Ang kahilingan ni Zhao Feng ay nagdulot upang umiling si Lord Guanjun. "Ang talento ng lahat ay natitiyak nang sila ay ipanganak, halos imposibleng baguhin ito…"
Ngunit sa ilalim ng umaasang titig ng kaniyang disciple, inilabas pa rin ni Lord Guanjun ang bolang kristal. Si Zhao Feng ay nagkaroon ng isang Half-Spiritual Body nakaraan na bahagyang ikinabigo ni Lord Guanjun, kaya naman wala siyang masiyadong inaasahan ngayong pagkakataon.
Ang mga talento ng mga normal na tao ay kadalasan Mortal Bodies, na siyang nahahati sa apat na tiers: Low, Middle, High, at Peak. Isang Half-Spiritual Body ang ibig sabihin nito na nakalagpas na ito sa lakaing bilang ng tao, ngunit wala lang ito kumpara sa isang tunay na henyo.
Kinuha ni Zhao Feng ang bolang kristal, humingang malalim at tinuon ang kaniyang mental energy rito.
Weng~ ~ ~ ~
Isang bilog ng puting hangin ang lumitaw nagmumula sa krital.
Isang bilog...isa't kalahating mga bilog...dalawang bilog...dalawa't kalahating mga bilog.
Nang ito ay umabot sa dalawang bilog, ang bilis ng pagprogreso ay nagsimulang bumagal. Nang ito ay makarating sa dalawa't kahalating bilog, birtwal itong huminto, ngunit si Zhao Feng ay masaya na. Nakaraan, nilagay niya ang lahat ng kaniyang pagsisikap at ngayong huminto ito sa isa't kalahating bilog, sa ilalim ng parehas na sitwasyon, mayroon pa ngayong isang bilog.
Peh! Peh!
Kahihinto pa lamang ng puting ilaw, bigla itong bumanat muli dahil ang pagsukat ng talento ay para sa buong katawan at ang unang dalawa't kalahating bilog ay hindi kabilang sa misteryosong kaliwang mata. Ngayon na naisama na ang 'talento' ng kaliwang mata, nagbago na ang resulta.
Dalawa't kalahating bilog...tatlong bilog...tatlo't kalahating bilog...apat na bilog!
Ang mga puting bilog ay mabilis na umabot sa hangganan ng isang Mortal Body, at hindi nagpakita ng kahit anong senyales ng paghinto. Sa pagkakataong ito, kahit si Lord Guanjun ay nakatuon.
Apat na bilog...apat at kalahati...lima...lima't kalahating bilog!
Ang resulta ay isang buong bilog pa kumpara sa nakaraang resulta. Nakaraan, si Zhao Feng ay hindi pa halos makaabot sa limang bilog at sa oras na iyon, ang bilog ay hindi buong puti, kung ganoon siya lamang ay nabilang na isang half-Spiritual body.
Kung ito ay nabuo sa ikalimang bilog, ibig sabihin nito na siya ay mayroon ng spiritual body. Ngayon, ang resulta ni Zhao Feng ay nasa pagitan ng isang low at middle tier Spiritual body. Ang resultang ito ay maikukumpara kanila Feng Hanyue at Nan Gongfan.
"Mahusay! Ang resulta mo ngayong pagkakataon ay lubhang mas maganda kaysa sa nakaraan. Ang sitwasyon na ito ay bihira kahit sa Clan, mukhang ang iyong potensyal ay isa sa mga usap-usapang Chanegable Bodies!" Natulala si Lord Guanjun at labis na nagsasaya sa iisang oras.
Sa wakas ay lumitaw na ang pag-asa sa kaniyang mga mata.
"Master, ano ang isang Changeable Body?" Tanong ni Zhao Feng.
"Ang isang Changeable Body ay isang espesyal na klase ng katawan at kapag sinubukan, ang mga resulta ay hindi magiging tiyak. Kahit ito ay bihira rin sa Clan at mayroong ilang halimbawa ng mga kabataan na mayroong Low Tier Bodies, ngunit ang kanilang huling mga nakamit ay lumagpas pa sa High Tier Spiritual Bodies," mabilis na paliwanag ni Lord Guanjun.
Hindi nakapagtataka. Bahagyang naintindihan ni Zhao Feng kung ano ang ibig sabihin ng isang Changeable Body, ngunit ang kaniyang talento ay nagmula sa kaniyan kaliwang mata, na mas lalo pang nagbabago at ginagawang perpekto ang kaniyang katawan sa bawat pagkakataon.
Kung hindi isasama ang kaliwang mata, ang talento ko ay hindi makakalagpas sa isang Middle Tier Mortal Body, siguro ay magiging isang Low Tier Mortal Body pa.
Alam ni Zhao Feng ang kaniyang mga hangganan. Bago ang pagsasama ng kaniyang mata, ang kaniyang talento ay lubhang normal lamang. Huwag ng pag-usapan ang pagkukumpara kay Nan Gongfan at Bei Moi, hindi man lamang maikukumpara kay Zhao Linlong.
