webnovel

Ang Tunay na Changeable Body

Editor: LiberReverieGroup

Ang hitsuara ni Quan Chen ay nagpabalisa kay Zhao Feng at sa iba.

Kalmado lamang si Lord Guanjun. "Huwag kayong mag-alala, siya ay disipulo lamang sa Third Sky of Ascended Realm, at wala siyang sapat na kapangyarihan upang sumali sa pagsusulit.

Sa batong entablado, sinusuri ni Deacon Qiu ang mga nanonood na disipulo na may pag ba- babala sa kanyang mga mata. Ang mga disipulong ito ay tila tinamaan ng kidlat, at agad silang umurong at nanahimik.

Maging si Quan Chen, mukhang natatakot din siya kay Deacon Qiu.

Sa Broken Moon Clan, si Deacon ay nasa middle tier na. Hindi lamang mataas na awtoridad ang mayroon sila, sila rin ay nasa Ascended Realm.

"Ang unang pagsusulit, Spiritual Sky Beam, na susuri sa inyong talento. Nakikita niyo ang crystal circle beam na iyon? Iyon ang gamit na susukat sa inyong talento," saad ni Lord Guanjun sa kanyang mga disipulo.

Sila Zhao Feng at ang dalawa ay lumapit sa crystal beam na mayroong limang metro ang taas. Ito ay katulad nang bolang kristal na pagsusulit noon, ngunit mas malakas na ito.

Hindi nagtagal, natanggap na ng mga kabataan ang mga number plates, na mayroong mga impormasyon nila sa loob.

"Ang unang pagsusulit ng Spiritual Sky Beam ay magsisimula na. Ika- 1, Zhang Junchen," inanunsyo ang isang disipulo.

Sa entablado, naupo si Deacon Qiu sa kanyang silya habang ang kanyang mga tauhan ang gumawa nang lahat ng trabaho.

Hindi nagtagal, umapak na ang ika-1, Zhang Junchen sa entablado at lumapit sa harap ng Spiritual Sky Beam. Ang metodolohiya ng pagsusulit ay katulad sa bolang kristal- tipunin ang iyong metal energy at ibuhos sa beam.

Weng~

Mga patong nang puting ilaw ang lumitaw sa beam at ang ilaw ay umabot ang taas sa dalawang metro.

Ang buong Spiritual Sky Beam ay may taas na limang metro, ang unang apat na metro ay nangangahulugan na Mortal Body: low, middle, high, peak. Ang talento ng kabataan ay umabot sa dalawang metro, nangangahulugang siya ay Peak Mortal Body.

"Ang Mortal Body ay nais na pumasok sa Clan? Sa pangarap mo! Umalis ka dito!" Malamig na boses ang nangibabaw sa batong entablado. Ang kabataang katatapos lamang ang pagsusulit ay bumaba na sa entablado na tila ba nawala ang kanyang kaluluwa, at siya ay pinaalis ng mga disipulo ng Clan.

Nagtinginan sila Zhao Feng at ang dalawa na may pag kabigla sa pangyayari. Ang henyong kagaya ni Zhao Linlong ay mayroon lamang higher Mortal Bodt. Kahit pa sa kanyang talento, sila ay agad na pauuwiin.

Sa totoo lamang, hindi lahat ay may pagkakataon na suriin ang kanilang lakas bago ang pangyayaring ito, dahil wala naman silang bolang kristal kagaya ng kay Lord Guanjun.

Hindi nagtagal, lumapit na ang ibang mga kabataan upang humarap sa pagsusulit. Ang ikalawang kabataan ay may mas magandang resulta sa nauna. Ito ay umabot sa dalawa't kalahating ilaw, nangangahulugang low tier Spiritual Body.

"Low tier Spiritual Body, pasado. Dalawang puntos para sa unang pagsusulit."

Ayon sa patakaran, kapag umabot nang dalawang metro ang kanilang talento, tatanggapin sila at bibigyan nang iskor ayon sa taas na inabot nang kanilang talento.

Dalawa't sangkapat na metro ay isang punto at ito ay nagrerepresenta ng half-spiritual body.

Dalawa't kalahating metro ay dalawang puntos at nagrerepresenta nang low tier Spiritual Body.

Dalawa't tatlong sangkapat na metro ay tatlong puntos at ang talento ay nasa pagitan nang low-middle Spiritual Body.

Kung ang ang talento ay lumagpas sa tatlo't kalahating metro, makakatanggap sila ng anim na puntos na nangangahulugang high Spiritual Body.

Anim na puntos ang perpektong iskor sapagkat kung ang talento nang isang tao ay kagaya ng kay Bei Moi, makakatanggap sila ng sampung puntos at agad na makakapasok sa Clan nang hindi na kailangan na kuhain ang natitirang mga pagsusulit.

Kung kaya ang unang pagsusulit ang pinaka importante.

"Ika-27, Xiao Sun!" Ang disipulo ay pasigaw na tinatawag ang mga pangalan.

