Mula sa unang galaw, halata na si Zhao Feng ang mas lamang. Ito ay tunay na nakasisindak para sa isang taong may mas mababang cultivation upang maging mas lamang sa laban.
"May kalamangan si Zhao Feng dahil ang Star Finger at ang kaniyang body strengthening technique…" Bumuntong hininga si Zhao Tiancang at hindi siya nag-abalang itago ang gulat sa kaniyang mukha. Ang kaniyang boses ay masiyadong malakas upang marinig ni Zhao Linlong.
Ang Metal Wall Technique ni Zhao Feng ay umabot na sa fifth level at siya ay mayroong hindi masukat-sukat na kapangyarihan. Pinipigilan niya pa rin ang kaniyang cultivation, kaya naman ang kaniyang Metal Wall Technique ay tila nasa peak pa lamang ng fourth level.
Ang kapangyarihan ng kaniyang Star Finger ay tunay na mas malakas kaysa sa Spatial Cloud Finger ni Zhao Linlong.
"Hindi ako naniniwala!" Humiyaw si Zhao Linlong at muling nilipon ang kaniyang Inner Strength.
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com