Sa pagkumpirma ng tunay na talento ni Zhao Feng, umaasa si Lord Guanjun at siya ay masaya. Ang ibig sabihin ng isang Changeable Body ay ang tunay na talento ng isang tao ay hindi magiging eksakto kapag sinukat, kaya naman ang talento ni Zhao Feng ay siguro mas mataas pa sa kung ano ang nasukat.
Ngunit kahit ano pa man ang sinabi, ang talento ni Zhao Feng ay mas mataas kumpara sa nakaraan, kaya ang resulta ng kaniyang hinaharap ay mas magiging malaki.
"Sukatin mo pa ng ilang beses." Sinabi ni Lord Guanjun ng may pag-asa.
"Ok."
Tumango si Zhao Feng habang tinuon at inilagay ang kaniyang mental energy sa bolang kristal muli.
Ngunit ang resulta ay parehas pa rin: lima't kalahating bilog.
"Lima't kalahating bilog, mayroon pa ring malaking diperensya sa pagitan mo at ni Bei Moi. Nang sinukat niya ang kaniyang talento, ito ay malapit sa walo't kalahating bilog. Kailangan mong malaman na ang ibig sabihin ng walong bilog ay isang Maximum Tier Spiritual Body," bumuntong hininga si Lord Guanjun.
Ang ibig sabihin ng unang apat na bilog ay ang apat na tiers ng isang Moral Body. Ang ikalima hanggang ikawalong bilog ay ang palatandaan ng apat na tiers ng Spiritual Body, at ang talento ni Bei Moi ay umabot sa walo't kalahati.
"Mayroon pa bang ibang mga talentong mas maganda kaysa sa Spiritual Bodies?" Nakaramdam si Zhao Feng na mayroon pa.
"Tama iyan! Si Bei Moi ay kalahating layo lamang mula sa legendary Earth at Sky Spiritual Bodies." Huminga ng malalim si Lord Guanjun.
Earth Spiritual Body at Sky Spiritual Body. Yumanig ang mga iniisip ni Zhao Feng, mukhang ang pakiramdam niya ay tama.
"Ang tanging problema ay ang Earth at Sky Spiritual Bodies ay hindi na nakita sa matagal na panahon. Hangga't maaari sa nakaraang 100 taon, hindi ito lumitaw sa Cloud Country. Si Bei Moi ay isang hakbang na layo na lamang mula sa Earth Spiritual Body, kaya naman dapat mong malaman na ang potensyal niya ay talaga namang labis na mataas."
Bumuntong hininga si Lord Guanjun habang ang ekspresyon niya ay naging malungkot na naman, ngunit habang ang kaniyang paningin ay lumapag kay Zhao Feng, isang matamlay na kinang ng pag-asa ay lumitaw muli. Kung tutuusin, ang pangalawang nabanggit ay mayroong isang Changeable Body, ang pagiging bihira nito ay maaaring maikumpara sa isang Earth Spiritual Body.
"Mayroon pang natitirang dalawampung araw bago ang entrance examination. Sa natitirang panahon na ito, maaari mo akong tanungin ng kahit anong gusto mo," sinabi ni Lord Guanjun kay Zhao Feng.
Alam ni Zhao Feng na inilagay na ni Lord Guanjun ang lahat ng kaniyang pag-asa sa kaniya, at gagawin ang lahat upang mabigay ang lahat ng kaniyang kailangan,
Ang unang reaksyon niya ay upang manghingi pa ng maraming Holy martial arts, ngunit sinabihan siya ni Lord Guanjun na ang pinakamabisang paraan ay upang magsanay ng isa o dalawang Holy martial arts bago ang Ascended Realm.
Si Zhao Feng ay kasalukuyang sinasanay ang kaniyang Silver Wall Technique at sinusubukang makakuha ng kabatiran mula sa Four Wind Stances, na tiyak na Holy martial arts. Kung siya ay mamimili ng isa pang Holy martial art, kukunsumo ito ng malaking halaga ng kaniyang oras at pokus.
"Kung kaya mong sanayin ang Silver Wall Technique sa tenth level at pasukin ang Ascended Realm gamit lamang ang iyong katawan, magkakaroon ka pa ng maraming pagpipilian na Holy martial arts sa Clan kumpara sa limitadong imbak sa Guanjun Palace," sinabi ni Lord Guanjun nang nakangiti.
Ang Holy martial arts ng Guanjun Palace ay hindi maikukumpara sa mga nasa Clans. Ang pagpili ng maaga ay lilimitahan ang hinaharap ni Zhao Feng, at umayon si Feng sa sinabi ni Lord Guanjun. Pinili niya ang Silver Wall Technique mismo dahil nais niya ang isang malakas at solidong pundasyon, at sa totoo lang, tama siya.
"Master, ano ang cultivation realms?" Tanong ni Zhao Feng.
"Sa Clan, ang realms ay: ang Nine ranks ng Consolidated Realm, ang Seven Skies ng Ascended Realm, at ang Three Heavens ng True Spirit Realm," sinabi sa kaniya ni Lord Guanjun ang cultivation ranks.
