kaliwang mata ni Zhao Feng ay bahagyang bumukas at kumuha siya ng isang bahagi sa bawat materyales. Sa mga parehong materyales, mayroong maganda at masama na maaring maka apekto sa halumigmig at sa maliit na bagay gaya nito.

Pinili ni Zhao Feng ang pinaka angkop na komposisyon at si Yun Yao, na nakapansin sa maliliit na bagay na ito, tumango bilang pagpuri.

Sa unang hakbang pa lamang nang pagpili ng materyales ay natalo na ni Zhao Feng si yun Mengxiang.

Matapos mapili ang mga materyales, inilagay ito ni Zhao Feng sa pugon nang naka ayos at inilagay sa mga partikular nitong lugar.

Ang init mula sa pugon ay hindi sa lahat ng dako, mayroong mga lugar na mataas at mababa ang init.

Ang unang hakbang, 'pagsasama-sama ng mga materyales' ay tapos na.

Walang mintis si Zhao Feng sa mga hakbang at kung nag-aalangan siya sa kanyang hakbang, ang proseso ni Yun Yao sa paggawa ng pills ay lumilitaw sa kanyang isipan.

Ang ikalawang hakbang, pagbuo ng apoy.

Ang pagbuo ng apoy ay mukhang simple lamang, ngunit may proseso ito.

Ang sukat at temperatura ng apoy ay hindi dapat magkamali, ngunit ang low class pill gaya ng blood pill ay hindi nangangailangan nang tiyak na apoy.

Sinindihan ni Zhao Feng ang maliit na uling at lumitaw ang maliit na apoy.

Sunod ang pinaka mahalagang hakbang - pagkontrol sa apoy.

Nagpokus si Zhao Feng, binuksan niya ang kanyang kaliwang mata at ginamit ang kanyang inner strength upang direktang maapektuhan ang apoy. Kailangan na umabot sa ikapitong antas ng Consolidated Realm upang maging pill learner dahil iyon lamang ang pagkakataon na maapektuhan ng kanilang imner strength ang apoy. Gayunpaman, ito ang pinakamasamang paraan kung hindi pa naka abot sa ikapitong antas ang isang tao, paano niya ito magagawa?

Ang kontrol ni Zhao Feng sa apoy ay sobrang lakas at ang maliit na apoy ay kumalat sa pugon.

Sa paglipas ng oras, isang malamlam na amoy ng medisina ang sumingaw sa pugon.

Paminsan-minsan ay dinadagdagan ni Zhao Feng ng ilang mga uling ang pugon upang mapanatili ang apoy nito at kahit na hindi siya pamilyar sa pagkontrol ng apoy, natural na ito para sa kanya.

Ito ay dahil sa tiyak ang kanyang kaliwang mata at kaya niyang kontrolin ang kanyang inner strength.

Sa loob ng dalawang oras, kaswal na nakontrol ni Zhao Feng ang apoy. Ito ang dahilan sa bahagyang pagbabago sa ekspresyon ni Yun Mengxiang, hindi niya inaasahan na ang inner strength ni Zhao Feng ay masinsin at makapal.

Kung siya ito, ang kanyang inner strength ay naubos na.

"Paggamit nang bawat bahagi ng kapangyarihan sa tiyak nitong gamit. Umabot na siya sa kadalubhasan nang pagkontrol ng apoy."

Bumuntong-hininga si Yao Yun, ang kanyang kakayahan sa pagkontrol ng pill ay maari nang ikumpara sa mga matatandang pill masters.

Sa oras na ito, hindi mapigilan ni Yun Yao na humanga sa mga mata nang matandang si Guan. Si Zhao Feng ay isang prodigy sa pill making.

Ang pill making ay nangangailangan ng katiyakan, lalo na sa pagkontrol ng apoy.

Matapos ang dalawang oras, dahan-dahang naglalaho ang inner strength ni Zhao Feng at ang apoy ay namamatay na.

Ang natitirang init sa pugon ay nagbigay ng amoy medisina sa pugon.

Inamoy ito ni Zhao Feng at nalaman niya na ito ay kabilang sa blood pill. Ang amoy nito ngayon ay sampung beses na mas matapang sa amoy nito noon sapagakat ito ay bagong gawa pa lamang.

Matapos ang sandaling paghihintay, tinpik ni Zhao Feng ang kanyang daliri sa hangin.

Pah!

Mula sa pugon tumalon sa sampung blood red pills.

Ito na ang huling hakbang, ang pagbukas sa pugon.

May tamang oras sa pagbukas ng pugon. Kung ito ay masyadong maaga, ang pill ay maaring hindi pa buo at kung ito ay masyado namang huli na, ang sukat ng pill ay maaring masyadong malaki at mayroong basag. Sa sitwasyong ito, ang pill ay maaring sumabog at sirain ang buong pill refining room…

Shua!

Kinuha ni Zhao Feng ang sampung red blood pills gamit ang kanyang kamay.

"Tignan ko ang success rate.." Nakangiting saad ni Yun Yao.

Success rate?

