webnovel

Unang Tagumpay

Editor: LiberReverieGroup

Napataas ang kilay ni Zhao Feng ang mga

boses ni Lu Xiaoyu, sinusubukan ba ng bastardong iyon na kuhanin ang kanyang

mga kasama sa harap niya mismo?

Inaamin

ni Zhao Feng na talagang malakas ang grupo ni Ziaoyu. May tatlong miyembro mula

sa ika-apat na antas at ang natira ay nasa peak fifth ranks.

Puno

ng ngiti ang mukha ni Lu Xiaoyu nang tignan niya si Zhao Yufei, walang hindi

nakakikilala sa kanya sa Sky Guards Battalion.

"Salamat sa pag-aalok mo, ngunit mayroon na

akong sariling grupo," walang emosyong tinanggihan ni Zhao Yufei ang alok ni Lu

Xiaoyu.

Tinanggihan niya? Hindi ba't nais nang

babaeng ito ang malakas?

Bahagyang

nagulat si Lu Xiaoyu. Gwapo naman siya at talentado pa, kaya bakit siya nito

tinanggihan?

"Sa lakas na mayroon kayong tatlo, mahihirapan

kayo kahit pa ang ang iligtas ang sarili niyo." Tinignan ni Zhao Feng si Huang

Qi na may panghahamak.

"Salamat sa pag-aalala pero ang grupo namin ay

may sariling paraan upang makaligtas, mamaya namin pag-uusapan ang aming battle

points," kalmadong saad ni Zhao Feng.

"Battle points? Hahaha… sa tingin mo ba ang

grupong kagaya ng mayroon ka ay maikukumpara mo sa grupo namin?" Maiyak-iyak sa

tawa ang kabataang nasa peak sixth rank.

Siya

ay si Li Ziwen, ika-pitong antas sa Ten Sky Guards.

"Alis!"

Hindi

na ito pinansin ni Zhao Feng at pinangunahan niya na ang grupo niya na si Zhao

Yufei at Huang Qi sa danger zone. Hindi nagtagal, naka salubong nila ang ibang

mga grupo na pinamumunuan ng Sampung Sky Guards.

Mas

malakas ang grupo ni Lei Cong, na mayroong sampung kasapi at dalawa dito ay

kabilang sa Ten Sky Guards. Sa pagharap nila dito, naging medyo balisa si Huang

Qi.

"Brother Zhao, sigurado ka ab na makakakuha

tayo ng battle points?" Hi di mapigilang magtanong ni Hung Qi. Kung bilang ang

pag-uusapan, tatlong tao lamang sila, kung malasin sila at makasalubong ng

grupo ng sampung tulisan, maari silang mamatay.

"Kalma, hindi magiging mababa ang battle

points mo." Puno ng kumpyansa si Zhao Feng. "Kung hindi ka naniniwala sa akin,

pwede kang sumali sa ibang grupo."

Looking

at the confident expression on Zhao Feng's face, Huang Qi's suspicions fell a

bit.

Sa

kumpyansang ipinakita ni Zhao Feng sa kanyang mukha, nabawasan ang hinala ni

Huang Qi.

************************

Matapos ang kalahating oras...

Ang

tatlo ay pumasok sa danger zone.

Ang

lugar ay masikot, ngunit hindi na nagawang tignan ni Zhao Feng ang lugar habang

naglalakad. Kailangan pa ilabas ni Zhao Yufei at Huang Qi ang mapa upang tignan

kung tama ba ang kanilang tinatahak, ngunit si Zhao Feng ay hindi na ito

kailangang gawin sapagkat naisaulo niya na ang mapa at sa magnifier ng kanyang

kaliwang mata, nakikita niya ang 'real view'.

"Brother Zhao, saan tayo pupunta?" Nakaramdam

ng pagkahilo si Huang Qi habang tinitignan niya ang mapa.

"May sapa doon banda, sumunod sa canyon. Ang

tubig at pagkain ay mahalaga sa mga tulisan na ito."

Hindi

nagtagal, lumitaw ang ilog at sa 'di kalayuan ay mayroon ngang canyon. Hindi

mapigilan ni Huang Qi ang pagkagulat, hindi niya inaasahan na sobrang husay ng

memorya ni Zhao Feng at eksaktong nakita niya ang nilalaman ng mapa sa totoong

tanawin.

"Dito tayo aatake. Huang Qi, magtago ka sa

ilog; Yufei, magtago ka sa pagitan ng mga bata malapit sa pasukan ng canyon,"

utos ni Zhao Feng.

Walang

pagaalinlangan si Zhao Yufei noong magtago siya sa pagitan ng mga bato.

Bahagyang nag-alinlangan si Huang Qi, ngunit tumalon pa rin siya sa ilog.

Ceng!

Tumalon

si Zhao Feng sa puno at kinuha ang kanyang Golden Stairs Bow out, itinutok sa

direksyon ng canyon. Kanina niya pa nakita ang mga kahina-hinalang tao na

paparating mula sa canyon sa kanyang kaliwang mata.