Consolidated Realm, Ascended Realm, True Spirit Realm.
Kilala rin ang Consolidated Realm bilang ang Martial Path at ang layunin ng realm na ito ay upang magbigay ng isang malakas na pundasyon para sa susunod.
Ascended Realm: Nahahati ito sa Seven Skies at kilala ang Holy Martial Path sa mga mata ng mortal.
True Spirit Realm: Nahahati sa Three Heavens, at si Hai Yun Master ay isang cultivator ng rank na ito.
…
Bago sila umalis, inabot ni Lord Guanjun ang bolang kristal kay Zhao Feng.
"Kung ikaw may natitirang oras, umalis ka ay subukan pa ang iyong talento dahil ang talento ng isang Changeable Body ay hindi palaging parehas," sinabi ni Lord Guanjun ng may pag-asa. Halata naman na umaasa siya na lumaki pa lalo ang talento ni Zhao Feng.
Kinuha ni Zhao Feng ang bolang kristal at bumalik sa kaniyang patyo.
Sa pagsara niya ng pinto, huminga ng malalim si Zhao Feng at muli, ibinuhos niya ang kaniyang mental energy sa kristal.
Isang bilog…dalawang bilog...tatlong bilog...apat na bilog...
Peh! Peh! Sa ilalim ng pagtibok ng kaniyang kaliwang mata, ang bilang ng bilog ay umabot sa lima't kalahati.
Sa pagkakataon na ito pa lamang, isang matamlay na asul na liwanag ang lumitaw sa kaliwang mata ni Zhao Feng. Habang siya ay nagsusukat, labis niyang pinuwersa ang kaniyang kaliwang mata!
Weng~~~~~~~ Ang bolang kristal ay naging maliwanag mas maliwanag pa at mas maraming bilog ang nagpakita.
Lima't kalahati...anim...anim at kalahati...pitong bilog.
Ang mga bilog ay nagsimulang bumagal nang ito ay makarating sa pito't kalahati, ngunit ang huling resulta ay umabot pa rin sa walo at kaunti.
Ang walo't kalahating bilog ay matamlay na nagpakita. Sa oras na ito, ang kaliwang mata ni Zhao Feng ay umabot sa pinakahangganang kapangyarihan nito.
"Ang talento ng kaliwang mata nito ay hindi kapani-paniwala!" Nagulat si Zhao Feng. Ang talento niya ay parehas ng kay Bei Moi kapag ginawa niya ang lahat ng kaniyang makakaya.
Naramdaman ni Zhao Feng na ang kaniyang kaliwang mata ay mayroong walang hangganang potensyal, at mga bagong kapangyarihan ang maaari pang magpakita sa pagtaas ng kaniyang cultivation.
***********************
Mayroon pang natitirang dalawampung araw bago ang entrance test at si Zhao Feng ay nakatuon lamang sa kaniyang Silver Wall Technique upang gumawa ng mas maayos pang pundasyon. Makalipas ang tatlong araw, napagdesisyunan ni Zhao Feng na gamitin ang Golden Body Strengthening Powder.
Ang powder na ito ay lubhang magulo at dominante, at ito ay nabigyan ng titulo ng isang king tier body strengthening powder. Batay sa mga kinakailangan nito, binuhos ni Zhao Feng ang powder sa loob ng balde ng kumukulong tubig.
Habang bumababad siya sa tubig na ito, naramdaman ni Zhao Feng ang pagbali at pagtunog ng kaniyang mga buto, ang pakiramdam na ito ay mas malala pa kaysa sa kamatayan! Hindi nakapagtataka na sinabi nito na kalahati ng cultivators ng eighth rank na gumamit nito ay kukulubot, ngutni sinuwerte si Zhao Feng dahil sinanay niya ang kaniyang Silver Wall Technique at nagawa niyang kontrolin ang enerhiyang ito.
Peh! Peh!
Sa ilaim ng pagtibok ng kaniyang kaliwang mata, nagawang higupin ni Zhao Feng ang lahat ng tubig, ngunit sa iisang oras, mas lumala ang sakit.
Sa loob ng buong tatlong araw at tatlong gabi, hinugop ni Zhao feng ang lahat ng enerhiya mula sa Golden Body Strengthening Powder at sa ilang mga araw pagtapos nito, kinailangan niyang kuhanin pa ang natitirang enerhiya at palaguin ang kaniyang katawan.
Pagtapos gamitin ang Golden Body Strengthening Powder, ang kaniyang Silver Wall Technique ay lubhang mabilis na tumaas.
"Kung makakuha ako ng isa pang supot nito, maaari akong makaabot sa peak eighth level ng Silver Wall Technique," naisip ni Zhao Feng.
Napagdesisyunan niyang hanapin si Lord Guanjun upang tulungan siya sa usaping ito at sa oras na ito, mayroon na lamang sampung araw na natitira hanggang sa Clan's entrance examination.