webnovel

Moral Spiritual Body

Editor: LiberReverieGroup

Ang atensyon ng lahat ay nasa kristal sa kamay ni Zhao Feng. Ang bilog ay naipon, pagkatapos ay tumigil muli, at pagkatapos ay tumalon muli.

Pinakaba ng pagbabago ang mga manonood. Hindi na itinuloy ni Lord Guangjun ang kaniyang sasabihin, ang pagbabago ay muntik nang makapagbigay ng maling paghusga. Unang beses nga naman niyang makakita ng tulad nito.

Si Zhao Feng lang ang nakakaalam sa kaniyang puso na hindi lumagpas ng dalawang bilog ang kaniyang potensyal.

Dalawa at kalahating bilog... tatlong bilog...tatlo at kalahating bilog...

Sa Ilalim ng init ng kaniyang kaliwang mata, ang dami ng bilog ay umabot sa tatlo at kalahati at patuloy pang lumuliit.

Tatlo at kalahati...apat na bilog...apat at kalahating bilog...

Pinigilan ng marami ang kanilang hininga. Apat at kalahating bilog ang pinakamagaling sa Ten Sky Guards, hindi kasama si Feng Hanyue at Zhao Yufei. Napagtanto ni Zhao Feng na ang limang bilog ay nasa iba nang lebel, ngunit matapos ang apat at kalahating bilog ay naipon, bumagal ang progreso. Sa di inaasahan, isa pang pulso ng init ang lumabas sa kaniyang kaliwang mata.

Apat at kalahati...limang bilog!

Isang mahinang berdeng liwanag ang lumabas nang lumiit ang ikalimang bilog. Hanggang dito na lamang ang kayang maabot ni Zhao Feng nang walang tulong galing sa kanyang kaliwang mata dahil alam niyang mararamdaman ito ni Lord Guanjun.

"Lumabas ns ang ikalimang bilog, ngunit medyo mas mahina ito nang kaunti kaysa kay Feng Hanyue. Malamang ay dahil ito sa hald spiritual body," naging normal na muli ang ekspresyon ni Lord Guanjun.

Halata namang ang potensyal ni Zhao Feng ay nasa ibaba lang ng kay Feng Hanyue at hindi na niya ito ikinagulat.

"Half spiritual body? Hindi ito sapat," tinignan ni BEi Moi ang Kristal nang may pagkadismaya. Halata namang minaliit niya si Zhao Feng.

Master, alin ang inyong kukuhain?" tanong ng Third Guard.

"Wala sa kanila ang sapat para maging aking core disciple." Umiling si Lord Guanjun.

Hanggang ngayon, si Bei Moi lang ang nakapagpapalugod sa kaniya. Nang marinig ito, lahat ng mga youth ay nainis.

"Ngunit ang henereasyon ng Sky Guards Battalion ngayon ay mas malakas kaysa dati. Ang iba sa kanila ay maaaring maging aking mga outer disciple," pagpapatuloy ni Lord Guanjun.

Outer disciple?

Nagliwanag ang mga mata ni Feng Hanyue at ng iba pa.

Kahit na hindi siguradong sila ay magiging core disciple, isa pa ring pangarap na natupad ang maging kaniyang outer disciple. Isang alamat si Lord Guanjun mula sa Cloud Country, kahit ang mga Martial Masters ay nagmakaawa para sa kaniyang tulong. Kung sila ay magiging outer disciple niya, may pagkakataon silang matuto mula sa kaniya.

Dagdag pa rito, ang Third Guard at si Ye Linyun ay mga outer disciples lang niya.

"Mga outer disciples? Sinu-sino?" tanong ni Ye Linyun.

"Ang dalawang ito ay may Spiritual Body kaya wala silang problema sa pagiging mga outer disciples ko," tumingin si Lord Guanjun kina Feng Huanyue at Zhao Yufei.

"Paano naman si Zhao Feng? Siya ang pinakabata dito at may pinakamataas na cultivation, ang kaniyang memorya ay mas magaling kaysa kay Bei Moi, una rin siyang pumunta sa misyon…" medaling sinabi ni Ye Linyun.

