Nagulat na tumingin ang mga tao dahil sa nangyari. Sinong mag-aakala na ang maalamat na si Lord Guanjun ay madaling matatalo ng isang youth?
"Master!" sigaw ni Ye Linyun at ng iba pa habang tumatakbo papunta kay Lord Guanjun. Tumingin nang masama kay Quan Chen ang grupo, ngunit hindi pa rin maitago ang takot sa kanilang mga puso.
"Walang aatake sa inyo!" Inayos ni Lord Guanjun ang kaniyang sarilli at sinabi ito sa kaniyang mga disipulo.
Halos hindi na niya kayang tumayo mag-isa. Habang nakatingin sa kaniyang anyo, may nakita si Zhao Feng na gumalaw sa puso niya. Kung wala si Lord Guanjun, lahat sila ay nakatadhanang mamatay nang malupit.
"Uncle Xu, ako ay hindi isang mamamatay tao," ngumiti si Quan Chen at tumingin kay Bei Moi.
Shua!
Ang kaniyang anyo ay biglang nawala at biglang lumitaw sa harap ni Bei Moi.
"Anong…" Ang ekspresyon ni Bei Moi ay nagbago nang mapagtantong ang kaniyang Inner Strength ay napigilan.
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com