Ang mga kabataan ay agad na tumingin kay Xiao Sun, ang nag-iisang naka abot sa ikasiyam na antas.

Weng~

Ang sinag ng ilaw ay nagliwanag kaya't kahit ang mga malalayong tao ay nakita ito.

Tatlo't sangkapat na metro! Nagulat ang mga kabataang nanonood sa baba.

"Tatlo't sangkapat na metro, pasado. Limang puntos."

Ang marka ni Xiao Sun ay halos perpekto na sapagkat ang sinoman na may anim na puntos sa unang pagsusulit ay kukuhanin agad nila nang walang pag-aalinlangan.

Ang pagsusulit ay nagpatuloy at halos one-third ng mga kabataan ang natanggal.

"Ika-33, Yun Mengxiang!" Sa oras na ito, ang mga mata ng mga kabataan ay nakatuon sa maharlikang babae, ang prinsesa ng Cloud Country, si Yun Mengxiang.

Weng!

Ang ilaw ay umabot ng tatlong metro. Ang kanyang talento ay mid-tier Spiritual Body.

"Tatlong metro, pasado. Apat na puntos."

Ang kadalasang talento ng mga kabataan ay mababa sa tatlong metro at ang pagiging prinsesa na mayroong magandang hitsura at mataas na talento, hindi maisip sa diwa ang kanyang kinabukasan.

Hindi mapigilan ni Zhao Feng na mapatango, ang kabataan na kanyang hinahangaan ay may magandang talento.

"Ika-41, Liu Yue'er!"

Ang nakangiting babae ay lumutang sa entablado. Tiningnan siya ni Zhao Feng nang may interes. Siya ay maganda at sa kumpyansang pinapakita niya, malamang ay may maganda rin itong talento.

Weng!

Sobrang liwanag ng ilaw na ang lahat mula na sampung radius ang layo ay nakita ito.

Oh kalangitan…!

Nagulat ang mga kabataan. Ang ilaw ay umabot sa tatlo't kalahating metro!

Tatlo't kalahati!!!!

"Magaling! High Tier Spiritual Body! Tatlo't kalahating metro! Ito ang pinaka magandang resulta. Ika-41 Liu Yuer, hindi mo na kailangan na mag sulit pa,diretso ka nang makapapasok sa Clan."

Maging ang mga mata ni Deacon Qiu ay nagulat. High Tier Spiritual Body! Ito ang pinaka magandang resulta sa pagsusulit sa ngayon!

"Lord Cangtie, Hindi ako makapaniwala na ang iyong apo ay may ganoong kataas na talento." Bahagyang may gulat ang ekspreyon ni Lord Guanjun.

"Haha, ako rin. Ang iyong disipulong si Zhao Feng ay hindi naman malalayo sa resulta ni Yue'er," ngumiti si Lord Cangtie. Dahil ang edad ni Zhao Feng ay kagaya lamang rin ni Liu Yue'er at ang kanilang cultivation ay halos parehas din, nagpalagay si Lord Cangtie na parehas din ang kanilang talento.

Ngumiti lamang si Lord Guanjun bilang tugon ngunit nanatili lamang siyang tahimik.

Matapos ang pagsusulit ni Lie Yue'er, wala na ang nakatalo sa kanya. Kakaunti lamang ang nakaabot sa middle tier Spiritual Body dahil may malaking agwat ang middle at low tier Spiritual Body.

"Ika-49, Zhao Feng!" Nangibabaw ang boses ng disipulo. Pagkakataon na ni Zhao Feng, nakatuon sila Lord Guanjun at Lord Cangtie sa kanya.

Sa hindi kalayuan, binigyan siya ni Liu Yue'er nang nakapupukaw na tingin. Wala pang nakatatalo sa kanya. Kaswal lamang siyang tiningnan ni Zhao Feng bago siya matapang na naglakad.

Nagulat sina Lie Yue'er at Lord Cangtie. Sa mga mata ni Zhao Feng, nakita nila ang panghahamak, na para bang hindi niya pinansin si Liu Yue'er.

"Ahhh! Tignan natin ang kakayahan niya!"

Galit na umihip si Liu Yue'er, ngunit may masama siyang pakiramdam sa kaswal na tingin at kumpyansa ni Zhao Feng. Maari ba na ang kanyang talento ay mas mataas kaysa sa akin?

Maging si Lord Cangtie ay may taimtim na ekspresyon. Sa pagtapak sa entablado, inilagay ni Zhao Feng ang kanyang kamay sa Spiritual Sky Beam

Weng!

Ang ilaw sa beam ay umabot sa isang metro bago ito bahagyang manginig, at bumilis papuntang dalawa't kalahating metro. Nang umabot ito sa puntong ito, halos tumigil na ang ilaw.

Naramdaman ni Zhao Feng ang pagkibit ng kanyang kaliwang mata, ngunit hindi niya ito binuksan dahil ang ilaw ay maaring umabot sa apat na metro. Sa mga nakaraang araw, nagsanay siya na kontrolin ang kanyang talento na maipapakita gamit ang bolang kristal.

