Pinigilan ni Zhao Feng ang kaniyang pagkatuwa nang mahawakan ang kaniyang daan-daang libong silver notes at umalis sa kaniyang gusali. Hindi niya pinangarap na magaroon ng ganoon karaming pera. Noon sa Zhao sect, ang kaniyang natatanggap ay dalawampung pilak lamang bawat buwan.
Siguradong makakabili na ako ng maraming resources para makatulong sa aking Silver Wall Technique… inisip ni Zhao Feng.
Di nagtagal, siya ay lumabas ng Guanjun Palace, kung saan hindi pa siya nakakapunta dati. Mas malaki ang Province City kaysa sa Sun Feather City. Ang mga cultivators at mga karwahe ay mamamataan kahit saan.
Hindi na kinailangang magtanong ni Zhao Feng ng direksiyon, sumunod lang siya sa direksiyon ng karamihan at nakarating na siya sa pamilihan. Sa daan-daang metrong layo, nakita niya ang isang tindahan na may nakasulat na "Medicine Pavilion" dito.
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com