webnovel

Lider ng mga Tulisan

Editor: LiberReverieGroup

Pagkatapos ng matinding laban, nanatili muna ang tatlo sa pwestong iyon para magpahinga. Parehong may mga sugat si Zhao Yufei at Huang Qi, tanging si Zhao Feng lamang ang walang galos o kahit ano, na siyang nagpatanto sa dalawa na napakalayo pala ng kanilang kakayahan sa kanya.

Ang lalo pa nilang ikinagulat ay ang paggamit lamang ni Zhao Feng ng kapangyarihan na nasa maagang yugto ng ikaanim na antas para patayin ang lider ng mga tulisan at hindi ang peak nito. Makikita talaga na ang lakas ni Zhao Feng ay nasa antas na ng pagiging quasi-Martial Master!

Sinuri na nila ang lugar kung saan sila naglaban at saka hinati ang mga battle points. Kahit napatay ni Zhao Feng ang lider, hindi siya ang pinakapangunahing namumuno, kung kaya ang halaga niya ay limang battle points lamang. Anim ang lahat ng napatay ni Zhao Feng, kasama na ang dalawang nasa ikaapat na antas, dalawang nasa ikalimang antas, at isang nasa ikaanim na antas.

Bab Terkunci

Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com

Bab berikutnya