Kapag ang pangkat ng pill ay nabuo, mayroon palaging success rate. Halimbawa, sa sampung pills, maaring limang pills lamang ang matagumpay na nabuo, ang natira ay maaring trash pill o ungraded pills.

Inabot ni Zhao Feng ang mga pills kay Yun Yao.

"Hindi maaring ang lahat ng ito at ungraded at useless pills, diba?" Tumawa si Yun Mengxiang.

Sa oras na ito, nakita niya na taimtim ang mukha ng kanyang tiyaat puno ng gulat.

"Labintatlong blood pills, 1 perpektong pill, 4 na mahusay, 6 na normal at ang 2 ay bahagyang mas mababa sa normal ngunit pasok pa rin sa normal na uri."

Hindi mapigilan ni Yun Yao na huminga nang malamig: "Kung hindi mahigpit ang kinakailangan, ito ay 100% success rate."

100%!

Namutla ang mukha ni Yun Mengxiang na parang siya ay tinakot. Siya at si Yun Yao ay tumingin kay Zhao Feng na mayroong magulong nararamdaman.

"Ito ang unang beses mo sa pag refining pills?"

Ang gulat at pagtatanong ay hindi nawala sa mukha ni Yun Yao.

"Tama iyon."

Ang puso ni Zhao Feng ay bahagyang mahina, hindi niya inaasahan n ang kanyang katiyakan at kontrol ay magiging sobrang maayos.

"Ang 13 pills ay gawa mo, kaya sa iyo na ito."

Binalik ni Yun Yao kay Zhao Feng ang mga pills.

Pinaalis si Zhao Feng nang walang dahilan, naiwan sina Yun Yak at Yun Mengxiang.

"Tiya, bakit hindi mo na siya tinuturuan?"

Paano ko tuturuan ang isang prodigy n katulad niya? Isa utong milagro! Paano nagkaroon ng 100% success rate sa unang beses na refining pills?" Bumuntong-hininga si Yun Yao.

Paano ito nangyari!?

Hindi makapagsalita si Yun Mengxiang.

"Itago mo muna ang lihim na ito sa ngayon. Ang kailangan mong gawin ngayon ay huwag siyang galitin at panatilihin ang magandang relasyon sa kanya…" Saad ni Yun Yao.

…...

Matapos umalis sa refining room, nag isip si Zhao Feng nang malalim.

"Ganoon iyon… Kahit gaano pa kagaling ang pill maker, mahirap para sa kanila na magkaroon ng 100% success rate kahit na sila ay pill master, maliban na lamang kung ang pag gawa nila ng pills ay malayo sa nakasanayan.

Napagtanto ni Zhao Feng na ang kanyang 100% success rate ay nakagugulat. Dahil ito ay unang beses pa lamang niya, wala siyang sariling pamantayan at nagawa niya pa rin ang 100% success rate.

Sa mga sumunod na araw, mas kalmado at malaya si Zhao Feng, ang mga gawain na binigay sa kanya nang matandang si Gun ay tapos niya na.

Sa umaga, nagbabasa siya ng aklat at sa gabi, nag cu-cultivate siya. Ang kanyang pokus ay Silver Wall Technique pa rin. Ngunit matapos niyang maabot ang ikasiyam na lebel, bumagal ang kanyang progreso.

Maaring ilang taon pa bago umabot sa ikasampung lebel ang kanyang Silver Wall Technique, ayon sa kanyang pagsusuri. Umaasa at nag-aantay na lamang si Zhao Feng na bigyan siya ni Vice Head Guan ng ilang Spiritual pills. Kung hindi siya bigyan, gagawa na lamang siya…

Mabilis na lumipas ang oras at si Zhao Feng ay kalahating buwan nang nanatili sa Clan.

Sa mga bagong pasok na disipulo, sila Xiao Sun, Yun Mengxian at Liu Yue'er ang mayroong pinaka malaking pagbabago. Si Xiao Sun ay umabot na sa half step - Ascended Realm habang si Yub Mengxiang at Liu Yue'er ay umabot na sa peak 9th rank ng Consolidated Realm.

Ang bilis na ito ay isang himala sa mortal world. Ngunit sa Clan, mabilis ito ngunit hindi nakabibigla. Ang ikasiyam na antas nang Consolidate Realm ay simula pa lamang.

Alam ni Zhao Feng na mayroong tiya si Yun Mengxiang na pill master, kaya kumain na siya ng lima o higit pang Marrow Cleansing Pill, ngunit si Liu Yue'er ay hindi matagpuan sa mga outer disciple.

Sinasabi ng iba na siya ay kinuha nang ibang Elder at naging ikatlong tao upang maging disipulo ng Elder matapos ni Bei Moi at Sun Yuanhao.

Ang dalawang sina Nan Gongfan at Yang Qingshan ay umabot na sa half-step 9th rank at ikasiyam na antas.

Kumpara sa iba, ang cultivation ni Zhao Feng ay hindi mabilis. Kahit na nakatutok lamang siya sa Silver Wall Technique ang kanyang cultivation ay nasa ikasiyam na antas pa rin.

Bab berikutnya