************

Ilang sandali...

Sa

direksyon ng canyon ay may mga yabag ng paa, at ilang mga tao na nakasuot ng

pang-karaniwang mamamayan ang sumulpot. Mayroong tatlong tao, ang kanilang

pinuno na nasa peak fifth rank, ang nasa kaliwa't kanan niya ay nasa ika-apat

at ika-limang antas.

Ang

tatlo ay pumunta sa ilog at nagsimulang uminom.

"Atake!"

Hinila

ni Zhao Feng ang tali at hinayaan ang palaso na kumawala. Ang pana ay nanginig

nang ang gintong palaso ay tumusok sa himpapawid at gumawa ng perpektong arko.

Ahhhhh!

Ang

palaso ay tumama sa balikat ng payat na lalaki at bumagsak siya sa lupa.

"Ambush!" Sigaw ng pinuno habang tinitignan

niya ang paligid.

Hua!

Sa

sandaling ito, ang kabataan ay lumitaw mula sa ilog.

Cloud

Defying Palm!

Inatake

ni Hung Qi mula sa gilid at bumangga sa atake ng pinuno.

Pah—-

Sa

kadahilanang ito ay biglaan, nakatanggap ang pinuno ng ilang galos.

Thirteen

Legs of the Willow!

Umatake

ni Huang Qi habang may lamang pa siya sa kanyang peak level high martial art.

"Ma San, tutulungan kita!" Umatake ang huling

lalaki sa gilid.

Sou—-

Ngunit

sa sandaling ito, isang palaso galing ang tumama sa damit ng matabang tao.

Muntikan

na! Ang matabang lalaki ay tumalon sa gilid at nagawang iwasan ang palaso.

"Mag-ingat ka sa archer sa dilim!" Ang payat

na lalaki ay napa-ungol sa sakit, ang unang palaso ay tumama sa kanyang ugat,

kaya't hindi siya makagamit ng kahit anong chi.

"Bumalik na kayo at iulat ang nangyayari,"

saad nang nagungunang lalaki sa matabang lalaki habang iniiwasan niya ang mga

atake ni Huang Qi.

"Mag-ingat ka, Ma San!" Agad na tumalikod ang

lalaki at tumakbo pabalik sa kanyang pinag galingan.

Saan

sa tingin niya siya tumatakbo? Mula sa mga bato ay lumitaw ang magandang babae

at hinarang ang daan ng matabang lalaki.

Parehong

nakikipaglaban si Zhao Yufeia at Huang Qi sa mga kalaban. Ang kalaban ni Gung

Qi ay umabot na sa peak fifth rank at marami itong karanasan sa kanyang mga

tinatagong atake. Ang kalaban naman ni Zhao Yufei ay ay nag-ensayo ng body

strengthening technique, na nagbigay sa kanya ng lubos na lakas.

Nakatayo

si Zhao Feng sa mga puno, ang isang kamay niya ay hawak ang pana, ngunit hindi

siya umatake dahil kinokonsidera niya na ang dalawang ito ay walang karanasan

sa agaw-buhay na labanan.

Ang

dalawang tulisan na ito ay puno ng mga tricks at bagamat ang cultivation nila

ay mas mababa, hindi sila agad natalo.

Mga

sampung atake pa ay-

Spiritual

Wind Slice!

Gianmit

ni Zhao Yufei ang kanyang peak ranked martial art at nagawang matalo ang

matabang lalaki. Ang kalaban ni Huang Qu ay mas mahirap ng kaunti talunin at

natalo lamang ito matapos ang dalawampung atake.

Teng!

Sa

sandali lamang ito lumabas si Zhao Feng sa mga puno.

"Bakit hindi ka lumaban?" Medyo iritado si

Huang Qi.

Pumana

lamang si Zhao Feng ng dalawang beses at hindi na sila nito tinulungan.

"Kailangan niyong pag-isipan maigi kung paano

kayo makikipaglaban, masyado niyong matagal natalo ang mga taong mas mababa ang

cultivation sa inyo," kalmadong saad ni Zhao Feng.

"Ikaw…"

Nais

siyang pagsalitaan ni Hung Qi, ngunit wala siyang kahit anong maisip na

sabihin. Ang kanyang kalaban ay masyadong maraming tricks at maari siyang

matalo kung wala siyang lamang dito sa martial arts at cultivation.

"Tama si Brother Feng, kulang tayo sa karanasan sa pakikipag-laban," tumngo si Zhao Yufei sa pag sang-ayon

Kinuha

ng tatlo ang mga kagamitan sa mga katawang ng mga tulisan at nakuha nila ang

ilang bagay gaya ng nakamamatay na gamot, hidden blades at iba pa.

"Patawarin niyo ako!" Paulit ulit na yumuko

ang unang tinamaan ng palaso.

