Tumango si Zhao Feng at tumungo sa silid na gawa sa kahoy na minsa'y pagmamay-ari ni Li Changfeng. Nakita niyang hindi kalakihan ang lugar. Mayroon lamang isang kama at lamesa sa silid, ngunit ang kaibahan nito sa mga tents ay tila palasyo ay palikuran.
Pinag-isipan niya ito, at napagdesisyonan na ibigay ito kay Zhao Yufei dahil mas kailangan niya ito.
"Ang silid na ito ay napanalunan ni Brother Feng gamit ang kanyang lakas, Hindi ako maaring manatili dito…" Bahagyang kinagat ni Zhao Yufei ang kaniyang mga ngipin at kahit gaano pa subukan na hikayatin siya ni Zhao Feng, hindi siya pumayag.
Gayunpaman, ang mga patakaran ay nagsasabing tanging ang Sampung Sky Guards lamang ang maaring pumasok, Kaya tinulungan ni Zhao Feng na ilipat ang tent ni Zhao Yufeis katabi ng kanyang silid.
"Sana ay maari rin akong gabayan ni Brother Zhao kahit sandali." Ang mga salita ni Huang Qi ay mas kagalang-galang na ngayon.
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com