"Dalawa't kalahating metro, low tier Spiritual Body, pasado! Dalawang puntos!" Ang kanyang resulta ay inanunsyo.

Ang talento ni Zhao Feng ay sobrang normal lamang at hindi siya naka pukaw ng mata ng kahit sino.

"Low tier Spiritual Body lamang? Haha…," nang aasar na tinawanan ni Liu Yue'er si Zhao Feng. Sa oras ding iyon napa buntong hininga sila nang malalim ni Lord Cangtie. Ang mag-lolo ay natakot sa matapang na tingin ni Zhao Feng.

Bumaba na sa entablado si Zhao Feng at mapaglarong tumingin kay Liu Yue'er.

"Ang bwisit na lalaking ito ay sinusubukang maging maangas!"

Nanginig si Liu Yue'er sa galit at napag tanto nya na siya ay pinagl-laruan ni Zhao Feng. Wala ring masabi si Lord Cangtie, akala niya ay sobrang lakas ni Zhao Feng dahil sa pananahimik si Lord Guanjun.

Si Quan Chen na nanonood din ay ngumiti nang may panghahamak. "Low tier Spiritual Body? Ang mga taong katulad niya ay hindi na dapat palakihin sa Clan. siya ay nakatadhanang mapunta sa ilalim ng Clan." Maging si Quan Chen ay hindi napukaw sa talento ni Zhao Feng, kaya paano pa ang elder?

Nagpatuloy ang pagsusulit, at ang talento ni Zhao Feng ay hindi naka pukaw sa atensyon ninoman. Napa buntong-hininga rin si Lord Guanjun, ang unang yugto ng plano ay naging matagumpay.

Sina Yang Qingshan at Nan Gongfan naman ang sumunod na pumunta sa taas upang mag sulit, at ang kanilang talento nila ay tatlong metro at dalawa't tatlong sangkapat na metro.

Hindi naisip ni Zhao Feng na si Yang Qingshan ay mayroong middle tier Spiritual Body at si Nan Gongfan ay nasa pagitan nang low at middle tier.

"Middle tier Spiritual Body? Hindi na masama, ngunit imposible itong makatakot ng Master. Hm… mukhang kailangan nating pagtuunan ng pansin itong si Yang Qingshan…" Napukaw ang atensyon ni Yang Qingshan sa resulta ni Quan Chen, ngunit hindi nagtagal bumalik siya sa walang pakialam na ugali.

Matatapos na ang unang yugto.

"Ika-72, Sun Yunhao!"

Ang pangalang ito ay pumukaw sa atensyon ni Zhao Feng. Ang kabataan na nasa labing tatlong taon ay naglakad sa entablado. Siya ay mas bata kay Zhao Feng, ngunit siya ay nasa ika-walong antas na sa Martial Path. Napukaw rin si Deacon Qiu sa kanyang potensyal.

May pagka balisa si Sun Yunhao nang ipatong niya ang kanyang kamay sa Spiritual Sky Beam.

Weng~

Ang ilaw ay huminto nang umabot ito ng isa't sangkapat na metro.

Hm?

Ang mga nanonood ay bahagyang nabigla dahil si Sun Yunhao ay umabot sa napaka taas na cultivation sa kanyang edad.

Weng! Weng!

Ang ilaw sa Spiritual Sky Beam ay biglang tumaas at bumababa at ito ay patuloy na pabago-bago.

Biglang tumalon nang dalawa't kalahating metro ang ilaw, at muling bumalik sa isang metro.

Kakaiba!

Ang eksenang ito ay nagpa alala kay Zhao Feng sa sitwasyon ni Zhao Yufei noong sinuri ang kanyang talento sa bolang kristal, dahila ang sitwasyon noon ay sobrang pabago-bago rin. Ngunit sa pagkakataong ito, nagsusulit sila sa Spiritual Sky Beam, na mas maunlad sa bolang kristal…

Weng~~~~

Ang ilaw ay umabot sa tatlong metro na sobrang lapit na sa tatlo't kalahating metro.

Oh kalangitan! Anong nangyayari? Ang mga tao ay nagulat.

"Ito… ba ang sobrang bihirang Changeable Body?" Tanong ni Deacon Qiu sa kanyang sarili.

Wengxiu~~

Biglang sumabog ang ilaw at tumuntong sa apat na metro, na nagbigay nang napaka lakas na liwanag na ang lahat nang nasa sampung metro ang layo ay nabalot ng liwanag.

Apat na metro! Halos lumuwa ang mga mata ng mga tao.

Halos mahulog ang panga ni Quan Chen. "Ang kanyang talento ay malapit na kay Bei Moi!"

Isa na namang super genius!

"...ito ay isang tunay na Changeable Body." Kumalma si Zhao Feng mula sa pagka gulat at sabik habang si Lord Guanjun ay may pagtatanong sa kanyang mukha.

Bab berikutnya