Puh!

Sinaksak

si Zhao Feng ang kanyang lalamunan gamit ang kanyang isang daliri.

"Pumatay kayo ng tig-isa." Sumulyap si Zhao

Feng kina Zhao Yufei ang Huang Qi.

Ang

dalawang ito ay mga henyo at pinoprotektahan ng kanilang pamilya simula pa

noong sila'y bata pa, kaya'y wala silang karanasan sa pakikipag-laban o

pagpatay.

Nag-alinlangan

si Huang Qi noong una ngunit tinikom niya ang kanyang ngipin at tinapos ang

pinuno. Kung hindi niya papatayin ang pinuno, hindi siya makakatanggap ng

battle points.

Ngunit

babae si Zhao Yufei, kita sa kanyang mukha na hindi niya ito gusto.

"Pakiusap, huwag mo akong patayin, magandang

dilag," malungkot na sigaw ng matabang tulisan, na nagdulot sa kanya na hindi

ito mapatay.

Malamig

na tumawa si Zhao Feng, ngunit gindi siya nag salita.

Metal

Eagle Claw!

Liwanag

ang masisilayan sa mata ng tulisan noong tinignan niya si Zhao Yufei habang ang

kamay nito ay papunta sa kanyang lalamunan. Biglang nagbago ang kulay sa mukha

ni Zhao Yufei.

Spiritual

Wind Slice!

Ang

kanyang jade-like na kamay ay nagwagayway sa ulo ng tulisan at nahulog ito.

Parehong halos masuka si Zhao Yufei at Huang Qi matapos ang kanilang unang pagpatay, tanging ang mukha lamang ni Zhao Feng ang hindi nagbago. Siya ay medyo gulat nang maalala niya na wala siyang masyadong reaksyon sa kaniyang unang pagpatay. Noon sa Sky Cloud Forest, si Zhao Feng ay sobrang kalmado tuwing patayan kung saan nakapatay siya ng dalawang tao. Noong naisip niya ito, kailangan niyang ibigay ang kredito na ito sa kanyang kaliwang mata.

Ang

kanilang unang laban ay tagumpay, at parehong natuto sina Zhao Yufei at Huang

Qi. Sa natitira nilang oras ng araw na iyon, ang tatlo ay patuloy na nanatili

sa lugar na iyon, ngunit nagpapalit sila ng posisyon.

Kina-hapunan,

ang grupo nila ay nakatatalo na ng pitong tao, apat sa ika-limang antas at

tatlo sa ika-apat na antas.

Matapos

ang mga labanan, parehong may malaking progreso sina Huang Qi at Zhai Yufei at

ang kanilang pagkakaisa ay mas naging maayos. Palihim na tumango si Zhao Feng,

ang kanilang pag-iisip ay mukhang naging mas maayos na.

"Ngayon, pupunta tayo sa loob ng canyon. Ayon

sa aking pagsusuri, malaki ang posibilidad na ang himpilan ng mga tulisan ay

doon, na maaring mayroon pang natitirang tao." Muling nagbigay si Zhao Feng

nang mga gawain.

Ang

unang gawain ay mangalap ng balita, na napagdesisyunan ni Zhao Feng na siya na

mismo ang gagawa. Dahil sa kanyang kaliwang mata, hindi lamang siya ipinanganak

na archer, siya rin ay ipinanganak na tagamanman. Sa oras na ang palayok ng

tubig ay kumulo na, nakaalis at nakabalik na agad si Zhao Feng.

"Tara." Ito lamang ang sinabi ni Zhao Feng

habang nangunguna kina Zhao Yufei at Hyang Qi sa loob ng canyon.

Sa

kanilang paglalakad, patuloy na dumadaan si Zhao Feng sa mga lugar na hindi

sila makikita ng mga tulisan. Napaisip tuloy si Huang Qi kung lahat ba ng mga

tulisan ay namatay na?

***********************************

Hindi katagalan...

Nagtago

sa malaking bato sina Zhak Feng Zhao Yufei at Huang Qi.

"Mayroong mga tulisan sa loob ng silid na gawa

sa kahoy at sa kweba doon," saad ni Zho Feng sa dalawa.

"Haha, papatay nanaman tayo? Ilan sila at

gaano sila kalakas?"

Pinag-kiskis

ni Huang Qi ang kanyang mga kamay, marami na silang napatay ngayong araw kaya'y

puno na ang kumpyansa niya sa kanyang sarili na siya ay mananalo.

"Isang tao sa peak sixth rank, dalawang normal

na ika-anim na antas, tatlong ika-limang antas, limang ika-apat na antas…

labing-isa sa kabuuan."

_Ano?

Labing-isa?_

Nanlaki

ang mata ni Huang Qi kasabay nang pagkibit ng kanyang mga pisngi.

"Baliw

ka ba? Pugad na yan ng mga kriminal, takbo!"

Bab berikutnya