Si Zhao Feng ang henyong kinuha niya mula sa Sun Feather City, a malaki ang inaasahan mula sa kaniya.

"Mahihirapan siya sa kaniyang half-spiritual body…" sabi ni Lord Gaunjun matapos mag-isip saglit.

Ngunit sa nakikitang pagpuri sa kaniya ng Third Guard at ni Ye Linyun, hindi niya maiwasang tumawa. "Sus, hayaan mo siya. Ang pagkuha ng tatlong mga disipulo nang sabay ay bago."

Nang makapagdesisyon si Lord Guanjun, nginitian ni Ye Linyun at Third Guard si Zhao Feng. Nagbalik si Zhao Feng ng nagpapasalamat na itsura.

"Master, hindi mo pagsisisihang kinuha mo siya," walang alinlangang sabi ni Ye Linyun.

"Oh?" Hindi alam ni Lprd Guanjun kung saan nanggaling ang pagtitiwala ni Ye Linyun.

Hindi nagpaliwanag si Ye Linyun. Naalala niya ang aura na inilabasa ni Zhao Feng nang ipakita niya ang kaniyang mga skills sa pamilya ng Zhao. Isa itong bagay na hindi basta nagagwa ng mga ikasiyam na antas sa panahong iyon, at ikalimang anta slang si Zhao Feng noon.

"Feng Haanyue, Zhao Yufei, Zhao Feng. Simula ngayon, magiging mga outer disciple na kayo ni Lord Guanjun," anunsyo ng Third Guard.

"Hindi mo na kailangang magin pormal dahil isa ka ring outer disciple," ngumiti ni Lord Guanjun.

Sinuri niya si Zhao Feng at ang dalawa pa bago dumating ang mga mata kay Bei Moi. Ito lang ang panahong ngumiti siya nang totoo. Naintindihan ni Zhao Feng at iba pa na matuturuan minsan ang mga outer disciple. Minsan, walang natatanggap ang mga outer disciple.

Si Bei Moi lang ang core disciple ni Lord Guanjun, si Bei Moi ang inalagaan niya. Pagkatapos ng seremonya ng Master-Disciple, ang pitong Sky Guards ay umalis na. Di nagtagal, si Lord Guanjun at kaniyang mga disipulo na lamang ang natira. Ang Third Guard at si Ye Linyun ay mayroong mga Gawain kaya umalis na rin sila.

Samakatuwid, Ang natira lang ay sila Bei Moi, Nan GOngfan, Feng Hanyue, Zhao Yufei, at Zhao Feng.

"Maaari niyo na akong tanungin dahil mga disipulo ko na kayo ngayon," sabi n Lord Guanjun.

Mga katanungan?

Sina Feng Hanyue, Zhao Yufei at Zhao Feng ay natuwa. Halatang marami silang katanungan sa anyo ng alamat.

"Master, ano ang Spiritual Body?" Ang unang nagsalita ay si Feng Hanyue.

Spiritual, Mortal Body. Ito ang narinig ni Zhao Feng mula kay Lord Guanjun noon.

"May daan-daang bilyon ng mga tao sa kontinenteng ito, at ang kanilang potensyal ang nakatakda sa kanilang kapanganakan. Higit sa siyamnapung porsyento ng mga tao ang normal at mayroon silang Mortal Bodies," kalmadong ipinaliwanag ni Lod Guanjun.

Naintindian ni Zhao Feng ang kaniyang ibig sabihin. Karamihan ng mga tao sa mundo ay may Mortal Bodies. Halimbawa, bago nakapag-isa si Zhao Feng sa mata, may isang daang porsyentong Mortal Body siya.Ngunit matapos ang pakikipag-isa sa misteryosong mata, ang kan iyang dugo at potensyal ay naapektuhan at ngaing half Spiritual Body.

