Hindi nagtagal, ang mga pinakamagagaling na tagapagpana ay nalipon malapit kay Heneral Heng. Ilan sa kanila ay nasa ikalima at ikaanim na antas, samantalang ang iba ay lahat nasa ikapito at ikawalong antas. Ang pangkat ay puno ng mga taong hindi ganoon katandaan, na siya namang kinaiba ni Zhao Feng.
Bahagyang interesado si Zhao Feng habang nakatayo sa pangkat
"Ang kailangan mo lang gawin ay akitin ang Golden Beak Eagle King malapit sa lungsod…" Sinabi ni Heneral Heng ang kanyang plano.
Simple lang naman ang plano, guluhin at saktan ang Golden Beak Eagle King para makuha ang atensyon nito, at pagkatapos ay patayin ito ng pinagsamang lakas ng iilang mga nasa ikasiyam na antas.
"Baka maaaring…" Kita ang pag-aalangan sa mga tagapagpana na nasa ikapito at ikawalong antas.
"Ano!? Hindi niyo ba kayang gawin ang mga ganito kasimpleng bagay?" Malamig na sabi ni Heneral Heng.
Ang mga tagapagpana ay nagsimulang matakot at manginig.
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com