"Ang mortal body at nahahati sa iba-t ibang mga tier: Low, Middle, High, and Limit. Ibig sabihin nito ay may pagkakaiba-iba ang mga Mortal Bodies. Sa pagsusulit, ibig sabihin ng isang bilog ay Low Tier Mortal Body, ang dalawa ay nangangahulugang Middle Tier Mortal Body… ang apat na bilog ay nangangahulugang Limit Tier Moetal Body," pagpaptuloy ni Lord Guanjun.

Hindi pa narinig ni Zhao Feng ang mga ito noon.

"Ang limang bilog ay nangangahulugang Spiritual Body. Ang mga taong may Spiritual Body ay may lamang kumpara sa mga may Mortal Bodies. Ang mga henyong ito at makakaabot sa Holy Martial Path nang mabilis depende sa kung gaano kagaling ang kanilang master," ipinaliwanag na rin ni Lord Guanjun sa wakas ang ibig sabihin ng Mortal at Spiritual Bodies.

Nadagdagan nito ang kaalaman ni Zhao Feng. Tinantya niya na si Zhao Linlong ay hanggang tatlo at kalahating bilog, sa pagitan ng High Tier at Limit Tier ng Mortal Body.

Sumunod, tinanong ni Zhao Yufei si Lord Guanjun. "Master, mayroon pa bang mas mataas sa Holy Martial Path?"

Nang marinig ang katanungan, nagka-interes din si Zhao Feng. Noong nasa Sun Feather City pa sila lang ang may alam tungkol sa Martial Path; isa lang tsismis ang Holy Martial Path. Nang makaharap si Lord Guanjun Zhao, akal ni Feng na naabot na niya ang Holy Martial Path.

Tapos, mayroon pa bang mas mataas sa Holy Martial Path?

"Oo," nagliwanag mga mata ni Lord Guanjun habang nagsasalita nang sersyoso, "ngunit ito ay nasa lebel na hindi mo kayang abutin…"

Nang marinig ito, tila tumalon ang puso ni Zhao Feng at ng iba pa. May mas mataas pa sa Holy Martial Path!

Di nagtagal, nagtanong na si Zhao Feng. "Ano ang pinakamahalaga sa siyam na antas ng Martial Path?"

"Ang katawan ang pinakamahlaga. Ang layunin ng Martial Path ay ang mapalakas ang dugo, mga buto at laman. Ang tunay na gamit ng Inner Strength ay hindi ang pagpatay ng mga tao, kung hindi ang pagpapglakas ng katawan niya. Sa puntong ito, maraming mga cultivators ang napunta sa maling landas," ngumiti si Lord Guanjun.

Walang duda. Sigurado na si Zhao Feng sa mga iniisip niya ngayon.

"Master, anong dahiln ninyo sa pag-alaga ng mga henyo?" taonong ni Zhao Feng na pinakanakakagulo sa kaniya.

Simula nang makapunta siya sa Guanjun Palace, narinig niya sa iba na mahal ni Lord Guanjun ang mga henyo at ipapadala niya ang kaniyang mga tauhan sa bansa upang makuha sila. Siya at si Zhao Yufei ay natagpuan sa Guanjun Corps, at si Ye Linyun mismo ang pumunta para kunin sila.

Ang mga katanungan ni Zhao Feng ay nagdahilan kay Lord Guanjun para manigas ang katawan at isang malamig na liwanag mula sa kaniyang mata ang lumabas. Sa isang sandali, naramdaman ni Zhao Feng ang pressure na bumigat sa kanila.

Halatang walang ginawa si Lord Guanjun, siya ay hindi naglabas ng aura, ngunit ang pressure sa kaniyang mental energy ang nagdahilan sa iba na manginig. Pagkatapos, pinagpawisan nang malamig si Zhao

Feng sa noo.

"Zhao Feng! Ang tanong na ito ay walang kinalaman sa iyo! Kinukupkop ni Master ang mga henyo dahil sila ay mahal niya. Sa tingin mo ba na ang master na iyon ay may layunin?" sigaw ni Nan Gongfan sa galit.

Bab berikutnya